CHAPTER 19

1.3K 37 2
                                    

CHAPTER 19

TATLONG araw na ang nakakalipas simula nu'ng libing ng ama ni Natalia at hanggang ngayon ramdam parin nya ang pangungulila para rito.

Nakaupo lamang si Natalia sa gilid ng bintana nya ng dumako ang paningin nya sa cellphone nya. ilang araw narin itong nakapatay kaya hindi na nya alam kung ilang text nanaman ang matatanggap nya kapag binuksan nya ito.

"Talia? baba ka nga dyan" rinig nyang sigaw mula sa labas ng pintuan.

"wala akong gana, mamaya nalang" matamlay nyang tugon rito.

Malakas na katok ang bumulabog sa buong silid ni Natalia kaya napatuwid sya sa pagkaka-upo.

"Natalia, si kuya drew mo'to lumabas ka dyan may  naghihintay sa'yo dito sa labas"

Napakunot ang noo ni Natalia. wala naman syang  inaasahan na bibisita ngayon at imposible rin namang sina Kyla iyon dahil alam nyang hindi ito agad agad makakapunta ang mga iyon rito.

Tumayo si Natalia mula sa pagkakaupo at pinagpag ang suot suot nyang pajama. napipilitang naglakad sya patungo sa pintuan at bagsak ang balikat na binuksan iyon.

"Cohen?" hindi makapaniwalang puna nya ng makita ang maamong mukha ng binata na nasa harapan nya.

Biglang nakaramdam ng hiya si Natalia para rito, buong araw syang nakakulong lang sa silid nya kaya hindi pa sya nakakapag-ayos o nakapag-ligo man lang. pero nangingibabaw parin ang kaba ni Natalia, ilang araw nyang iniwasan ang binata kaya hindi na kataka taka kung magagalit ito sa kanya.

umiwas sya ng tingin. "anong ginagawa mo rito?"

"we need to talk" walang emosyon ang tono ng boses nito.

Sasagot pa sana si Natalia pero hindi paman sya nakakapagsalita ay bigla nalang itong umalis at naglakad papalabas.

Natalia felt a concern for Cohen. it treated her very cold kaya hindi nya tuloy maiwasang makaramdam ng pagsisisi dahil sa ginawa.

Malalim na buntong hininga ang Inilabas ni Natalia bago sya nagpasyang sundan ang binata sa labas. pagkababa palang nya ay bumungad na kaagad sa kanya ang nakakamatay na tingin ng mga kapatid nya, kaya mas binilisan pa nya ang paglalakad para maiwasan ang mga matatalim nitong mga tingin.

Mula sa kinatatayuan nya ay kitang kita nya ang binata. nakatayo ito malapit sa sasakyan nito at bahagyang nakatingala sa langit.

Dahan dahan syang naglakad papalapit sa gawi ni Cohen sa pag-aakalang mapapansin sya nito pero mukhang nagkamali sya dahil mukhang hindi manlang nito naramdaman ang presensya nya.

Tmikhim sya para makuha ang atensyon nito.

"pa'no ka nakarating rito?" puna nya kaagad.

Narinig ni Talia ang malalim na buntong hininga ng binata. "Is that really what we should be talking about?"

Hindi nakasagot si Natalia, gusto nyang magpaliwanag at sabihin ang totoo rito pero nabibigo sya, parang nabubulol ang dila nya sa tuwing sinusubukan nyang magsalita.

Hinarap sya ng binata at mula sa kinatatayuan nya malinaw nyang nakikita sa mga mata ng binata ang malamig niting Aura.

"bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang