Four

596 32 5
                                    

Harlow's POV:



Araw na naman ng pasok. Nandito ako ngayon sa tapat ng tindahan habang napapanuod ang pag-aaway ng mga kapitbahay kong matatapang.

"Oh, Harlow?" Tanong ni Ice. Ang tomboy na anak ng isa sa tsismosa kong kapitbahay.

"Yosi nga." Inilapag ko ang barya mula sa maliit na bintana ng tindahan nila.

"Oh, heto." Inilabas niya rin ang isang stick ng sigarilyo saka ko dinampot at sinindihan.

Hmm...

Napapasandal ako dito sa tindahan nila habang humihithit at nanunuod sa dalawang matatapang na lalaki. Nag aangasan sila habang may kanya-kanyang hawak na tubong bakal sa kamay.

"Pusta mo Ice, sino mananalo sa dalawang 'yan?" Tanong ko.

"Yung naka-itim na short. Ex-convict yan diba?"

Hmm. Napapatango ako. Tama siya pero kilala ko rin naman yung naka green na short na kaaway nung isa. Isa ring mamatay tao kaso di pa nahuhuli.

"Sa green ako. Isang rim ng sigarilyo kapag nanalo ako." Kompyansadong saad ko.

"Sige. Ano ipupusta mo?"

Napa-isip ako. Wala nga pala akong pera. "Hmm? Si Wendy. Isang gabing kadate mo siya."

"Totoo?" Lumabas pa ang ulo ni Ice sa maliit na bintana ng tindahan.

Sa laki ng ulo ng ugok na to, nagkasaya yan sa butas? Bumuga ako ng usok. Kahit kailan talaga ang tomboy na to, basta si Wendy ang usapan. Tengang daga talaga, eh hindi naman siya gusto.

Sinilip ko ang mukha niya. "Oo naman, parang wala ka namang tiwala niyan."

"Saglit nga lang." Lumabas ng tindahan nila si Ice at tumabi ng tayo sa akin. "Hindi naman sa ganun. Kaso, ilang beses mo na akong sinet-up ng date sa kanya eh pe—"

"Pero wala pang thirty minutes iniiwan ka na niya." Putol ko sa sinasabi niya.

Tumango siya. "Oo! Kaya di mo na ako mauuto no."

"Sabi mo eh, balita ko pa naman ngayon wala na sila ng jowa niya."

"Weeeee?!" Halatang naging interesado siya sa binalita ko.

Itinapon ko na sa semento ang upos ng sigarilyo saka ko to tinapakan.

"Harlow!!"

Nagulat si Ice ng masalo ko ang bumalibag na tubo mula sa nag-aaway. Mabuti nalang mabilis ang reflexes ko.

Tsk. Tatamaan sa akin ang dalawang punyemas na to eh. Kaso, nagsasapakan na sila. Walang gustong umawat dahil baka mauna pa silang masundo ni kamatayan kesa sa dalawa.

"Makaalis na nga. Baka di pa ako makapasok sa trabaho neto." Sabi ko sabay bigay kay Ice ng tubo.

Sumakay na ako sa motor ko kaso di ko pa napipihit ang silinyador ay nahampas na agad ako ng bag sa ulo. Pota!

"Punyemas naman eh!" Angil ko sa humambalos sa akin.

"Oh bakit?!" Mataray na tingin sa akin ng babaeng pokpok na tropa ko.

Si Wendy!

"Ano na naman ba ang problema mo at nanghahampas ka?!" Naiiritang saad ko.

"Bwisit ka eh! Iniwan mo ko nung isang araw sa kostomer kong parang may namumungang sibuyas sa kili-kili! Nakadampot ka lang ng wine, kinalimutan mo na ako! Demonyo ka!"

Oo nga pala, nakalimutan ko nga siya!

"Sorri!"

"Sorry-sorry! Utot mo!" Naglakad si Wendy na akala mo nagmamaktol na shota ko. Tsk. Tinutoyo na naman siya kaya malamang isang buong araw na naman akong di kakausapin niyan.

Societies Bad Girls | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon