(15) ANG KWINTAS

17 3 0
                                    

Chapter 15

...

Sandra's POV

"Ano nga kasi ang ibibigay mo?" Ang saad ko at umayos ng upo.

"Wag na nga lang muna, saka na siguro pag kilala na talaga kita para worth it naman." Ang kanyang natatawang sagot at nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Baka hindi na niya maibigay ang gusto niyang ibigay sa akin dahil sa sitwasyon ko ngayon. Tulad ng sinabi ko ay hindi maaring may makaka-alam tungkol sa tunay kong pagkatao. Isa lamang akong estranghera na naninirahan dito sa kanilang mundo. I'm just a girl without any kind of magic and strange abilities. I'm just a normal person.

"Are you done? " Napatingin ako kay Joanna nang nagsalita ito. Inayos niya ang kanyang ginamit na plato at kubyertos saka tumayo. Tumango lang ako bilang sagot at isinuot ang aking bag na ibinigay ni nanay Edna sa akin. "Let's go." Saad ni Joanna at naunang maglakad. Ako naman ay nakasunod lang sa kanyang likuran.

"Sarap ng pagkain, busog na busog ako." Ang medyo may kalakasang saad ni Joanna na tila walang pakialam sa kanyang paligid. Napatingin ang bawat mag-aaral sa kanya nang dumighay pa ito ng subrang lakas. Napapikit nalang ako dahil sa kanyang pinaggagawa. How I wish, I have the same confidence level just like what she has. Anong magagawa ko? Bawat nabubuhay sa mundo ay may natatanging pagkakaiba at personalidad, I shouldn't envy someone just because of my flaws.

Nagmadali akong maglakad upang makisabay sa kanyang hakbang. Ang bilis naman niya kasing maglakad. "Anong first subject mo ngayon?" Ang panimulang tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at tila nagiisip kung ano ang kanyang sagot sa aking katanungan. "Nakalimutan ko. Wait, let me check my schedule." Ang kanyang sagot at hinalukat ang kanyang bag.

Napakaw ang aking pansin sa isang pigura ng isang lalake na parang pamilyar sa akin. Nakatayo lamang ito habang nakasandal sa isang pader na tila may hinihintay.

"Alche-" Hindi ko na pinatapos si Joanna na magsalita nang putulin ko na ito. "Babalik lang ako." Ang mabilis kong saad at nagmadaling maglakad papunta sa lalakeng matagal ko ng hindi nakikita.

"Tristan." Ang masayang pagtawag ko sa kanyang pangalan na siyang ikinalingon naman niya sa akin. Tila nagulat naman siya pero agad naman itong napalitan ng ngiti. Mas nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at yumakap sa akin ng mahigpit. "I'm glad I saw you." He whispered on his very masculine voice.

Hindi ako makapagsalita sa kadahilanang may kung ano sa aking dibdib na tila gustong kumawala. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso na siyang ikinabahala ko.

B-Baka may heart disease ako? "Alam mo bang pinagalala mo ako, Sandra?" He whispered again.

Ako na ang kumalas sa kanyang yakap at ngumiti ng alanganin habang nakatingin sa ibang direksyon. "K-Kamusta ka n-na?" Ang nauutal na tanong ko habang hindi man lang siya tinataponan ng tingin. "Okay lang naman, ikaw? Hindi ka na ba iyakin?" Ang pangbibiro niya sa akin. Insulto ba 'yon o Biro?

Sandra, ang aga-aga para sumimangot ka. I need to relax myself and take a deep breath. Tinignan ko siya ng tuwid at ngumiti. Yung ngiti na halatang pilit. "If you don't mind, I'll gotta go." Ang sabi ko sa kanya.

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang tinawag ang aking pangalan. "Ano?" Ang tanong ko rito. Nagulat nalang ako nang hinablot niya ang aking bag at mabilisang buksan ito. "A-Anong ginagawa mo?" Ang tanong ko sa kanya at akmang babawiin ko na sana ang aking bag nang itinaas niya ang kanyang kamay, hindi ko maabot dahil sa kanyang tangkad. Dahil wala naman akong magawa dahil sa pinaggagawa niya tumigil nalang ako sa pagbawi nito Patuloy parin siya sa pag silip ng aking bag at ilang sandali pa ay may kinuha siya ditong papel. "Schedule ko 'yan." Ang inis na saad ko habang pilit inaabot ang kanyang kamay. "May titignan lang ako." He said and took a quick glance at my schedule. "Kung iniisip mo na nasa akin ang unang schedule mo ay nagkakamali ko. Akin na nga yan." Ang medyo inis kong saad at ibinigay niya din naman kaagad. Huminga ako ng malalim at pinakalma muli ang aking sarili. "Mauuna na po ako, KUYA." Ang pangaasar ko sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha na tila hindi makapagsalita dahil sa aking sinabi. "U-Ulitin mo nga." Ang kanyang nauutal na saad sa akin. "Ang sabi ko, mauuna na po ako, KU-"

ENCHANT WARRIOR (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon