CHAPTER 13

82 3 0
                                    

Pag karating ko sa Cr agad kong tinanggal ang mga pagkaing nasa uniform ko.

"Aww" daing ko.

May malaking sugat sa siko ko pati sa tuhod ko.

Lininis ko yung sugat ko saka nag hilamos.

Tumingin ako sa salamin.

Subrang dugyot ko na tignan.

Ano na sofia masaya kana kilala Kana ng lahat?
Diba Ito Naman gusto mo makilala ng lahat Hindi yung parang hangin Ka lang sa paaralan na ito?

Gusto Kong makilala ng iba pero Hindi sa ganitong setwasyon.

Nang dahil kay lance naging mesirable ang buhay ko sa paaralan na ito.

Lumabas ako sa Cr nagulat ako ng may biglang humila sakin at kinaladkad ako.

"Hooyyyy bitawan mo ko!" Angal ko sa humila sakin.
Diko Kasi alam Kung sino 'tong nanghihila sakin.

Hindi siya nag salita patuloy niya lang akong hinila.

"Ano ba bingi Kaba!" Inis kong sabi sabay hinila kamay ko.

Dahil sa malakas siya kesa sakin Kaya di siya natinag.
Patuloy niya parin akong hinila hanggang makarating kami sa rooftop.

Nang makarating na kami binitawan niya agad ang kamay ko.

"Hendrix?" Banggit ko sa pangalan niya.

Hindi siya sumagot lumapit lang siya sakin at kinuha ang braso ko at may dinikit siya sa sugat ko.

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod at nilagyan niya ng band-aid yung sugat ko sa tuhod.

Pag katapos niyang lagyan ng band-aid ang sugat ko tumingala Siya sakin at nginitian niya ako.

Tumayo siya at nag lakad saka humiga sa may parang bench dito sa rooftop.

Nahihiya ako sa ginawa niya akala ko kasi pag tritripan niya rin ako gaya ng mga istudyante dito.

Nag lakad ako papunta sa kaniya para mag pasalamat.

Nang malapit na ako diko alam kung paano ako mag pasalamat.

"Ehmmm.." unwaring ubo ko.

Hindi niya ako pinansin naka pikit parin siya.
Nakatakip yung mga braso niya sa mata niya.

"Ehmm ehmm.." nilakasan ko na.

Ibinuka niya yung isa niyang mata.

"Salamat pala" agad na sabi ko at tumalikod kaagad.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa braso ko at hinila niya ako pa harap.

"Kumain Ka muna" sabi niya at may inabot siya sakin na burger.

Ano ba'tong lalakeng to a-atakihin ako sa puso nito agad agad nang hihila.
Pero infernes napaka bait niya.

Hindi ako agad naka react Kaya inilagay niya na yung burger sa kamay ko.

"Sa-salamat" bulol Kong sabi.

Tumalikod siya sakin at tumingala sa langit.

Nakakahiya naman Kung iiwan ko nalang siya dito.
Hindi naman siguro siya masamang tao diba?
Sa lahat ng kabaitan niya na ginawa niya sakin ngayon iiwan ko siya dito?
Kapal naman ng mukha ko pag ganun?

Umupo ako sa tabi niya at kinain yung burger na binigay niya sakin.

"Salamat pala dito" saad ko habang ngumunguya.

Hindi siya sumagot naka tingin Lang siya sa dalawang ibon na lumulipad sa taas.

Napaka awkward naman.
Pano ko ba siya mapapasalita?

"Ehhmm.." kuwareng ubo ko.

Napatingin naman siya sakin Kaya nginitian ko siya.

"Salamat pala sa lahat hehehe"awkward Kong sabi.

"Mag ingat Ka lagi" salita niya, buti talaga nag salita.

"Hahaha oo naman" mahinang tawa ko.

Bogsssssh!!!!!!

Napalingon agad ako sa pintuan nang may sumipa nito para ma buksan.

"SOFIA!" sigaw niya sa pangalan ko. Galit na galit ang reaksyon niya.

Nang Makita niya ako, agad siyang lumapit sakin at hinila ang kamay ko Kaya napasunod ako sa kaniya.

Hindi ako naka pagsalita agad sa pangyayare ngayon ko lang Kasi Siya nakita na subrang galit.

Nakatingin lang si Hendrix samin habang hinila ako ni lance.
Hindi tuloy ako nakapag paalam sa kaniya.

Pagkarating namin sa girls Cr agad niya akong pinapasok.

"Lance Ito na" nakita Kong tumakbo yung dalawang kambal namay hawak na uniform.

Pagkalapit nila samin agad inabot ni Prince luke yung uniform sakin.
Hingal na hingal yung kambal.

"Sorry lance natagalan ito kasing si Sean napaka kupad tumakbo" reklamo ni Luke sa kambal niya.

"Sabi ko sayo ikaw na tumakbo susunod nalang ako" singhal naman ni Sean.

"Sabihin mo kasi napaka kupad mo lang" si Luke.

"Tumahimik nga kayo! Umalis Ka nga diyan!" Hinila ni lance si luke palayo sakin.

"Ano pang tinitingin tingin mo jan mag bihis kana!" Nakataas kilay na sabi niya.

"Ok!" Inis kong sabi.

Pumasok ako sa Cr para mag bihis.
Diko alam Kung bakit na gawa to sakin ni lance.
Ang alam ko lang kasi malaking hadlang siya sa mga pangarap ko.
Naiinis ako sa kaniya dahil sa kaniya naging mesirable buhay ko.

Alam ko naman kaya niya ito nagawa sakin dahil may i-uutos na naman siya panigurado.

Nakakahiya tuloy kay Hendrix kanina sana hinayaan niya muna ako mag paalam bago niya ako kaladkarin.

Nang matapos na akong magbihis lumabas ako sa Cr pag kalabas ko andun parin yung tatlo naka sandal sila sa pader.
Yung dalawa nag aaway na naman.
Ang cute Lang nila tignan.

Labag man sa kalooban ko na mag pasalamat wala akong magawa kundi mag pasalamat.

"Salamat" naka duko kong sabi.

"Malaki na utang mo sakin kaya wag na wag mo akong tatakasan para sumama lang sa lalaki mo!" Sabi niya ng hindi tinitingin sakin.

Sino naman kayang lalaki tinutukoy niya?

"May lalaki ka?" Tanong ni sean sakin.

"Wala diko nga alam pinag sasabi ng Kaibigan niyo" taas kilay kong sabi.

Tumingin silang dalawa Kay lance na parang nag tatanong.

"Anong tinitingin niyo? Makaka alis na kayo!" Inis niyang sabay hila sakin.

"Ano ba kanina kapa ng hihila!" Inis kong hinila ang kamay ko.

"Ako ang boss mo Kaya sumunod Ka sakin" irita niyang sabi habang hila hila niya ako.

Malakas siya Kaya diko mahila kamay ko.

"Kapal ng mukha mo talaga no! Akala ko mabait Ka, may pag mahangin Ka din Pala! Kung alam ko Lang na ganyan ka sana hindi nalang kita naging crush! Ekis kana sakin!" Bulyaw ko kaya napa hinto siya.

"Anong sinabi mo?"
Humarap Siya sakin.

Shitttt! Pinag sasabi ko?
Ayun na dulas tuloy dila ko, pero dati lang Yun Hindi na ngayon kapal niya.

"Dati na iyon Kaya wag Kang assuming!" Bulyaw ko at hinatak kamay ko saka tinalikoran siya.

_______________
Itutuloy........

Campus Heartthrob Is My Boyfriend in RPW (ONGOING)Where stories live. Discover now