Questions

1.6K 88 7
                                    

Nasa office na sina Anne at Karylle. Dahil ramdam ni Anne ang nerbyos at takot ni Karylle, nagsimula lang sya ng casual conversation. Nakatulong ito para hindi na maghesitate si Karylle na sabihin ang nararamdaman nya at hindi na ito matakot.

ANNE: Can you describe Jomari?

KARYLLE: Kamukha ni Vice. Minus the tattoos and bagsak na hair. My Jomari's hair is always brushed up. Maporma din. He lives a healthy life. Healthy diet, regular exercise, and no vices. Workaholic and masyadong serious sa buhay. Madalang ngumiti yun kaya I called him before, "Mr. Suplado". For me, he's perfect just the way he is.

ANNE: What can you say about you and Vice's first meeting?

KARYLLE: When I first saw him sa doorstep ng mansion, I saw Jomari – a different version of Jomari. Memories, it all came back. It's like a kaleidoscope of memories where it just all comes back, but Jomari never did. I did not know what I should feel during that time. Should I be happy because Jomari's back? Should I be mad at him? I don't know basta it all came down to one thing: Vice is not Jomari.

ANNE: Okay. One last question: can you narrate your last day with Jomari?

KARYLLE: It was a normal day...

>>>FLASHBACK<<<

Kumakain ng agahan ang buong mag-anak. Si Karylle ay kumakain and inaassist si Kleighvin at the same time. Si Jomari ay nagbabasa ng dyaryo habang kumakain.

After eating, nagpaalam na si Jomari sa fiancée at sa anak. Humalik na si Jomari kay Karylle. Pagkatapos ay binuhat ni Jomari ang anak at humalik.

KLEIGHVIN: Dada, let's play!

JOMARI: Dada has to go to work na, baby. We'll play later, okay?

KLEIGHVIN: (pout) Kleigh will go with Dada!

JOMARI: No baby. Kids are not allowed in Dada's office. You'll stay with Mama. She'll play with you.

KLEIGHVIN: You said, cars are for boys only. Mama is a girl.

KARYLLE: Baby, Dada has to go to work so he can buy more cars for you.

Binaba na ni Jomari si Kleighvin. Inayos ni Karylle ang necktie ni Jomari. Hinalikan sya muli ni Jomari. Pagkatapos noon ay nagpaalam na ito sa kanya.

JOMARI: I'll go ahead, Love. May gusto ka bang pasalubong? May ichecheck kaming location sa San Rafael

KARYLLE: Just come home. Okay na ako doon.

JOMARI: Sweet naman ng future misis ko!

KARYLLE: Oo naman! Ingat ka ha? Text me when you get there.

JOMARI: I will. Bye Love!

>>>END OF FLASHBACK<<<

KARYLLE: I never received any text message from him. Buhat noon, hindi na rin sya bumalik or nagparamdam man lang.

ANNE: Ano sa tingin mo ang nangyari?

KARYLLE: I don't know. Pero wherever he is right now, baka masaya na sya. Baka may asawa na yun at may mga anak na. Ewan ko ba.

ANNE: Ano naman ang nararamdaman mo ngayon? Have you recovered?

KARYLLE: I think I have. You know what, nanghihinayang ako sa six years na kinulong ko ang sarili ko sa nakaraan. I think I became a bad person because I lost him. It turned out, I was wrong. It wasn't him that I lost; it was I that I lost.

ANNE: What if Karylle, Jomari still loves you? Na wala naman pala syang iba. Ikaw lang.

KARYLLE: If that's the case, bakit hindi sya umuwi sa'min? Bakit hindi sya bumalik?

ANNE: My question is, handa ka bang tanggapin ulit sya sa buhay mo? Kung sakaling buhay pa sya at wala siyang iba.

KARYLLE: Hindi naman sya nawala sa buhay ko eh. He'll always have a special place in my heart.

ANNE: Do you want to see him again?

KARYLLE: Oo naman. I've been praying for that day to come. Yung bumalik sila ni Klei.

ANNE: Ahm, do you have any of Jomari's personal belongings?

KARYLLE: I always have his favorite sunnies with me. Here oh (points at the sunglasses na nakasabit sa kanyang shirt)

ANNE: Can I borrow it?

KARYLLE: Why?

ANNE: We'll help you look for him.

KARYLLE: Ahm... Okay. (abot ng sunglasses) Ingatan mo yan ah. Balik mo agad.

ANNE: (chuckles) Of course I will. Thank you.

Nasa opisina naman ni Agent Director si Vice ngayon. Mahigpit na nagyakapan ang mag-ama. Nagulat si Vice nang pumasok din sa opisina si Billy. Nakiupo lang ito sa loob ng opisina. Nagstart na ng casual conversation si Bobet.

BOBET: Kamusta?

VICE: Okay lang naman, Dad. Buti nakabalik na 'ko dito.

BOBET: What happened back there? How was the experience on this case?

VICE: Okay naman. I found out that Karylle isn't so bad after all.

BOBET: What do you mean?

VICE: She just isolated herself from everyone kaya naging parang ignorant sya. Takot syang maiwan ulit kaya nagagalit sya sa mga nagpapaalam sa kanya. If we could just be patient with her and try to understand her situation.

BOBET: Anyway, ikaw mismo. Kamusta ka?

VICE: What do you mean?

BOBET: Kamusta ka? Hindi ba sumasakit yung ulo mo? May naaalala ka na ba?

VICE: Hindi na sumasakit yung ulo ko. Yung naaalala ko naman, same thing pa din. Walang bago.

BOBET: Can you narrate yung things na naaalala mo from your past?

VICE: Bata pa ako nun. Sa bahay yata namin yun. Nagtatago ako sa ilalim ng dining table kasi nagsisigawan yung mga magulang ko. Yung nanay ko, umiiyak tapos pinagbubuhatan ng kamay ng tatay ko. Ayun lang.

BOBET: Nung medyo teenager ka na, wala ka pang naaalala?

VICE: Wala na.

Natapos na ang conversation ng mag-ama. Tumatakbo kasi si Anne kaya nabangga nya si Billy na papalabas ng office ni Agent Director.

ANNE: (Aligaga) Sorry W33!

BILLY: Calm down. Ba't ka ba tumatakbo?

ANNE: Si Karylle kasi biglang lumabas ng office. Tumatakbo. Baka tumakas eh.

Sumama si Billy kay Anne at hinabol nila si Karylle. Sinundan nila ang direksyong tinahak nito. Sa basurahan nila ito naabutan, nagsusuka.

ANNE: Karylle!

KARYLLE: (punas bibig) Sorry. Di ko kasi mahanap yung restroom kaya dito nalang sa basurahan.

BILLY: (gives water)

KARYLLE: Thank you.

ANNE: Are you okay?

KARYLLE: Yes. Baka epekto pa rin 'to nung panis na pansit.

BILLY: Twice ka na nagsuka because of that ah. We'll bring you to our medical department para macheck ka na din ng resident doctor namin dito.

KARYLLE: No need. I'm fine. Salamat nalang.

------------------

A/N: I died. Super kota!!! The next chapter will be posted in a little while :) Vote and comment na rin for this chapter. Haha. Jk.  #DontDemand

P.S. Alam ko na ang comment nyo... "BITIN" or "UD na" :D

Blank Space (A ViceRylle story)Where stories live. Discover now