CHAPTER 36

1.2K 28 0
                                    

CHAPTER 36

"San ka galing?" ani Vina.

Hindi nya sinagot ang dalaga at umupo nalang sa tabi nito kinuha nya ang isang basong alak at walang ano-ano'y nilagok iyun. Kakagaling lang nya sa banyo at kahit ilang minuto na ang nakaraan hindi parin mawala sa isip nya ang boses na narinig nya kanina. Para iyong sirang plaka na nagpapabalik-balik sa pandinig nya.

"huy!"

Napaangat ng upo si Cohen ng bigla syang sigawan ni Ymar sa bandang tenga.

"lalim ng iniisip natin ah?" pangungulit ni Ymar sakanya. "sino yan ah? chiks ba yan ah?" anito sabay sundot sa tagiliran nya.

"could you stop that?" naiiritang suway naman ni Vina sa binata. "hayaan mo lang syang mag-isip"

"what? nagpunta ba tayo rito para mag-isip?"

Bumuntong hininga si Cohen tama nga naman si Ymar hindi sila pumunta rito para lang lunurin ang sarili sa pag-iisip, pumunta sila rito para magsaya.

Umayos ng upo si Cohen at inabot ang lalagyan ng isa pang wine. sinalinan nya ang tatlong baso na nasa harap ng mesa pagkatapos ay ibinigay ito kina Ymar at Vina.

"Ymar is right, we're here to celebrate kaya walang dahilan para mag-isip dahil ngayong gabi wala tayong ibang gagawin kundi ang magsaya." itinaas ni Cohen ang baso sa ere. "guys! congratulations to us! cheers!"

"CHEERS!" sabay sabay nilang sabi.

LUMIPAS ang tatlong oras napasarap na ang usapan at inuman nilang magkakaibigan kaya naman hindi na nila napansing marami na palang tao sa loob ng bar. medyo lumalakas narin ang tugtugan sa loob kaya hindi na sila halos magkarinigan.

"Sayaw tayo!" ani Vina habang hawak hawak pa ang isang baso ng wine.

"wag na" tanggi nya.

"yeah, it will better if we seat here, I don't like crowded place" ani naman Ymar sabay lagok ng alak.

inirapan naman ito ni Vina. "tsk. nag bar ka pa? ayaw mo naman pala sa maraming tao."

"mag kaiba yun."

"tsk. whatever, kung ayaw nyo edi wag" sabi nito sabay lakad paalis. 

"anyare dun?" natatawang tanong ni Ymar sakanya.

Nagkibit balikat lang sya dito at nag-salin ng isang basong alak pagkatapos ay tuloy tuloy iyung nilagok.

"may balita ka ba kay Kenzo?" maya maya'y tanong ni Ymar sakanya dahilan para mapatigil sya sandali.

Kinuha pa muna nya ang isang basong alak at ininom iyon bago nya sinagot ang tanong nito sakanya.

"wala." tipid nyang sagot. "why did you ask?"

"nothing, I'm just curious alam mo na. pagkatapos ng nangyari nu'n di na kasi sya muling nagpakita"

Napako ang paningin ni Cohen sa basong hawak nya. medyo nakaramdam si Cohen ng pagka-inis sa kaibigan, hindi kasi talaga nito nakoko-kontrol ang bibig kapag nakakainom kaya kung ano-ano ang nasasabi nito at wala itong paki-alam kahit pa makasakit ng iba.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now