Mystery Guy Revealed

2.6K 105 16
                                    

Nagmamadaling nagpunta si Anne sa office ni Agent Jugs para macontact si Agent W33. Good thing, maaga pa kaya madali pa itong matatawagan.

*calling Agent W33*

BILLY: Agent Jugs? Agent W33 speaking.

ANNE: Agent W33, this is Agent A21.

BILLY: Hi Anning!!! Napatawag ka? Miss mo na si X44? Wag kang mag-alala, hinahanap ko na.

ANNE: Baliw! I called you not because of Vhong. I called you because I just finished talking to the bait.

BILLY: What did he say? May new info ba?

ANNE: Yes! I think we can find out who the mystery lover is.

BILLY: Really??

ANNE: Yes. I need you to go back to the secret room where Karylle caught Jhong. Nandoon daw yung isang portrait ng lalaki. Maybe it can lead us to the next clue.

BILLY: Okay. Thanks for the info. I’ll check it out later.

ANNE: Alright. Stay safe Agent W33. Over.

 

Sa kabilang dako naman, alas sais na ng umaga. Nagising na si Karylle at napangiti nang maalala na si Jhong ay nagconfess na ng feelings nito for her. Naglakad na sya papunta sa library at kinuha ang photo album at isang libro. Pagkatapos noon, dumiretso na sya papunta sa third floor. Sa secret room.

Nilapag nya ang photo album at libro sa mesa. Muli nyang binuklat ang photo album at hindi nya maiwasang maluha. Bumalik kasi sa kanyang isipan ang masasayang alaala nya kasama ang kanyang mahal. Sumunod naman nyang kinuha ang libro. Binuklat nya ito sa pinakadulong bahagi. Kumuha sya ng ballpen at nagsimula nang magsulat

Love, maraming taon na ang lumipas. Six years na buhat nung umalis ka. Six years na buhat nung huli kitang nakita, nayakap, at nahalikan. Six years na buhat nung huli kong narinig ang boses mo. Six years na buhat nung iniwan mo ako. Inaamin ko, hanggang ngayon, sariwa pa rin ang mga sugat sa puso ko. Pero I know six years is enough. Dapat na sigurong tumigil na ako sa kakaasa na babalik ka pa. Probably, you’re living a happy life now with someone else. Siguro it’s time na rin for me to love again and continue with my life. You’ll always have a space in my heart. You know that. Pero I have to do this, for you, for me, for us. Goodbye love.

 

Tumayo na si Karylle at tinakpan ang portrait ng tela. Naglakad papunta sa pintuan pero bago nya tuluyang isara ang pinto, sumilip syang muli at tinignan ang portrait.

KARYLLE: I am now setting you free. Goodbye.

Blank Space (A ViceRylle story)Where stories live. Discover now