CHAPTER 32

1.2K 34 2
                                    

CHAPTER 32


"Sigurado ka na ba dyan sa disisyon mo?" puna ni Joceline sa kanya.

"Hindi na ba talaga magbabago isip mo?" ani naman Kyla.

Inabot ni Natalia ang kamay ng mga kaibigan at nginitian ang mga ito. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya kaya naman hindi nalang sya umimik at binigyan nalang nya ang mga ito ng mapag-unawang tingin.

Ayaw man nyang umalis at iwan ang mga ito pero alam nyang hindi pwede.

"sige na nga! payag na kami!" nakangusong sambit ni Kyla. "basta tatawag ka samin ah?"

"Tyaka 'wag mong kakalimutang andito lang kami lagi para sa'yo Talia." dagdag ni Joceline.

"Alam ko, kaya nga nagpapasalamat ako sa inyo eh. 'wag kayong mag-alala kapag nakapag-ipon ako? babalik ako rito pangako."

"promise 'yan ah?" ani naman Kyla.

"Oo naman." nakangiting aniya pa.

Niyakap sya ng mga kaibigan kaya ganuon rin ang ginawa nya. Alam nyang nagulat rin ang mga ito sa disisyon nya. pero buti nalang talaga at bukas ang isip ng mga kaibigan nya kaya madali lang sya nitong naintindihan.

kumalas sa pagkakayakap ang dalawa at muli syang hinarap ni Joceline, pero sa pagkakataong ito naro'n na ang pag-aalala sa mukha ng dalaga.

"si Cohen alam ba nya?"

Nag- baba ng tingin si Natalia. "Hindi na nya kailangang malaman"

"anong hindi kapag nalaman nung aalis ka sa tingin mo ba 'di ka nun hahanapin——Aray!" daing naman ni Kyla ng kurutin sya ni Joceline sa tagiliran.

"eh ikaw ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Joceline.

Nag-angat sya ng tingin sa mga kaibigan at binigyan ito ng tipid na ngiti.

"Hindi. pero kailangan okay" mapaklang aniya.

Niyakap sya ni Joceline at ganun nadin si Kyla, ayaw nyang maging emosyonal pero sa tuwing napag-uusapan ang binata ay hindi talaga nya mapigilan ang sarili.

Sandali pa syang nagpaalam sa dalawa bago sya bumaba sa dorm. eksakto namang pagbaba nya ay ang pagdating ni Kenzo.

Bumaba ito mula sa sasakyan at naglakad patungo sa kinatatayuan nya.

"are you really sure of this?" puna ng binata saknya ng makalapit.

"wala naman akong choice eh."

Tinitigan sya ng binata bago ito naglabas ng mabigat na buntong hininga. "tulongan na kita" alok nito.

"ay hindi na. kaya ko na 'to" tanggi nya. "may isang bag pako sa taas baka pwedeng paki kuha nalang."

"oh sige, hintayin mo nalang ako sa labas."

Umakyat na ang binata pabalik sa taas kaya sya naman ay naglakad narin patungo sa sasakyan nito na ngayon ay naka parking na sa harapan ng gate.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now