Eight

468 26 7
                                    

Harlow's POV:



Hindi pa ako nag-aalmusal pero nandito na ako sa tapat ng tindahan nina Ice. Bumibili ng yosi.

"Harlow, anyari kay Wendy? Ang lungkot ng mukha niya kanina habang nabili ng noodles dito." Tanong ni tomboy.

Napapakamot ako sa sintido ko. Dahil naalala kong kailangan ko palang magdoble sipag dahil wala na kong trabaho.

"Wala, hindi lang yun kumita." Sagot ko.

"Kawawa naman pala ang baby labs ko. Hay! Pauutangin ko nalang yun kapag bumili siya ulit dito mamaya."

"Pauutangin?" Ulit ko sa sinabi niya dahil parang maganda yun sa pandinig ko.

"Oh-oh. Siya lang, di ka kasama. Di ka pa nga bayad sa utang mo sa amin nung nakaraang buwan eh. Salamat ka, di ko yun nililista kundi nasugod ka na naman ni nanay."

Oo nga pala...Aagiwin na naman ang utang ko sa kanila.

Sinilip ko siya mula sa maliit na bintana ng tindahan nila. "Salamat Ice, isa ka talagang mapagmahal na kaibigan. Babayaran din kita balang araw."

"Balang araw? Ano yun, walang tamang petsa basta maisipan mo lang. Ganun?"

Napairap ako. "Ito naman. Tsaka pagbigyan mo na ako. Natanggal ako sa trabaho kagabi kaya baka lalong matagalan ang pagbabayad ko sayo."

Humaba ang leeg ng tomboy na si Ice para malapitan ang mukha ko.

"Double check. Nawalan ka ng trabaho? E, si Wendy ko?"

Hay! Mapapadaldal pa ata ako neto.

Tumango ako.

"Oh no!!" Eksahiradong reaksyon ni Ice. "Kawawa naman ang baby labs ko!"

Tumayo na ako dahil parang naiirita na ako sa nakikita ko. Nababaliw na naman ang tomboy na to. Taragis talaga.

"Harlow!!"

Napalingon ako sa tumawag. "Oh Kevin?" Ang isa sa impleyado ni Tatang Kanor. Bakit kaya siya narito? "Bakit?"

"Nandito ka lang pala, kanina pa ako hanap ng hanap sayo."

Ha? Hanap ng hanap sa akin? Eh, nandito lang naman ako. "Baliw ka ba? Ang lapit lang nitong tindahan sa bahay ko, tapos hanap ka pa ng hanap."

"Dumaan na ako dito kanina, di naman kita napansin. Kagagaling ko nga lang sa bahay ng kasera nyo, kakatanong kung nasaan ka."

Ha? "Mukha na ba akong multo at invisible? At saka ano ba yung pakay mo at hinahanap mo ko?"

"Pinatatawag ka ni sir Kane. Gusto ka makausap."

Pinatatawag ako ni Tatang? Bakit kaya? Baka nabalitaan na niya na nawalan ako ng trabaho. Tsk. Yari na naman ako neto!

"Ano daw ang dahilan ng pagpapatawag niya?" Medyo kinakabahan ako sa magiging sagot ni Kevin ah.

"Hindi ko alam." Kibit balikat niya. "Basta ang bilin niya, sabihan daw kita na pumunta sa kanya. Sa agency."

"Ah sige, maliligo lang ako."

"Pumunta ka ah."

"Oo nga!" Sumakay na si Kevin sa bike niya at pumadyak paalis.

Napapailing ako sa taong yun. Kanina pa daw niya ako hinahanap? Malabo na ba mata nun?

Pero... Napapa-isip ako sa biglang pagpapatawag ni Tatang. Pakiramdam ko yari ako nito sa kanya. Sisermunan na naman yata ako nun.

Bumalik na ako sa bahay at naligo pagkatapos ay nagmotor na ako papunta sa agency niya.

Societies Bad Girls | ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora