CHAPTER 26

1.2K 36 2
                                    

CHAPTER 26


"Ano? kumusta si Talia?" nag-aalalang tanong ni Kyla kay Joceline.

"Ayun, nasa taas 'di pa rin bumabangon"

"hindi mo ba tinanong kung anong problema?"

Inirapan nya ang kaibigan. "hindi nga makausap ng matino tanongin pa kaya?" sarkastiko pang aniya.

"baka naman pwede mong kulitin?"

"Oh sige nga, Pano?"

Umakto itong parang nag-iisip bago ito nagtatakbong nagtungo ng labas. napailing nalang sya sa inakto ng kaibigan.

Tinapos nya ang pagliligpit sa hapagkainan at habang abala ay hindi nya mapigilan ang sariling mapaisip tungkol sa wirdong napapansin nya kay Natalia.

Halos dalawang linggo na kasi itong tulala at wala sa sarili. lagi nalang itong nakahiga sa kama at nakakulong sa loob ng kwarto nila at lumalabas lang pag kinakailangan.

Hindi nya alam kung ano ang nangyari nu'ng huling party na dinaluhan nito pero alam nyang may masama talagang nangyari ng gabing 'yun.

Gusto nya sanang tanongin ang kaibigan tungkol rito. pero sa tuwing kinakausap nya ito ay hindi naman ito sumasagot sa halip ay nagtatalukbong lang ito ng kumot habang nakahiga.

"Gaga! may bisita tayo dali!"

"Aray ko! sandali ano ba kasi?!"

Halos mapasubsob si Joceline ng bigla syang kaladkarin ni Kyla papalabas.

"Ano ba kasi 'yan?!" naiinis nyang sabi rito. habang pilit inaagaw ang braso nya.

"basta! "

"Kapag ako nadapa lagot ka saking babae ka!" banta nya pa rito. "Aray bitaw nga—"

Napatigil si Joceline sa pagpupumiglas ng makita ang maamong mukha ng binata na ngayon ay nakatayo sa harapan nila.

Hindi nya pa nakikita ang binatang ito dati kaya hindi ito pamilyar sa kanila.

Napatuwid ng tayo si Joceline nang bigla syang kurutin ni Kyla sa bandang tagiliran nya nilingon nya ito at pinandilatan nang mata.

"kausapin mo." bulong naman nito sa kanya.

Inirapan nya ito nago hinarap ang binata. "ano pong kailangan nila?"

"ah kuya, celebrity ka ba?" sabat naman ni Kyla.

Bahagyang napangiti ang binata. "Hindi, hindi ako artista"

"ay ganon ba? para kasing nakita na kita sa magazine eh—Aray!" Liyad nito ng tapakan nya ang kaliwang paa nito. 

"Pero sinong hinahanap mo? may kaibigan ka dito sa dorm namin?" Pag-ibaba nya sa usapan.

Tumikhim naman ang binata at umayos ng tayo.

"kilala nyo ba si Natalia?"

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon