CHAPTER 18

67 3 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising Kaya maaga rin ako nakarating sa school.

Buti naman at wala pa'yong bakulaw makakarelax pa ako.
Dumaan muna ako sa locker ko
Bago ako papasok sa room.
Kukunin ko lang yung mga notebook ko.

"Nakita mo mukha ni prince lance?"

"Oo sino Kaya may gawa nun?"

Narinig ko yung mga istudyante na nag uusap sa gilid ko.
Pinag uusapan nila si lance.

Cheeee ano bang paki ko sa lance na yun maka alis na nga nakakasira sila ng umaga!

Pag pasok ko sa room nagtinginan yong mga kaklase ko.
Wala namang bago lagi naman ganyan araw araw.
Pero parang may mali sa titig nila ngayon, ano na naman kaya nasagap nilang balita?

"San ba nag susuot yang babae na'yan at di niya na bantayan si prince lance natin?"

"Oo nga naturingang slave panaman tas di niya pinuprotiktahan si prince lance"

"Kakaawa tuloy mukha ni prince lance"

"Kagigil na babae na yan!"

Yan ang naririnig ko na bulongan nila dito.

Ano ba kasing nangyare sa kumag na'yon at ako yong sinisisi ng mga fan girl niya kuno!

Lumipas ang minuto at pumasok na si lance at ang mga Kaibigan niya, naka suot ng sunglasses ni lance.

Wow ha umagang umaga naka sunglasses!

Diko sila binalingan ng tingin naka harap lang ako sa board.
Ramdam ko na umupo na si lance sa tabi ko pero diko siya pinansin.

Himala at hindi niya ako ginulo at inutusan, sana mag tuloy tuloy!
Bumait naba siya? O nataohan na?
Subrang tahimik niya ngayon hindi ako sanay na tahimik siya nakaka panibago.

Tinignan ko siya ng palihim nagulat ako sa nakita ko.
May malaking itim sa gilid ng mata niya, pati labi niya may pasa.
Ano na naman kaya pinag gagawa niya?

Nakaramdam ako ng awa.

Kahit subrang bully mo sakin lance Ka naawa parin ako sayo bwesit Ka!
Ano ba kasing pinag gagawa mo at may mga pasa ka!

Natapos na ang morning class pero wala akong na iintindihan dahil sa kumag nato! Na kunsensya ako.
Bat naman ako ma kukunsensya dapat siya nga ma kunsensya sa pinag gagawa niya sakin.

Lutang ako palakad lakad papuntang canteen di maalis sa isip ko ang hintsura ni lance.

Bumili Lang ako ng pagkain ko at agad akong pumuntang garden para doon kumain.

Pag karating ko sa garden may nakahiga na sa pwesto ko.
Pagkalapit ko sa nakahiga hindi na ako na gulat na si lance yun.
Dahil mahilig din siyang tumambay dito.

Naalala ko tuloy yung unang pag uusap namin.
Tsssk never mind ang sama niya, sana di nalang nag cross ang landas namin.

Mahimbing siyang natutulog sa ilalim ng punong kahoy.
Dumuko ako para makita yong maamong mukha niya.
Maamo pala ang mukha niya pag tulog sana matulog Ka nalang habang buhay.

Pero biro lang ang bad ko naman pag ganun hehe.

Ang pogi talaga ng nilalang na ito kabaliktaran naman ang ugali niya, subrang sama ng ugali niya.

Sayang ka talaga lance na uncrush tuloy Kita dahil sa ugali mo.

"Are you done? I know I'm handsome."

Napabalikwas ako nang nag salita siya Kaya natumba ako.
Agad naman siyang gumalaw at umpo.

Nagulat ako sa ginawa niya hinawakan niya yong kamay ko at inilagay sa noo niya.

Ang init ng noo niya nilalagnat ba Siya?

"Bat ang init mo?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot, nagulat nalang ako ng humiga siya sa hita ko.

"Hoyy baliw kaba? baka may makakita satin dito!" Kinakabahan kong sabi.
Lumingon lingon ako baka may estudyante.

"Can we stay like this for a while" sabi niya.

"Baliw Ka talaga no! Pag tayo na kita lagot na naman ako!" Bulyaw ko sa kaniya.

Hindi na siya nag salita kaya hinayaan ko nalang.

Nakatingin lang ako sa mukha niya, Hindi ko na pigilan ang kamay ko na hawakan ang noo niya.
Nagulat ako sa ginawa ko kaya agad Kong inalis ang kamay ko.

Mainit siya nilalagnat ba siya?

Ilang minuto na ang nakalipas, nangangawit narin ang pwet ko.
Parang wala ata siyang balak pumasok sa klase.
Ilang minuto nalang mag uumpisa na yong afternoon class namin.

"Hmm.. lance may klase pa tayo" pag gising ko Kay lance.

Hindi siya sumagot, tulog na tulog na siya.

Ramdam ko yong init ng katawan niya, kaya hinawakan ko ulit ang noo niya. Subrang init niya Kaya nataranta ako hindi ko alam ang gagawin ko.

"Lance ang init mo may lagnat Ka ata" deretso kong sabi.

"No I'm not sick" saad niya at tumayo na.

"Pero mainit Ka?"
Sumunod namana ako sa kaniya sa pag tayo.

"Thanks" saad niya at nag lakad paalis.

Wow ha parang bumait bigla ang kumag. Akalain niyo yun nag pasalamat siya. Ano Kaya na Kain nun?

Pero seryoso may lagnat siya ayaw niya lang aminin.
Naawa tuloy ako sa kumag na'yon.

Nag umpisa na ang afternoon class namin pero wala paring lance na pumasok. Andito na yung mga Kaibigan niya. Hindi ako mapakali habang nag tuturo ang guro namin inaabangan ko parin na bumukas ang pintuan nag babakasakaling darating siya.

Hapon na at uwian na, wala paring lance na dumating.
Wala akong naiintindihan sa lahat ng lesson namin dahil yung kumag lang ang laman ng isip ko.
Na kukunsensya Kasi ako sana tinulungan ko siya kanina, alam ko nahihiya lang siya na mag sabi sakin na may sakit siya.

Ano ba yan dapat masaya ako ngayon dahil walang lance na nag uutos sakin. Bat ko ba siya iniisip?

Pinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko si lance.

"Sofia!"

Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko.
Nakita ko yung kambal na palapit sakin.

"Puntahan mo si lance sa condo niya may lagnat siya ngayon" agad na sabi ni Luke pagkalapit niya sakin.

"Mag ingat Ka lang at wag mo sabihin na Kami ang nag sabi sayo" dugtong naman ni sean.

"Bakit ako?"

"Ayaw niya kasing mag paalaga pag may sakit pero alam naming Kaya mo yan" si Luke.

"Sige mauna na kami, alagaan mo siya ng mabuti" nakangiting sabi ni Sean.

Ilang minuto akong hindi gumalaw nag processes pa lahat ng sinabi nila sa utak ko.

"Bat ako?" Turo ko sa sarili ko.

May parents naman siya para mag alaga sa kaniya.
Anjan naman si ate Melanie para alagaan siya pero bakit ako?

________________
Itutuloy.......

Campus Heartthrob Is My Boyfriend in RPW (ONGOING)Where stories live. Discover now