CHAPTER 51

1.3K 33 1
                                    

                                   CHAPTER 51

Halo-Halo ang nararamdamang emosyon ngayon ni Cohen habang nakaharap sa salamin at inaayos ang ribbon sa suot-suot nyang itim na tuxedo. He can feel the nervous and excitement at the same time. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal?

He never imagined his self before standing infront of the Altar and marrying a woman whom he loved. Ang akala nga nya nuon ay tatanda syang binata but, look at him now? His feeling Jittery, sino nga ba kasing mag-aakalang ikakasal sya?

Tsk. iba talaga maglaro ang tadhana.

"feeling nervous?"

Naputol sa pag-mumuni si Cohen ng biglang may nag-salita mula sa likuran nya at mula sa repleksyon ng salamin ay kitang kita nya ang itsura ni Ymar na ngayon ay nakatayo sa likod nya habang inaayos rin ang suot nitong itim na tuxedo.

"akala ko ba walang kinatatakutan ang isang Cohen Montenero?" muling puna nito sakanya. "looks like, its just a fake fact huh?"

He took a deep sighed. Kinakabahan na nga sya dumadagdag pa 'tong butihin nyang kaibigan. gatungan nya kaya ito at nang mag tanda! lagi nalang kasi syang iniinis at wala talagang pinipiling oras.

"shut up. Masaya ang araw ko ngayon and I don't want you to make things mess" inis na aniya.

Ymar got laughed at him. "chill. sungit mo naman" umayos si Ymar sa pagkakatayo at nakapamulsang tiningnan sya mula sa repleksyon ng salamin. "so, are you ready? baka mamaya maihi ka nalang dyan sa slacks mo" tatawa tawa nitong sambit.

"ofcourse I am, matagal na 'kong handa and pwede ba. hindi ako ganu'n ka baboy para umihi sa pantalon"

"edi good. mabuti na 'yung malinaw, ano ka ba! HAHA"

Napailing sya. isa nalang talaga at baka masapak na talaga nya 'tong lalakeng 'to.

"This is it!" maya-maya'y sambit nanaman ni Ymar sabay lakad papalapit sa sofang nasa dulo ng ding ding. "so pa'no ba yan? ikakasal ka na magiging daddy ka pa! aren't you nervous?"

"Hmmm...kinda" sagot nya at nakapamulsang hinarap ang kaibigan.

Ymar smirked at him. "look what we got here. Ang isang wicked, cold-hearted Cohen Montenero ay nenerbyos?" napailing ito. "God man, ibang-iba ka na talaga"

Napangiti sya. "well, its influence by love"

"thats gross" nakangiwing sabi naman ni Ymar.

Natigil sa pag-uusap ang dalawa ng biglang mag-ring ang cellphone ni Ymar. Kinuha nito ang phone sa bulsa at sinagot iyon.

"yes tita? yeah, he's here with me. okay tita we will be there right away. bye."

Bumaling ang paningin ni Ymar sakanya. "hey bud. pinapatawag na tayo ni tita sa labas" sabi nito habang iwinawagayway ang cellphone sa kamay. "lets go?"

Humugot sya ng malalim na buntong hininga. This is it. Ngayon na ang araw nya at nakakasigurado syang eto na ang isa sa pinaka-masaya sa buong buhay nya.

"let's go." nakangiting sabi nya sa kaibigan.

Saglit pang tiningnan ni Cohen muli ang itsura sa salamin bago sya naglakad papalabas ng silid at nagtungo sa SUV car na naka-park sa labas ng mansyon nila.

Hindi na sumabay si Ymar sa sakayan. may dala naman kasi itong sariling Lamborghini kaya hindi na ito nag-abala pang mauna sa simbahan.

Gaganapin ang kasal nila ni Natalia sa Isaih Church ang isa sa pinaka-malaking simbahan dito sa kanila. Sa katunayan dapat kasi ay sa Beach Palawan gaganapin ang kasal nila kaso, hindi pumayag ang mommy nya kaya napag-kasunduan nilang sa simbahan nalang ganapin ang kasal.

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora