Fifty-four

354 21 3
                                    

Harlow's POV:




Dalawang araw na ang nakalipas ng makarating ako dito sa bahay kung saan nakatira si Papa. Mala manasyon din ang bahay niya sa laki. Yung kwarto ko nga parang tatlong beses na malaki sa inupahan kong bahay. Ang lawak kaso parang nakakatakot na.

Buti nalang nakilala ko ang nanny ni Papa. Si manang Diyoni. Madaldal ang matanda at mahilig mangaral. Nakilala ko narin ang babaeng girlfriend ni Papa. Ang pinay na si tita Arian, siya ang nangasiwa sa pagpapadna test ko. Mabait si Tita at mapagmahal. Wala nga akong maramdaman na pagkailang sa kanya. Masarap pang magluto.

"Harlow, honey...Tikman mo tong niluto ko."

Lumapit ako sa kanya at tinikman yung laman ng kutsara na hawak niya.

Nanlaki ang mata ko. "Wow, ang sarap!..."

Napangiti si Tita. "Really, you like it?"

Tumango ako. Ang sarap niya talaga magluto at saka ang ganda niya pa. Tsk. Sayang lang at di ako pwedeng magkaroon ng kapatid sa kanya. Hindi kasi siya pwedeng magbuntis.

"Kailan po kayo magpapakasal ni Papa?" Tanong ko.

Napangiti si Tita. "Gusto mo bang pakasalan ko ang Papa mo?"

Mabilis akong tumango.

Oo naman noh. Bagay na bagay kaya sila ng Papa ko.

Hinawakan ni Tita ang kamay ko. "Natutuwa akong malaman na gusto mo ko."

Ngimisi ako. "Bakit po hindi, maganda po kayo. Nakakainlove."

Natawa siya. "Ikaw ah...Mas bolero kapa sa Papa mo." Hinaplos niya ang buhok ko. "Gusto mo ng make over?"

Make over?

Kaya matapos namin maglunch nina Tita. Mabilis niya akong hinatak sa malapit na mall. Pinagupitan niya ang buhok ko sa gusto kong ayos.

"Wow... You look you handsome." Sabi niya pagkakita niya sa akin.

Nagbiro ako. "Mas gwapo pa kay Papa?"

Natawa nalang siya.

Sunod niya akong dinala sa isang beauty clinic. Pina-facial niya ako at pinaayos ang kilay ko.

Kaya mas lalong naging masculine ang itsura ko. Pagkatapos nun pinagshoping akong ni tita Aria. Natatawa nga ako sa kanya dahil nakukuha niyang makipag selfie sa  akin sa harap ng salamin tapos sinisend niya to kay Papa.

Natatawa nalang daw si Papa sa amin. Bonding daw ng tita at baby boy niya.

Buti nalang hindi ako nahuhusgahan ni Tita at Papa sa kasarian na meron ako. Tinanggap nila kung ano ako.

"Tita, ang dami naman po nating binili na damit ko." Reklamo ko nandito na kami ngayon sa isang resto nagpapahinga.

"It's okay, honey. Kung tutuosin, di matutumbasan ng mga gamit na yan ang panahon na nakaligtaan ng Papa mo sayo."

Nalungkot ako. Magtutwenty five na pala ako sa susunod na buwan at ganun ko siya katagal na hindi nakasama.

"Saka nga pala. Kakausapin ka ng Papa mo pagkauwi niya."

"Po?" Paraan saan naman kaya?

Kaya pagkauwi namin pinaayos na agad ni Tita ang gamit ko. Saka namin hinintay si Papa sa hapunan.

Apat kaming nakaupo dito sa dining. Ako, si tita Arian, si manang, at ang parating na si Papa.

"How's your day, hon?" Tanong ni Tita kay Papa pagkaupo niya.

Societies Bad Girls | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon