The Room's Owner

1.7K 82 5
                                    

Namangha si Vice sa nakita. Ang kwartong iyon ay malaki din tulad ng master's bedroom. Yellow ang paint ng walls na may design na giraffe and rainbow print. Magulo pa ang kama. Mayroon itong blue bedsheet at white na unan. Ang blanket ay blue na may stars na dilaw, kapareho ng design nung nakita nyang face towel. May glow in the dark stars and moon din na nakadikit sa ceiling.

Sa isang side ng kwarto, naroon ang isang mababang stante na may mga nakalagay na stuffed animals. Sa gilid nito, mayroong box na puno ng laruan. Sa sahig ay may nakaset-up na railway, ang train ay nakahinto lang. Sa gitna ay may mga handcrafted houses, bank, and saloon. May cowboys and horses din sa sahig.

Sa kabilang side naman ay may cabinet at rocking horse. Lumapit si Vice at binuksan ang cabinet. Nakita nya ang mga pares ng shirt at pajamas na nakatupi at nakahang naman ang mga polo shirt, long sleeves, at ilang t-shirt. Puro pambatang damit. May mga munting sapatos din sa katabi nitong shoe rack. Kung tatantsahin, ang may-ari ng mga damit na ito ay nasa tatlo o apat na taong gulang.

He left the room and natulog na dahil nakakaramdam na sya ng antok.

Alas sais ng umaga na. Si Ambrose ay maagang nagdala ng pagkain sa mga lalaki sa isla. Pagdating nya doon, nilapitan nya si Vhong dahil tinawag sya nito. Si Archie ay bumwelo na at piniringan sa mata si Ambrose habang pinalanghap dito ang chemical na nakakapagpawala ng malay. Binuhat na nila Vhong at Billy si Ambrose papunta sa speedboat.

Sa mansyon naman, nagising na si Karylle at si Vice naman ay tulog na tulog pa din. Pinagmasdan lang ni Karylle si Vice. Naalala nya ang naganap kagabi kaya naman hindi nya maiwasan na mapangiti. She had to admit that she missed making love with someone. Matagal na buhat nung huli nyang maramdaman ang pagmamahal na iyon. But she imagined that she was making love with Jomari, not Vice.

KARYLLE: Hindi naman pala mahirap magmahal ulit. I guess it's time for me to move on. Ikaw na siguro yung papalit kay Jomari.

Maya-maya pa ay nagdala na si Karylle ng breakfast para kay Vice. Dahan-dahan nya itong tinapik para gisingin.

KARYLLE: Vicey, wakey wakey! Breakfast is ready.

VICE: Hmm... Wait lang.

KARYLLE: Vicey...

VICE: Mamaya na. (hugs K) Tulog muna ulit tayo love.

KARYLLE: (O.O) Love?

VICE: Tulog muna ulit tayo Kareeeeeel...

KARYLLE: Bahala ka nga! Ako nalang ang kakain nito.

Bumangon agad si Vice. Si Karylle ay nabigla dahil parang si Jomari ang ginigising nya kanina. Bakit? Una, tinawag siyang "love". Pangalawa, bumangon ito nang marinig syang medyo galit na ang tono. But she just shrugged it off. It's impossible because mas marami ang differences nila Vice at Jomari kesa similarities.

Inabot ni Vice kay Karylle ang di umano'y sulat ni Ambrose na nagsasabing aalis muna ito saglit. Si Karylle ay nagpaalam saglit kay Vice na magsstay muna sya sa isang kwarto doon sa itaas. Kinuha ni Vice ang opportunity para icheck ang kwartong nakita nya at magkalap pa ng ebidensya.

He inspected everything in the room. May nakita syang nakatuping papel sa box ng mga laruan. Mukhang bata ang nagdrawing nito. Stick figures lang. Parang family picture iyon. May sulat pa sa ibaba na:

"Dada, Klei Mama"

*Calling headquarters...*

JUGS: Agent Jugs speaking, how may I help you?

VICE: Agent Jugs, Agent V22 here. Confirmed. May bata dito.

JUGS: Paano mo nasabi?

VICE: I discovered a new room here. A little boy's room. Yung blanket nya, kapareho nung face towel na sinend ko dyan. May toys dito. Sa tingin ko, three or four years old yung bata. Binase ko sa size ng clothes at shoes.

JUGS: Okay. May clues pa ba?

VICE: I saw a drawing here. Stick figures nga lang. Tatlong tao. Isang lalaki, isang bata, tapos isang babae. May nakasulat sa ibaba na: "Dada, Klei, and Mama"

JUGS: Clay as in modeling clay?

VICE: Ganun yung basa pero it is spelled as K-L-E-I.

JUGS: Okay. I want you to go to the library. Doon nakita nila Agent W33 ang mga pictures. Baka sakaling may makita kang picture nung bata. Tsaka para malaman na rin natin kung anong relasyon nya sa mga nakatira dyan sa mansyon.

VICE: Sige. I'll get back to you on that. I'll send you the pictures pag may nakita ako.

JUGS: Stay safe. Over.

*Call ended*

Lumabas si Vice ng kwarto at ibinalik ang istanteng nakaharang sa pintuan. Nagtungo si Vice sa library at hinanap ang mga photo albums. Makalipas ang ilang minuto, nahanap na nya ang isang photo album na posibleng may laman na larawan ng bata.

VICE: So Joseff Kleighvin pala yung pangalan nung bata...

Binuklat nya ito. Sa simula, ang unang larawan ay ang ultrasound ng bata. Sumunod ang larawan nito ng bago itong panganak. Mga birthdays, binyag, at random photos ang naroroon. Walang ibang kasama ang bata sa pictures. Kung mayroon man, putol ang shot. Hindi makikilala yung taong kasama nito. Ang pinakafocus ay ang bata. Ang bata ay lalaki. Maputi at may katangakaran. Kulot ang buhok nito, slightly pouty lips, average ang mga mata meaning hindi singkit at hindi rin bilugan, at hindi masyadong katangusan ang ilong pero hindi pango. Sa obserbasyon nya, ang buhok at labi ng bata ay kamukha ng kay Karylle.

Ipinadala nya ang isang larawan ng bata sa headquarters. Nasend na rin nya ang iba pang important details like yung nakasulat sa birth certificate ng bata.

Sa headquarters naman, iniinterview na ng psychologist sila Jericho, Dingdong, Christian, at Coco. Si Anne naman ang nakaassign na mag-interrogate kay Ambrose dahil siya ang maituturong accessory to the crime.

------------------------------------------------------

A/N: Sorry po dahil sa mabagal na UD ng Blank Space. As pambawi, mag-u-UD ulit ako in a little while...

Blank Space (A ViceRylle story)Where stories live. Discover now