Thirty-six

319 17 2
                                    

Harlow's POV:



Pauwi na kami ngayon ni maam Zoie at napapangiti ako dahil isang tahimik na tagumpay laban sa isang taong manloloko. Nadiskobre ko lang naman na hindi talaga tapat yung binatang si Marcus kay maam Zoie. Tsk.

Pagkalabas ng banyo nagpunta agad ako ng parking lot para sana makapagyosi. Sakto naman at nadaanan ko sina Marcus kahalikan ang isang babae sa loob ng kotse niya. Napakuyom agad ako ng kamao ng makita ko yun dahil sa inis. Mantakin mo ba namang mangbabae na agad siya eh nanliligaw palang siya kay maam Zoie. Tsk. Sa sobrang inis ko napakuha ako ng kutsilyo sa loob. Gusto kong saksakin ang damuho na yun sa leeg. Kaso pagbalik ko wala na sila ng kasama niya kaya binutas ko nalang ang gulong ng kotse niya. Mabuti nalang magaling ako trumabaho ng ganung bagay at wala ni isang nakakita sa ginawa ko.

Hay!

Kaya pala, di ako mapalagay sa lalaking yun. Tama pala ang kutob kong may di kati-katiwala sa kanya. Pero okay na. Nakaganti narin ako dahil halos manglumo siya sa nakita niya. Tsk. Palit gulong tuloy ang kumag na yun, dapat kasi namimili siya ng taong pinaglalaruan niya. At wag ang babaeng mahalaga sa akin.

"Maaga pa pala." Saad ni maam Zoie dito sa tabi ko.

Iniisip ko nga kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya ang nalaman ko. Baka masaktan lang siya. Kaso, kailangan magkaroon siya ng ideya sa totoong kulay ng lalaking nangliligaw kuno sa kanya. Hmm?

"Maam...Bat po pala kayo maaga umalis dun sa party?"

"Hmm...Wala lang, sabihin natin na ayaw ko ng makasama si Marcus."

Napalingon ako. Alam na kaya niya? "Bakit po, alam nyo narin po ba?"

"Alam? Yes of course! Na nandun yung ex niya at ginamit niya ako para masabi na may kadate siya. Ugh! That ass."

Ah. Akala ko naman alam na niya yung nakita ko. Sandli. Ex kaya ni Marcus yung nakita kong kahalikan niya kanina? Tsk. G*go pala talaga ang taong yun.

Nagconcentrate na lang ako sa pagmamaneho.

"Uy, bakit bigla kang nanahimik?" Pansin niya sa akin.

"Wala lang po. Akala ko kasi alam nyo na yung ginawa niya."

"Ginawa niya? What is that?"

Napapabuntong hininga ako. Nagdadalawang isip talaga ako na sabihin sa kanya yung nakita ko kanina. Baka makadagdag pa yun sa iisipin niya.

"Harlow. Tinatanong kita. Ano yun?"

"Saka ko nalang po sasabihin." Sagot ko.

"No. I want to know it now!"

Tsk.  "Umuwi na po tayo." Baling ko nalang ng usapan.

"No! Ayaw ko pa umuwi. Ugh! Nakakainis ka." Umayos siya ng upo paharap sa akin. "Pumunta nalang tayo dito." Sabi pa niya sabay pakita na naman sa akin ng app na nagbibigay ng direksyon.

Saan na naman kaya to? Hay! Siguro mas okay na to pang pawala ng bad vibes ngayong gabi. Sinunod ko nalang siya at nagmaneho ako papunta sa sinasabi niyang lugar.

"How many ticket maam?" Tanong ng isang babae pagkarating namin sa entrance ng lugar.

"Two please." Sagot ni maam Zoie sabay abot ng pera pang bayad. Ano ba tong lugar na pinuntahan namin? "Drive forward." Utos niya sa akin.

Sumunod ako at dumaan kami sa isang food stall dito sa loob at bumili ng ilang pagkain. Pagkatapos umabante kami papunta sa ilang malawak na parking lot at sa bandang unahan nito ay may malaking screen.

"Maam ano ba gagawin natin dito?" Bago kasi sa akin ang lugar na to.

"Ang tawag dito outdoor movie watching. Recently ko lang to nalaman sa social media na meron pala dito sa bansa natin."

Societies Bad Girls | ✔Where stories live. Discover now