(1) PAMILYA

45 9 1
                                    

Chapter 1
“PAMILYA”

Sandra's POV

“Nandito na po ako.” Masayang saad ko nang makapasok ako sa luob ng bahay.

Ang aking tahanan!

Nakita ko naman agad si mama sa may kusina habang may tinatad-tad ng kung ano sa Lamesa.

Napalingon siya sa aking gawi at sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi nang nakita niya ako.  “Ang aga mo ata anak.” Saad ni mama habang pinupunasan ang kanyang kamay at lumapit sa akin.

Siya si mama Crist, ang super bait at maalagang mama sa balat ng lupa. I'm happy that God gave me a mother like her.

Medyo may katandahan na si mama at papa dahil pareho silang 40 anyos na. Wait, asan kaya si Papa?

“Mano po.” Sabi ko at nagmano sa kanya. “Si papa, saan po siya?” Ang tanong ko kay mama habang binababa ang bag ko na pinaglumaan na ng panahon. Kahit luma na ay pinag-iingatan ko parin yan ng mabuti, bigay kasi ng mga magulang ko kaya ganyan nalang ako mag alaga ng mga kagamitan, Lahat ng mga material na bagay ay may Value para sa akin lalong-lalo na kung ito ay binigay ng mahal ko sa Buhay.

“Nanduon sa garden natin.” Ang sagot naman ni mama sa akin at bumalilk sa kusina “Exited siguro sa birthday mo bukas kaya ayun, todo kayud mag sibak ng kahoy.” Ang natatawa pa niyang dag-dag habang may hinahalukat sa ilalim ng alababo.

Naglakad ako papalapit sa kanya dahil kitang-kita ko na nahihirapan siya sa kung anong ginagawa niya sa ilalim nito.

“Ako na po dyan mama.” Ang pag presenta ko.

Tinignan niya ako sa mata saka umiling ng dalawang beses. “Nako anak huwag ka na mag alala, sisiw lang sa akin to.” Sagot pa niya at pinahiran ang pawis na tumutulo sa kanyang noo.

Kahit anong gawaing pangbahay ay alam ni mama. She can also do what my father can. I'm so proud of her, being they're one and only daughter ay is such a blessing for me, I'm not saying that happy na ako lang mag-isa, syempre gusto ko ng nakababatang kapatid na aalagaan at babantayan.

“Okay po.” Saad ko at kumuha ng isang baso at sinalinan ito ng tubig. Nilagyan ko din ng kaunting yelo na nagmula sa Refrigerator na dating kulay puti, ngayon ay dilaw na. Color changing lang teh?

Hindi to para sa akin ang tubig na hawak ko, kundi kay mama. “Mama, uminom ka po muna ng tubig oh.” Saad ko habang nasa kamay ang malamig na baso ng tubig.

Tumayo naman siya habang nakangiti at tinanggap ang aking handog na simpleng tubig.

It's the least that I can do for them, give them and show a simple thing such as good maners and small stuffs. Seing my parents smilling means a lot for me.

“Ang sweet talaga ng Anak ko, anong gusto mo na regalo bukas?” Ang sabi ni mama nang matapos na niyang inumin ang tubig.

Oo nga pala, Birthday ko Bukas!

Tinanggap ko naman ang baso at inilagay ito sa mesa. “Wala naman po akong gustong ipabili, mama.” Nakangiti ko na sagot sa kanya.

“Sure ka? Wala?” pangbibiro naman ni mama habang kinukurot ang magkabilang pisngi ko. Masakit pero gusto ko, hehe.

Huminga naman ako ng malalim at ngumiti sa Kanya. Inilapat ko ang aking mga kamay sa likod ng palad niya na nasa aking pisngi. “Simpleng handaan lang po at masayang gabi ng pagsalo-salo ay okay na.” Sabi ko. Totoo naman kasi na wala akong ipapabili o hihingiin sa kanila dahil sapat na sa akin ang kompleto kaming mag diwang ng aking kaarawan.

ENCHANT WARRIOR (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon