Closer

1.8K 96 9
                                    

Nasa mansion lang si Vice. Wala na siyang makuhang ebidensya. Lahat ng kwarto ay napasok na nya, lahat ng libro ay nabuklat na rin nya.

Si Karylle ay nakatulog sa isa sa mga chairs sa receiving area habang nagbabasa ng isang libro. Nakita naman siya ni Vice. Kinuha ni Vice ang libro at itinabi ito. Inayos rin nya ang pwesto ni Karylle para hindi ito sakitan ng leeg sa pagtulog. At tulad ng nakaraan, hindi nya maiwasan na mapatitig sa maamong mukha ng dalaga.

VICE: Totoo kaya na masama kang tao? Ako kasi, hindi ako naniniwala. Nakita ko ang kabutihan mo. Hindi ka masama, isa ka lang taong nasaktan at natakot kaya naging mailap ka na sa mga tao particularly sa mga lalaki. Kung ako si Jomari, hindi na kita pakakawalan kaya lang hindi ako si Jomari eh. Ang tanga nya para iwanan ka at pawalan ka ng ganun ganun lang. Maybe he has his reasons. Pero kung ano man yun, mali talaga eh. Mabuti kang tao, kung matutunan ka lang sana nilang intindihin... Bakit ba kasi sa misyong ito pa tayo nagkakilala? Bawal man pero totoong nahulog na ako sa'yo. Mahal kita, Karylle.

Patayo na si Vice nang maramdaman nyang nagising si Karylle. Tinignan nya ito at hindi sya nagkamali, nagising nga ito.

KARYLLE: Oh? Kanina ka pa dyan?

VICE: Ahm, hindi naman... Nakatulog ka kasi kaya inayos ko yung pwesto mo.

KARYLLE: Nakakaantok kasi yung story nung book. Boring. By the way, nagbreakfast ka na ba?

VICE: Hindi pa.

KARYLLE: Sige, magluluto ako nang makakain na tayo. (stands up)

VICE: Karylle...

KARYLLE: Yes?

VICE: Ahm... Is it possible for you to fall in love again after mawala ni Jomari?

KARYLLE: I don't know. Depende.

VICE: What if yung taong kaclose mo na? Halimbawa madalas mong makasama?

KARYLLE: Siguro. Mahirap magsalita ng tapos eh.

VICE: Posible bang mahalin mo din ako?

KARYLLE: (O.O)

VICE: Kunwari lang. Ilang araw na rin tayong magkasama and ilang gabi na rin tayong... alam mo na. Basta.

KARYLLE: ... Gusto mong pansit? Sakto may gulay sa ref and may hipon din. May pansit canton din doon. Wait lang ha?

Abala sa ibang case si Anne nang mareceive nya ang isang text message mula kay Bobet.

From: Agent Director

Agent A21, kindly ask Ambrose about what he remembers about Dr. Lee Go and Go Medical Center.Thanks. - Agent Director

To: Agent Director

Copy Agent Director.

Agad na nagpunta si Anne sa interrogation room bitbit ang kanyang laptop. Pinatawag na rin nya sa guards si Ambrose. Habang naghihintay, niready na nya ang pictures na kailangan.

Hindi nagtagal, dumating na si Ambrose kasama ang mga guards. Naupo na si Ambrose sa harapan nya.

ANNE: Good morning, Ambrose. How was your sleep last night?

AMBROSE: Wag ka na magpasikot-sikot. Ano na naman ang itatanong mo sa'kin?

ANNE: Oh. Well, I was just curious. Do you know anything about a neurologist named Dr. Lee Go?

AMBROSE: (clueless) Sino yun?

ANNE: How about Go Medical Center?

AMBROSE: Ahm... Ospital. Ospital yan di ba?

ANNE: Obviously, yes. Ano pang alam mo? May kakilala ka bang naconfine doon or anything?

AMBROSE: Wala.

ANNE: (sigh) Okay. You may go back to your room now.

Nagtaka si Ambrose dahil hindi sya binatuhan ni Anne ng maraming tanong tulad ng nakaraan. Hindi rin ito ganoon kataray lalo na pag wala siyang nabibigay na sagot.

Sa kabilang dako naman, kausap ni Anne sa telepono si Agent Director. Tinanong nya kung bakit ito pinapatanong ni Agent Director.

ANNE: (over the phone) Okay. I didn't force him to give me the answer that I really needed. Pero based on his actions and gestures, he's lying. He knows something about the said hospital.

Nagmeeting na ang ilan sa mga agents kasama si Ma'am Chaco at Agent Director sa conference room. Pinagsama-sama na nila ang information and pieces of evidences na nakuha nila since day one. Nagbrainstorming na rin sila tungkol sa mga possible solution sa case of the mad woman. They've been in that meeting for almost two hours already until Ma'am Chaco made her final decision.

CHACO: I need Agent V22 and our subject here in our headquarters as soon as possible.

Later that afternoon, naliligo si Karylle kaya kinuha na ni Vice ang opportunity para macheck ang room kung saan nagstay nung nakaraan si Karylle. Habang papunta sya sa nasabing kwarto, kausap na nya sa phone si Agent Jugs.

JUGS: Agent V22, may pinapasabi si Ma'am Chaco. Kailangan mo na dalhin dito sa headquarters si Karylle.

VICE: May bagong pieces of evidences na ba? Akala ko nu---

JUGS: Basta pinapasabi nya. We had a meeting earlier this afternoon. And we're kind of close to solving this case.

VICE: Sige. We'll be there tomorrow.

Vice's POV

I finally reached the secret room. Hindi ko na binuksan yung ilaw kasi maliwanag pa naman sa labas. This is a very big room I must say. And it seems like Jomari is very dedicated to his work. Ang daming models ng different buildings and houses. Properly arranged din sa shelf ang mga blueprints nya.

I walked towards the desk. I believe this is where Jomari drew each and every plan here. Kinuha ko yung libro na "Letters to My Love". I read everything in it. Karylle is so in love with Jomari. Biruin mo, ilang taon na buhat nung mawala sya, mahal pa din sya ni Karylle. He's one lucky guy.

I looked up and saw the portrait na natatakpan ng puting tela. What is this? Bakit may takip? Oh, she's letting him go na nga pala. It's in page 46 of Karylle's book. Inalis ko yung tela... achoo! Ano ba yan?! *sniffs* Puro alikabok naman. I took my attention back to the portrait. I saw a portrait of a tall man. Nakatuxedo sya and he looked very serious. And... He looks like me.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal napanganga at napatulala. Kaya pala napagkamalan akong si Jomari kasi kamukha ko sya. Pero di hamak naman na mas gwapo ako kesa sa kanya 'no. Nagulat ako nang may kumalabit sa may bandang tagiliran ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang batang lalaking kulot. He looks like Karylle's missing son.

Blank Space (A ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon