CHAPTER 8

103 3 0
                                    


agad kong hinila yung kamay ko at tumayo.

"Okay lang " saad ko.

Pinag papawisan ako don ah.

"Mauna na ako" saad ko at agad nag lakad paalis.

"Sofia wait" sabi niya kaya napahinto ako.

"Hatid na kita" alok niya.

"Nako wag na okay lang ako" tanggi ko.

"Gabi na baka ano pang manyare sayo"

Oo nga no gabi na nakakatakot pa naman sumakay ng taxi o bus pag gabi.
Sige na nga papayag na lang ako! Pero ngayon lang to!
Promise ngayon lang to!

"Okay papayag na ako"

"Good" ngisi niyang sabi.

Pumasok na ako sa kotse niya saka nag seatbelt.

Bat ang init? Hindi ba naka andar yung aircon niya? Kurepot talaga tong lalakeng to!

Pero seryoso ako ang init talaga lalo na nong pumasok siya.

Pinaandar niya yung kotse niya.

Walang nag sasalita samin ayaw ko namang kausapin siya baka matawag pa akong feeling close.
Super awkward ng atmosphere sa loob ng kotse super tahimik.

Nakakabingi pala talaga pag tahimik no?

Wala akong paki kung awkward basta ayaw ko siyang kausapin.
Kahit may mabuti siyang nagawa sakin ngayon ayaw ko pa din sa kaniya.
Siya ang dahilan kaya ako na bubully!

Wait lang pansin ko hindi ito yung daan pa punta sa bahay namin parang ang layo na ng pinuntahan namin.

Diko na napigilang manahimik kaya nag salita na ako.

"Teka lang parang ang layo na ng napuntahan natin?" Tanong ko.

Hindi siya nag salita nag patuloy lang siya sa pag mamaneho.

"Hoooy! San tayo pupunta?" Kabadong tanong ko.

Huminto siya kaya napatingin ako sa labas.

"Asan tayo? Alam mo mapapagalitan ako ni mama sa pinag gagawa mo! i-uwi mo na ako!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Ano may balak ka sakin! Ano rerepin mo ko!? Aaaaaaahhhhh tulong tulong may rapis!!"sigaw ko sa loob ng kotse.

"Baliw kaba? Satingin mo naririnig ka nila? At isa pa sa gwapo kong to repis in your dreams" sagot niya.

Napa kagat nalang ako sa labi sa pinag sasabi ko.
Bwesit nakakahiya! Oo nga no di naman ako maganda para reypin!

"San ba Kasi tayo!" Inis kong tanong

Hindi siya sumagot bumaba siya sa kotse at iniwan ako.

Diba napaka bastos, siya na nga yung nag dala sakin dito siya pa yung may ganang mambastos at mang snob!

Kapal din ng mukha niya!

Bumaba naman ako sa kotse  at agad sumunod sa kaniya.

Kita mo to mang iiwan pa!
Pero wait nga bat kami nandito sa mamahalin na restaurant?

Pag pasok ko sa loob subrang ganda ng place na'to. Ngayon lang ako naka pasok sa ganito ka ganda na restaurant.

Sosyal na sosyal yung mga design at gamit nila dito. Nakakahiya naman sa kagaya ko na mahirap lang na ngayon lang naka pasok sa ganito ka ganda at kasosyal na restaurant.

"Hoy bilis" tawag sakin ni lance

Tumakbo naman ako papunta sa kaniya.

Nag lakad lang kami hanggang makarating kami sa may pinto.
Binuksan ni lance yung pinto at bumungad samin yung kitchen ng restaurant na'to.

Pumasok siya kaya sumunod din ako.
May kinuha siya na damit at sinuot sakin.
Binato din niya sakin yung kulay yellow na gloves Kaya sinalo ko nalang.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko na.

"Wash all the dishes!"

"Huh?" Napa maang kong sabi.

"Hugasan mo yan lahat"

"Seryoso? Lahat to?' turo ko sa sandamakmak na hugasin.

"All of that! Osya labas lang ako" kindat niya sabay lumabas na.

"Hoooyy bwesit ka talaga!" Sigaw ko.

Wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya.

Napa buga nalang akong ng hangin dahil sa subrang dami ng hugasin.
Kahit kailan bwesit ka talagang lance Ka!

••••••••••••••••••••

LANCE BLAKE MONTERIAL POV:

natatawa talaga ako sa babaeng yun.

Unang kita ko palang kasi sa kaniya interesado na ako na siya yung gawin kong slave.

Hindi kasi siya tulad ng ibang babae na puro paganda lang ang nalalaman.
Simple lang siya at alam ko makakatulong siya sakin sa lahat ng bagay.

Ngayon ko lang siya nakita simula nong grade 7 ako diko siya nakita ngayon lang talaga.

Andito ako ngayon sa sofa ng office ng ate ko. She own this popular restaurant.
May hiningi kasi ako sa kaniya pero hindi niya ito ibibigay pag di ako nang hugas ng mga hugasin.

Pina day off niya pa talaga mga katulong niya para wala talagang tutulong sakin manghugas.

Pero syempre mautak ako kaya dinala ko dito si Sofia.

"Yung file ng mga menu okay na ba?" Saad ni ate sa kausap niya sa cellphone.

"Okay sige good" paalam niya sa kausap niya.

"Zup ate yung usapan natin?" Agad na sabi ko.

"Are you done?" Naka taas kilay na tanong niya.

"Not yet ate" sagot ko

"Anong not yet sino ba ang nag hugas? Bat Ka andito!" Bulyaw na sabi ni ate.

"Secret, basta akin na yung usapan natin tuparin mo"

"Blake sino pinahugas mo!"

"Secret nga akin na Kasi"

"Here" may binato siya sakin kaya sinalo ko.

"Thank you sis" sabi ko at agad tumayo sa sofa at nag lakad pa labas ng office niya.

Napatingin ako sa susi na bunigay sakin ni ate. Napangiti ako buti at binalik na din ang Susi ng condo ko.

•••••••••••••••••••••••••

SOFIA KATE POV

Pag katapos ko mag hugas ng sandamakmak na hugasin umupo muna ako sa upoan.
Hinubad ko na yung gloves saka hinilot hilot ang mga daliri ko.

Grabe subrang sakit ng katawan at kamay ko.

Napahikab ako dahil sa subrang pagud ko.
Inaantok na ako kaya iidlip muna ako, wala pa naman si lance.

*Click click*

Dinilat ko ang mga mata ko ng may narinig ako na tunog.
Pag dilat ko naka tapat yung cellphone ni lance sakin at kinunan ako ng picture.

"HAHAHHA" tawa niya habang nakatingin Siya sa cp niya.

"Bwesit ka talaga delete mo yan!" Inis kong sabi.

"Ayaw ko nga ang panget mo dito HAHAHA!" tawang tawa niyang sabi.

"Ano ba burahin mo yan!"tumayo na ako para sugudin siya nang natapilok ako at natumba sa dereksyon ni lance.

Napapikit nalang ako upang diko ma kita Kung paano ako pag tawanan ni lance.

*Tsup*

May malambot na bagay na tumama sa labi ko kaya dinilat ko na yung mata ko.

(⊙_◎)

Nakita ko si lance gulat na gulat ang reaksyon niya.
Nasa ibabaw ako ni lance naka patong.

Agad akong tumayo saka kinuha yung bag ko at agad lumabas.

____________________________
Itutuloy............

Campus Heartthrob Is My Boyfriend in RPW (ONGOING)Where stories live. Discover now