Rescuing the Prey

2K 83 0
                                    

Kasalukuyang nagmamanman si Billy sa mansyon. Bantay-sarado pa din si Jhong dahil anytime, maaaring magpaalam ito kay Karylle. Para maiwasan ang masamang pangyayari, mas pinili ni Billy na bantayan ang bawat kilos nito.

Ikaapat na gabi na. Kasalukuyang kumakain ng hapunan sila Jhong at Karylle. Tahimik lamang sila nang biglang mag-open ng topic si Jhong.

JHONG: Hanggang kailan ako pwede magstay dito? Sabihin mo lang sa’kin kung nagiging pabigat na ako.

KARYLLE: You can stay as long as you want. Ikaw ang bahala…

JHONG: Ganoon ba? (smiles) Parang gusto ko na kasing magstay dito habambuhay… Kasama ka.

KARYLLE: (O.O) Seryoso ka ba dyan?

JHONG: Oo naman. Kahit maikling panahon palang ang pagsstay ko dito, napalapit agad ako sa’yo. Nahulog agad ako sa’yo. Sa tingin ko… Mahal na kita.

KARYLLE: (blushes) Ahm… Mauuna na ako sa taas. Ah, goodnight.

Nagmamadaling umakyat si Karylle sa kwarto nya at doon nilabas ang kilig na nararamdaman nya. Ngayon lang kasi ulit nagkaroon ng lalaking nagsabi sa kanya na mahal sya nito. Dahil din sa sinabi ni Jhong na gusto nya itong makasama habambuhay, parang nabigyan sya ng bagong pag-asa. Bagong pag-asa sa buhay. Bagong pag-asa sa pag-ibig.

Si Jhong naman ay pasipol-sipol na umakyat sa kwartong tinutuluyan nya. Habang nasa banyo sya, nakahanap ng tiyempo si Billy na gawain ang plano nya.

After almost an hour, natapos nang maligo si Jhong. Pahiga na sya ng kama nang makita ang isang note sa bedside table nya.

Meet me in the gazebo at midnight. See you! Love, K”

 

Sa sobrang excitement ni Jhong, hindi na sya mapakali kahit apat na oras pa bago mag-alas dose ng hatinggabi. Hinanda na nya ang susuotin nya at panay practice na rin nya ng pagbati kay K.

Four hours passed and the clock struck 12. Dahan-dahang lumabas si Jhong ng mansyon. Naglakad sya papunta sa gazebo sa gitna ng garden. Wala pa rin si Karylle.

JHONG: Baka gumagayak pa yun.

Biglang may humawak sa kanya sa likod. Lilingon sana sya ngunit tinakpan sya nito ng kamay sa mga mata at panyo sa bibig. Nasinghot nya ang isang kemikal na syang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.

Blank Space (A ViceRylle story)Where stories live. Discover now