(14) CAFETERIA

19 3 0
                                    

Chapter 14

...

Sandra's POV

Madaming dumadaan sa aking harapan na mga katulad kong studyante, ang iba ay suot pa ng kanilang mga uniporme at habang ang ilan naman ay naka sibilyan na ng kasuotan. Naiiba ang kanilang pananamit dito kumpara sa mundo kung saan ako lumaki. Naka-suot sila ng parihabang tela sa kanilang likuran na may ibat-ibang desenyo at kulay na siyang nagpapaganda ng kanilang mga hitsura.

Gusto ko tuloy magkaganyan, pero parang malabo na 'yon kasi wala naman si nanay Edna dito upang gawan ako ng ganyan, naalala ko tuloy yung paborito kong palabas na Harry Potter, tila nakasuot sila ng kapa palagi habang nasa skwelahan. Akalain mo? Totoo pala ang mga mahika na sa telebisyon ko lang napapanuod.

Huminga ako ng malalim at inilibot ang paningin sa buong paligid. Ang laki ng lugar na kung saan ako ngayon. Ang mga matataas na mga imprastraktura na ani'moy nagsisilbing pader sa bawat direksyon na iyong lilingonin. Nakaupo lamang ako dito sa kung saan ko huling nakita si Tristan. Medyo malalim na ang gabi kaya kitang-kita ko ang mga masisigla at makukulay na mga bituin sa kalangitan.

I rubbed my both palm against each other and place it on my cheeks. Tinatablan narin ako ng lamig kahit nakasuot ako ng makapal na Jacket. Naka dress pa naman ako, nararamdaman ko ang panunuot ng lamig sa aking mga paa na siyang nagbihigay sa aking katawan ng ibayong panginginig.

Dahil sa hindi na ako komportable sa lamig na aking nararamdaman ay napag desisyon ko na tumayo na lang at maglakad pabalik sa kwarto na tinutuluyan ko.

"Hi." Napalingon ako sa aking likuran nang may biglang nagsalitang boses lalake. Pamilyar siya pero hindi ko natatandaan kung kelan ko narinig ang kanyang boses. Hindi ko rin gaano naaninag ang kanyang mukha dahil naka tayo siya sa madilim na parte ng daan.

Sa akin ba siya nag ha-hi? Dahil hindi ako sigurado na ako nga ang kanyang binati ay nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay may tumawag sa aking pangalan na siyang agad ko namang ikinalingon.

Ngayon ay medyo nakikita ko na ang kanyang pigura pero hindi ako sigurado kung tama nga ang aking hinala nga siya nga ito. "V-Vampire boy?" Ang patanong na saad ko sa kanya. Hindi ako sigurado pero parang siya nga yung lalake nuon sa kagubatan.

Ngumiti siya at tumango bilang tugon at naglakad papalapit sa akin. "Gabi na ah? Ba't ka pa nandito sa labas?" Ang tanong nito sa akin at tumigil sa aking harapan.

Oo, siya nga.

"Nagpapahangin lang." Ang Medyo awkward na sagot ko sa kanya. "Marco. My name is Marco Creighton." Ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili habang matamis na nakangiti sa akin. Iyan pala ang pangalan niya. I remembered when we first met at the forest, hindi niya nasabi ang kanyang pangalan dahil sa pag-gambala ni Tristan. May pinagawayan pa kami nuon pero hindi ko na matandaan ang eksaktong dahilan.

Nag kwentuhan pa kami ng ilang sandali hanggang sa bumabato na siya ng mga nakakatawang jokes na ikinatuwa ko.

Matapos ang masaya naming kwentuhan ni Vam- este, Marco ay nagpaalam na ako at bumalik sa kwarto. Ang sarap niyang kausap, sa kabila ng kanyang intimidating na hitsura ay napaka daldal din niya pala. Palagi siyang nag tatanong ng mga bagay-bagay, kaya ako naman ay panay pag sisinungaling at pilit sinasabi na nakababatang kapatid nga ako ni Tristan. Sa tingin ko ay napaniwala ko naman siya kaya walang problema.

Pagpasok ko sa luob ng kwarto ay bumungad kaagad sa aking paningin si Joanna na inaayos ang kanyang higaan habang may tuwalya sa kanyang ulo. Lumingon siya sa aking gawi at agad naman akong ngumiti sa kanya saka isinarado ang pintoan.

ENCHANT WARRIOR (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon