CHAPTER 45

1.2K 25 0
                                    

CHAPTER 45

NAKAUPO si Cohen habang tinitingnan ang mga papeles na ibinigay sa kanya nang sekretarya nya. Kakatapos lang nya sa meeting at ngayon kailangan nanaman nyang pag-tuonan ng pansin ang kakabagong labas lang nilang model ng sasakyan.

Habang abala sa ginagawa hindi maiwasan ni Cohen na mapaisip tungkol kay Natalia. isang linggo narin kasi ang nakakalipas simula nung huli nilang pagkikita kaya iniisip nya kung ano kaya talagang nangyari sa dalaga. Sa tuwing pumupunta kasi sya sa pinagtatrabahuan nitong Hospital ay wala naman ito duon. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag at text nya.

Inilapag ni Cohen ang mga papeles sa lamesa at nagpasyang maglakad papalabas. naisip nyang puntahan nalang muna si Natalia baka sakaling makita nya ito ngayon.

"Hey where are you going?" puna ni Ymar.

"I have an urgent, ikaw na muna bahala rito" sabi nya sabay tapik sa balikat nito.

Lakad takbo ang ginawa ni Cohen para makahabol sa papasara nang elevator at nang makapasok ay agad nyang pinindot ang button sa pinakababang floor.

Habang inaantay nyang bumukas ang elevator ay saglit pa nyang sinilip ang callendar schedule nya sa cellphone at hindi sya nagkamali, may schedule sya kay Doctor Vanessa ngayon para sa physical therapy nya kaya kung sakali mang magkita nga sila ni Natalia ay mayron syang maidadahilan rito. kung sakaling tanongin man sya nito.

Saktong pagbukas ng elevator ay ang pag-tunog nang cellphone nya. kinuha nya ang phone mula sa bulsa at tiningnan ang caller. Sinagot nya ang tawag nang makitang mag flash sa screen ang pangalan ni Dr. Vanessa.

"Hellow?" aniya habang naglalakad papalabas ng Companya.

"Cohen? are you busy?"

"No. I'm on my way there maybe...." sinulyapan pa nya ang wristwatch "30minutes darating ako dyan."

"No. I-I mean sa ibang lugar tayong magkita I have something to tell you and its really important" halata ang seryosong boses ng dalaga sa kabilang linya.

"Okay..." nagtataka man ay pumayag nalang sya.

Vanessa end the call, kaya naman pinihit narin nya ang pintuan ng sasakyan at agad na pumasok sa loob. Pinaandar nya ang makina at pinaharorot iyon papaalis.

Habang nag-mamaneho bigla nanamang tumunog ang cellphone ni Cohen at nang sulyapan nya ito ay nakita nya uli ang pangalan ni Vanessa. Binuksan nya ang text message galing sa dalaga at binasa iyon.


From: Dr. Vanessa

Dens Coffe shop.


Napabuntong hininga si Cohen at muling inilagay sa bulsa ang telepono. hindi nya alam kung ano ang sasabihin nito sakanya pero bakit parang may masama syang kutob? hindi kaya masamang balita ang dala nito?

Napailing si Cohen. naisip nyang masyado na ata syang nag o-over thingking kaya bago pa sya mabaliw kakaisip ay inabala nalang nya muli ang sarili sa pagmamaneho at inalis ang mga negative vibes sa isipan nya.

Hindi naman ganu'n kalayo ang itinext na location ni Vanessa sa kanya kaya wala pang 50 minutes ay nakarating na sya, malaking tulong rin ang mababang traffic kaya hindi sya naabutan ng rush hour.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now