CHAPTER 34

1.2K 29 0
                                    

CHAPTER 34

HAWAK HAWAK ni Cohen ang telepono habang nakaupo sa harapn ng side table na nasa labi ng kama nya. minuto na ang nakakalipas simula nung patayin ni Ymar ang tawag at mahigit isang minuto narin syang nakaupo lang habang pilit na inirerehestro sa utak nya ang mga sinabi ng kaibigan.

Hindi nya malaman kung paano ba dapat syang mag-react meron kasing bahagi sa kanya ang hindi kumbinsido sa mga sinabi ni Ymar pero meron din namang bahagi nya ang nagsasabing may katotohanan ang mga tinuran ni Ymar.

Napasabunot si Cohen sa sarili, masyado syang nalilito at hindi nya alam kung paano o ano ba dapat ang gawin. gusto nyang mag-wala at sundan sina Kenzo at Natalia pero hindi nya magawa.

Binuksan ni Cohen ang telepono at agad na tinawagan si Kenzo sa pagbabakasakaling sasagutin sya nito pero nakailang tawag narin sya rito ay wala paring nagbabago not attended parin ang binata. kaya naman hindi na nagdalawang isip si Cohen na tawagan si Liza para ipaalam rito ang kagaguhan na ginawa ng kapatid nya.

"what do you want?" bungad kaagad ng dalaga sa kabilang linya.

"si Kenzo? alam mo ba kung asan ang kapatid mo?"

"No I don't."

"don't you know what your brother did?" tiim bagang na giit nya. "sabihin mo sa kanyang 'wag na wag syang magpapakita sa'kin."

"Hindi ko nga sya makontact ni hindi ko nga alam kung nasan?"

"wala ba syang sinabi sayo?"

Sandaling nawalan ng imik ang kabilang linya. "Actually....meron syang sinabi bago sya nawala."

Napaangat ang balikat ni Cohen at tila nagkaroon ng interes sa sinabi ng dalaga.

"what? a-ano 'yun?"

"well, sinabi lang naman nyang mawawala sya ng matagal nagpaalam rin sya kay mommy——"

"yun lang?"

"yes. meron pa ba dapat?"

"wala. ibababa ko na."

Nanlulumong ibinaba ni Cohen ang cellphone at padabog iyong itinapon sa kama. sinapo nya uli ang ulo at galit na nakatitig sa kung saan. Tumayo sya maya maya at naglakad papunta sa veranda ng kwarto nya. Mula sa kinatatayuan nya ay ramdam na ramdam nya ang malamig na hangin na humahampas sa balat nya.

Bumuntong hininga si Cohen. hindi nya alam ang dahilan ng lahat ng 'to pero kung tama man ang tinuran ni Ymar sa kanya tungkol sa Ina nya ay hindi sya magdadalwang isip na sundan si Talia kahit pa ikagalit ito ng sarili nyang ina.

Babawiin kita Natalia.... mag-antay ka lang....

Sandali pang nagpalipas oras si Cohen bago sya nagpasyang magbihis at mag-ayos. nagtungo sya sa drawer kung saan nakalagay ang mga susi ng kotche nya pero ganun nalang ang pagtataka nya ng mapansing walang laman ang drawer.

Napakunot ang noo nya at mas lalo pa nyang sinuri ang loob nito pero wala syang nakita ni isang susi sa loob kaya naman padabog nya itong isinara uli.

Naglakad sya papalabas ng silid at hindi na sya nagtaka pa ng makita ang dalawang bodyguard na nakatayo sa labas ng silid nya. tiningnan din nya ang baba at ganun rin ang sitwasyon doon.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now