Goodbye Agent X44

2.1K 102 16
                                    

Kinabukasan, napagdesisyunan na ni Vhong na magpaalam kay Karylle dahil nakakuha na sya ng sapat na ebidensya. Hindi pa nya gaanong naeexplore ang mansion dahil hindi iyon ang kanyang sakop ng trabaho.

Bago sya lumabas ng kwarto, tinawagan nya muna si Agent Jugs sa headquarters. Mabilis naman itong sumagot at sila’y nag-usap.

JUGS: Agent Jugs speaking. How may I help you?

VHONG: Agent Jugs, Agent X44 here. Gusto ko lang i-abiso sa inyo na magpadala na rin kayo ng agent bukas dito. Magpapaalam na ako ngayon sa ating subject so most likely, “papatayin” na nya ako.

JUGS: Okay. Basta make sure na hindi papalpak ang plano kung hindi, matutuluyan ka talaga.

VHONG: Oo. Salamat.

JUGS: Agent X44, Ma’am Chaco would like to have a word with you.

CHACO: Agent X44, Ma’am Chaco speaking.

VHONG: Good morning Ma’am Chaco.

CHACO: Ano na ang nangyari sa misyon mo? Nakakalap ka ba ng ebidensya o impormasyon?

VHONG: Yes, Ma’am. Nakakuha na po ako. Gusto ko po sanang dalhin nyo ditong next agent ay yung may skills sa pagdedetermine ng mechanism ng mga bagay dito at yung kayang magdetect if may hidden rooms ba dito or anything.

CHACO: You mean someone who has engineering skills?

VHONG: Yes Ma’am.

CHACO: Okay. I’ll send someone on Thursday. Pagpahingahin mo na muna ang subject. Baka makahalata.

VHONG: Opo Ma’am.

CHACO: Sige. Stay safe, Agent X44.

VHONG: Thank you Ma’am.

JUGS: Kailangan mo ba ng back-up or magsusundo sa’yo dyan?

VHONG: No need. Kaya ko nang umuwi dyan. Basta yung tracker na nakalagay sa’kin, i-monitor mo nalang. Hindi ko alam kung saan nila dadalhin yung “bangkay” ko. Thank you.

JUGS: Okay. I’ll keep in touch with you. Over.

 

Nakahanda na ang kanyang mga gadgets. Sinaksak na nya ang syringe na may laman na pulse stopper solution sa kanyang ugat and within 15 minutes, mawawalan na sya ng malay. Balak nyang magpaalam kay Karylle sa kusina para possible na kutsilyo ang gamiting armas sa kanya ni Karylle.

VHONG: Ahm, Karylle? Pwede ba tayong mag-usap?

KARYLLE: Sure. Tara sa kusina. Sakto I'm going to get a glass of water.

Nang makarating sila sa kusina, sumandal lang si Karylle sa counter habang umiinom ng tubig habang si Vhong naman ay nakatayo sa harap ni Karylle.

KARYLLE: Anong pag-uusapan natin, Vhong?

VHONG: Dalawang araw na kasi buhat nung mapunta ako dito. Balak ko na sanang umuwi kasi baka hina---

KARYLLE: No! Walang uuwi! Hindi ka uuwi!

VHONG: Ha? Paano yung pamilya ko? Nag-aalala na sila tiyak.

KARYLLE: HINDI PWEDE! MAGSSTAY KA OR PAPATAYIN KITA! (labas ng knife)

VHONG: Karylle, let's talk about this. Kailangan kong umu---

Lumayo nang kaunti si Vhong at sinusubukang kausapin at pigilan si Karylle. Kitang kita sa mata ni Karylle ang galit at… sakit. Gusto man sanang magbago ng plano ni Vhong at kausapin nalang si Karylle kaya lang hindi pwede. Magugulo ang plano at napag-usapan nila sa headquarters.

Sa isang iglap, sinaksak ni Karylle si Vhong sa dibdib nito. Unti-unti na ring nanghihina at nagdidilim ang paningin ni Vhong. At di nagtagal, nawalan na sya ng malay.

KARYLLE: Ambrose!

AMBROSE: Yes Madame?

KARYLLE: You know what to do with him.

AMBROSE: Yes Madame. Ako na po ang bahala.

Binuhat ni Ambrose ang katawan ni Vhong at inilagay sa isang pulley. Dinala na nya ito sa sikretong lugar. Malapit lang sa mansion pero hindi sa compound ng property.

AMBROSE: Okay na, Ma'am. Nadispatsa ko na po.

KARYLLE: Very good Ambrose. Clean everything up and be ready. Baka may maligaw na naman na traveller dito.

Si Karylle naman ay patay malisyang naghugas ng kamay at tinapon ang kutsilyo. Umakyat na sya sa kanyang kwarto at nag-ayos muli ng sarili.

----------------------------------------------------------------

A/N: Congratulations sa lahat ng bumubuo ng The Amazing Praybeyt Benjamin. Kung nakanood na kayo, very good. Kung hindi pa, manood na kayo. Malilimutan nyo lahat ng problema nyo at wala kayong iintindihin kung hindi ang tumawa at mapuno lang ng good vibes! Sulit ang bayad at oras nyo sa panonood ng TABP! :D

Happy New Year guys!

Blank Space (A ViceRylle story)Where stories live. Discover now