(17) ANG GALIT NI CLEA

14 3 0
                                    

Chapter 17

...

Misty's POV

“Spill it,” Ang aking saad at sinarado ang pintoan ng aming silid. Dito niya ako dinala dahil may paguusapan raw kaming dalawa, ewan ko lang sa babaeng to, parang napaka mesteryuso minsan.

Umupo siya sa kanyang higaan at tumingin sa akin. “Bakit sunod-sunod ang pagpaparamdam ng mga kakaibang kapangyarihan? noong una ay duon sa dereksyon ng ilog boa, malakas yun. Sunod naman ay ang naramdaman natin kanina na sinubukan pa nating matunton pero bigo, wala tayong nakuhang impormasyon manlang” Ang kanyang saad.

Napatawa nalang ako dahil sa kanyang mukha, seryuso ba siya sa pinagsasabi niya? “Sa malamang ay may malalakas na nilalang nabubuhay sa ating mundo kaya may nararamdaman tayong hindi pangkaraniwan. Huwag ka ngang praning, Clea.” Ang aking sagot sa kanyang sinabi at hinubad ang aking mga damit. “At isa pa, hindi lang tayong mga dugong maharlika ang may malalakas na antas ng kapangyarihan, maaring na hasa nila ito ng masinsinan kaya nagkataong malakas din sila kagaya natin.” Ang dagdag ko pang saad sa kanya.

Hinubad ko ang aking skirt hanggang sa tanging panty at bra ko nalang ang natira. “Hindi lang 'yan ang sasabihin ko sa'yo,” Napatingin ako sa kanya na may pagtataka. “I saw a sacred shape at Sandra's necklace,” She said in a low voice.

W-What does she mean the sacred shape? The holy crescent? “So? What's the point?” I said curiously. She rolled her eyes and took a deep breath. “I d-don't know,” She answered.

What the heck? “Clea, it's not good for you to over think on something. Sabihin na nating may sacred shape nga ang kanyang kwintas, and then what? Maaring siya lang ang may gawa ng bagay na iyon that's why she has it. And oh, may paguusapan din tayo mamaya pagkatapos kong maligo.” Ang aking huling saad at naglakad papasok sa luob ng banyo upang maglinis ng katawan.

I want to tell her something regarding of her attitude. I know what's the main reason why she shows that treatment, but it's over.

Walang problema kung ganyan nga ang kanyang pananalita sa ibang mga Zeluartan pero napaka delekado ang kanyang ginawa kanina, ang pakitaan ng maling galaw ang prinsesa ng kahariang Veatien na tiyak akong magsasanhi ng distansya sa kanilang kaharian sa hinaharap, at 'yon ang ayaw kong mangyari, ang pagputol ng kanilang koneksyon.

...

Sandra's POV

“Kamusta?” Ang tanong ng babae na naka-balabal ng kulay abo habang nakayuko.

Ikaw nanaman?

“O-Okay lang,” Ang aking nauutal na sagot sa kanya. Gusto kong magtanong tungkol sa kanyang pagkatao pero alam ko naman ang sagot niya, but why not try again? Baka nagsawa na siya kaya sasabihin na niya kung sino talaga siya.

“Sino ka ba talaga?” Ang aking tanong sa kanya. I tried to move my body but I can't, gusto ko siyang lapitan at hawiin ang kanyang balabal upang makita ang kanyang mukha pero hindi ko magawa dahil hindi ko kayang maigalaw ang aking katawan.

Also, her voice seems so familiar to me, hindi ko lang talaga maalala kung sino at kelan ko ito narinig.

“Sino ka ba?” She asked. Diba? Ganyan palagi ang sagot niya kung tinatanong ko siya ng mga bagay na tungkol sa kanya.

Inilibot ko ang aking paningin pero wala manlang akong nakikitang mga bagay o kahit ano, purong kadiliman lamang ang naaninag ko sa buong paligid.

Huminga ako ng malalim at tumingin muli sa kanya. “Nasa panaginip nanaman ba ako?” Ang aking tanong. Ang natatangi ko lang na naalala ay nakalabas na ako sa tulong ng mesteryusong babae na galing sa aking kwintas, and that's all.

ENCHANT WARRIOR (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon