Thirty

384 20 7
                                    

Harlow's POV:




Matapos ang dalawang araw na pagsoshoot at dalawang araw ulit na preparation. Ila-launch na ngayon sa lahat ng platform ang adds na pinaghirapan namin.

Taon-taon lang daw to ginagawa ng kompanya dahil alam nilang kaya parin magbenta kahit walang adds. Pero ngayon gumawa sila para sa taonang pagpapalakas ng brand name.

Nandito kami sa malawak na showroom ng kompanya. Para abangan ang unang pag-ere ng adds namin. Narito din ang ilang matataas na tao tulad ni maam Aria. May dumarating pa na ibang bisita.

"Zoie." Bati ng isang binata.

"Hi Ezekiel." Bati din ni maam. "Thank you for coming."

"It's fine. Nagulat lang ako na may common friends tayo. Naging direktor nyo pala si Anika."

"Yuh."

"Oh by the way. I would like you to meet, Marcus. My buddy and Anika's cousin." Pakilala ng binata sa kasama niya.

Nakipagshake hands si maam Zoie sa binata.

Ang gwapo at mukhang mamahalin ang bintang kausap ni maam. Parang bagay silang magkasama ah.

Napapasandal ako dito sa kinatatayuan ko habang napapanuod ko sila at ang ilang empleyado at mga bisita. Iba talaga pagmayayaman ang nagsasama-sama. Simpleng tawanan lang nagkakaintindihan na sila. Kaso parang ang boring...

Nga pala may kailangan pa akong gawin.

Lumapit ako kay maam Rachelle. "Maam, lalabas lang po ako ah." Paalam ko sa kanya.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Diyan lang po. Kapaghinanap ako ni maam Zoie, pakisabi nalang na nagyosi ako."

Napatango siya. "Sige."

Tumalikod na ako at umalis. Dumiretso ako sa pinakalabas at pumara ng taxi. Ito nalang ang sasakyan ko para mabilis akong makarating sa pupuntahan ko.

"Manong, pakihintay nalang ako. Sasaglit lang po ako sa loob." Sabi ko sa taxi driver. Pagkarating namin.

"Sige po maam."

Pumasok na ako sa isang flower shop. Tumawag nga pala ako dito kanina bago pumunta.

"Miss, pipick-up'n ko nga pala yung order ni Harlow Cuevo." Sabi ko sa nagbabantay ng shop.

"Saglit lang po maam at kukunin ko."

Naghintay lang ako ng sandali saka ko nakita yung bulaklak na order ko. Napangiti ako, ang cute naman. Sana magustohan to ng pagbibigyan ko. Naglabas na ako ng pera saka nagbayad.  Sobrang simple lang nito. Wala kasi akong budget para sa pangmamahalin na bouquet.

Tsk. Okay na siguro to.

"Salamat." Paalam ko.

"Salamat din po."

Lumabas na ako sa sumakay ulit sa taxi saka muling bumalik sa kompanya. Itinago ko muna ang bulaklak kung saan bago ako bumalik sa showroom.

Pagkabalik ko mukhang mas naging masaya ang lahat. Yung iba naming boss nakahawak pa ng wine glass habang masayang nakikipagkwentuhan. Lumapit ulit ako kay maam Rachelle.

"Maam, ano nangyari?" Tanong ko.

"Ey. Andiyan kana pala, 'twas good. Nagustohan ng marami ang adds na lumabas. Satisfy sila sa project natin."

"Talaga?" Mabuti naman. Napagod kaya ako kakatulong sa project na yan.

"Yuh, ang galing ni miss Anika at miss Zoie."

Societies Bad Girls | ✔Where stories live. Discover now