Forty-nine

299 13 1
                                    

Harlow's POV:




Halos sipain ako paalis sa kama ni Wendy para lang bumangon. Lasing na naman kasi ako kagabi dahil hindi ako makatulog. Siyempre dahil na naman sa iisang babae.

"Bumangon kana sabi eh!" Sigaw niya sa akin. "Hay naku! Ang hirap talaga magpalaki ng kaibigan. Uubusin ang pasensiya mo sa pagpapatayo sa higaan."

Napaupo na ako habang naglilinis ng tenga. Naalog kasi ng bonganga niya ang mga tutuli ko.

"Nakapaka ingay mo talaga kahit na kailan." Reklamo ko sa kanya.

"Hanggat hindi ka umaayos. Hindi kita tatantanan. Pasalamat ka nga may malasakit pa ako sayo."

Napapailing nalang ako. Ewan ko sa babaeng to.

Umupo ako sa dining saka humigit ng sigarilyo. Sisindihan ko na sana nang pitikin ni Wendy ang yosi ko. Tks. Pota!

"Pokpok, aga-aga ah!" Binubwisit niya talaga ako.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala ka bang balak na habaan yang buhay mo at pinagpapatuloy mo pa yang pag-aalmusal ng sigarilyo?"

Napairap nalang ako.

Tumayo ako at dinampot ang lumipad kong yosi. Saka ako muling umupo kaso naramdaman ko na ang maitim na awra ni Wendy dito sa tagiliran ko. Hay!

Wala tuloy akong nagawa kundi ibalik sa kaha ang sigarilyo ko. Tumayo nalang ulit ako para maghilamos. Naiinis ako, nitong nagdaang araw, lagi nalang siya nakabantay sa akin simula nung nagdrama ako sa bahay nila at nagsumbong na wala na kami ni Zoie.

Maalala ko lang. Mapasa hanggang ngayon namimiss ko parin ang babae na yun. Tinatanaw ko parin siya mula sa malayo kapag naiisipan kong puntahan siya sa bahay nila. Minsan inaabangan ko ang pagdating ng sasakyan niya papasok sa parking ng kompanya. At madalas ko din nakikita na kasama niya si Marcus.

Mukhang okay na siya dahil nakikita kong nakangiti na siya kapag kasama ang lalaki na yun.

“Dahil narealize kong hindi pala tayo babagay sa isat-isa” Mga salitang sumusugat parin sa akin kapag naalala ko.

"Ano nasa ibang mundo na naman ba yang utak mo at naninigas ka na diyan sa lababo?" Saad ni Wendy.

Hay! Kahit kailan talaga ang babaeng to.

"Kumain na tayo, nagugutom na ako. Tara na dito. Upo!"

"Oo na!" Naiiritang sagot ko sa kanya.

"Tsaka nga pala. Kailan ang day-off mo? Ipasyal mo naman ako oh."

"Wala pa." Matamlay na sagot ko sa kanya. Sumasandok narin ako ng kakainin ko. "May event kami sa bar. Baka pagkatapos pa nun ako magkaka pagday-off."

"Ganun, lagpas isang linggo na yun na duty ah."

"Alam ko. Hindi naman ako pwede magreklamo dahil lahat kami ganun din."

"Ah..." Tango niya.

"Nga pala may balita ka na ba kay mang Nando?"

"Wala parin eh. Hindi pa nga siya umuuwi sa bahay niya. Hay! Alam mo bang nagulat talaga ako ng malaman ko yun. Di ko akalain na dati palang kriminal si manong."

Napa-ismid ako. "Magtaka ka kung sino ang anghel sa lugar nato. Alam mo naman ang lugar natin, lugar ng mga d*monyo."

"Kung sabagay. Lahat ata dito nakagawa na ng kasalanan."

"Ang kaso, kailangan kong makausap si mang Nando. Kailangan niya parin pagbayaran ang nagawa niyang kasalanan, lalo na kay Zoie."

"Harlow." Tumigil si Wendy sa pagsubo niya. "May pag-asa kayang kalimutan mo si Zoie?" Tanong niya.

Societies Bad Girls | ✔Where stories live. Discover now