Thirty-seven

322 17 6
                                    

Zoie's POV:



Kinakabahan ako dito sa labas ng opisina ni ate Aria habang hinihintay ko matapos ang pag-uusap nila ni Harlow. Pinapareport siya ni Ate dahil sa nangyari kanina. Kasalanan to ni Marcus, kung di lang siya nagmatwigas sa pakiusap ni Harlow baka di na nangyari ang bagay na to.

Hay! Di ko maiwasan na mag-alala.

Napalingon ako ng marinig ko ang pagpihit ng door knob.

"Harlow." Salubong ko sa kanya. Lumapit din ako.

Ngumiti siya. "Oh maam, bat po kayo nandito?"

"Uh, kamusta? Pinagalitan ka ba?"

"Opo." Tango niya. "Pinapapunta rin po ako sa mansyon sa bilin ni madam."

Lalo lang ako nag-alala. Baka makagalitan siya ni tita Grashela ng dahil sa akin. "Sorry."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Okay lang po yun. Ang mahalaga, alam ng binata na yun na di ka niya pwedeng galawin hanggat nandito ako."

Napapangiti ako sa sinabi niya. Kaya importante sa akin ang taong to.

"Maam, kailangan ko po munang umalis. Iiwan ko nalang po muna ang sasakyan nyo. Baka po kasi may balak kayong manghalian sa labas."

Tumango nalang ako.

Sinundan ko lang ng tingin si Harlow habang paalis. Hindi ko alam kung anong meron pero di talaga ako mapalagay. Hay!

Bumalik na ako sa opisina ko pero hindi parin ako mapakali. Panay ang tingin ko sa cellphone ko.

Tok...tok...tok...

"Come in." Tingin ko sa pinto. Pumasok dito sa loob si Rachelle. "Si Harlow ba nakabalik na?"

Umiling si Rachelle, kaya halos bumagsak ang balikat ko.

Kumusta na kaya siya?

"Miss, mag lunch na po kayo at saka kakatawag lang po sa akin ni maam Aria. Magkakaroon pa ata kayo ng kameeting mamaya."

"Ka-meeting?"

"Yes miss, darating po dito sa kompanya si mr. Marksman."

Napakunot ang noo ko? "Who's that?"

"Mukhang bago nyo pong makakasesyo."

Napatango nalang ako.

Sinunod ko nalang ang payo ni Rachelle. Nananghalian kami sa labas. At pagkabalik ko mabilis akong pinatawag ni ate sa opisina niya.

"Maam." Bati ko pagkarating ko dito sa opisina niya.

"Come here." Pinaupo niya ako sa upuan sa tapat ng lamesa niya. "Heto sana ang sadya ko sayo kaninang umaga kaso hindi ko na nasabi dahil sa dinatnan kong gulo gawa ng body guard mo."

Gawa ni Harlow? "Maam, sinabi ko na po yun sa inyo na hindi niya yun kasalanan. It's Marcus fault."

"Don't be ridiculous, Zoie. Anyway, tomorrow morning we're going to have a meeting with our new business partner mr. Marksman. He's currently in angeles now. Building his empire and mom wants to have a business dinner with him."

"Okay."

"So make sure to vacant your day, tomorrow. Clear?"

Tumango ako.

"Good, you can leave."

Lumabas na ako sa opisin ni ate na napapabuntong hininga. Tumingin rin ako sa orasan ko. Anong oras na, di parin bumabalik si Harlow. Tawagan ko kaya?

Societies Bad Girls | ✔Where stories live. Discover now