CHAPTER 11

112 2 1
                                    


Nagkatitigan lang kaming dalawa ni lance.
Naka upo na siya kaya mag kaharap na kaming nagtitigan.
Hindi ordinary na titig ang ipinukol namin sa isat isa kundi masamang titig.

Nasa gitna naman si ate nagugulohan sa'aming dalawa.
Naka kunot yung noo niya habang tinitignan niya kami.

"Teka lang mag kakilala kayo?" Tanong ni ate.

"Oo ate" sabay na sagot namin ni lance.

"Close kayo?" Tanong ulit ni ate.

"Hindi" sagot ni lance.

"Hindi ate at never akong makipag close sa kaniya" sagot ko.

"So mag kaaway kayo?"

"Opo" agad na sagot ko.

"Bakit naman?" Curious na tanong ni ate.

"Nang dahil sa kaniya hhshakagaka..." Diko na tapos yung sasabihin ko ng pinakain ako ni lance ng cake.

"Hehehe nang dahil sakin ate nakilala Siya. Loner kasi yang si Sofie. Diba Sofie??" Nakangiting sabi ni lance pero fake na ngiti.

"Buti naman kung ganun"  si ate.

Nag tayuan balahibo ko ng tinawag niya akong Sofie! Like ggrrrrrr!
Close kami para tawagin niya ako sa nickname ko na yan!?

"Wag Kang majahhhsiwbeh.." Di ko ulit natapos sasabihin ko ng pinakain niya ulit ako ng malaking hiwa ng cake.

"O sya maiwan kuna kayo mag hahanda pa ako para sa date namin" paalam samin ni ate sabay kinindatan niya si lance.

Nang matapos Kong nguyain yung cake sinamaan ko siya ng tingin at tumayo para umalis na.

"Opsss dika pwedeng umuwi hugasan mo 'to" mapa demonyo niyang ngiti.

"Bakit ako eh may maids kayo!" Inis kong sabi.

"Sino bang kumain niyan diba ikaw? Kaya hugasan mo bago ka umuwi" Lokong sabi niya.

" Ayaw ko bahala Ka!" Saad ko at tumalikod na.

"Uy ano to?" Napahinto ako ng nag salita siya.

Hinarap ko siya ulit at bubuksan niya na sana yung paper bag Kaya agad akong tumakbo papunta sa kaniya.

"Wag mong buksan yan!" Sigaw ko

Nakakahiya kasi pag nakita niya yung bra at panty na bigay sakin ni ate.
Kaya agad na akong tumakbo para bawiin sa kaniya yung paper bag bago pa niya ma buksan.

Inangat niya naman yung kamay niya Kaya diko na kuha agad yung paper bag. Subrang tangkad niya para maabot ko yung paper bag.

Patalon talon ako para Lang makuha yung paper bag kaso matangkad talaga siya.
Kaya tumigil na ako sa pag talon.

Hingal na hingal akong tumingin sa kaniya, Hindi ko namalayan naka hawak pala ako sa bewang niya.

Nakatitig lang siya sakin na parang kinakabahan kaya tinalon ko Ng malakas yung paper bag.
Nakuha ko naman Kaya agad ko siyang benilatan.

:-P

"Pano ba yan uwi na ako bye" saad ko pero parang wala siya sa sarili kaya tinalikuran ko na siya.

Pagkauwi ko sa bahay nag Mano ako Kay mama at agad pumasok sa kwarto.
Humiga ako sa kama at binuksan ang rp account ko.

Pag bukas ko subrang dami ng notification.
Clear ko lang lahat yun at pumunta sa message.

Una kong binuksan message ni Clark na siyang nag patibok ng subrang bilis sa puso ko.

"Gusto kitang ligawan okay Lang ba?"Yan ang message niya sakin.

Bumilis yung tibok ng pusoo ko, diko Kasi alam isasagot ko.

"Bat ako madami naman diyan" reply ko.

Kakareply ko pa lang seen niya na agad.

"Ikaw kasi gusto ko, at gumagaan pakiramdam ko pag kausap Kita" sagot niya.

Luhhh parang tenge to!

Baliw na ata ako parang kinilig ako sa sinabi niya.
Hindi naman bago sakin 'tong mga ganito pero sa kaniya ko lang naramdaman yung kilig.

Madami namang nanliligaw sakin kaso sa kaniya lang ako nakaramdam ng ganito.

"Alam ko madami kaming nanliligaw sayo pero sana pag bigyan mo ako"

Ano be yern!! Bat ganito nararamdaman ko sa kaniya parang tanga ka Sofia!

Kumalma Ka nga sofia nasa rpw ka wag Kang ano Jan!
Lahat ng nasa rpw ay fake kaya wag maniwala basta basta.

Fake feelings
Fake care
Fake love
Fake friends
Basta lahat fake!

Pero ano naman kung subukan kong mag paligaw? Wala naman sigurong masama diba dahil hanggang rpw lang naman kami?

Pero pag talaga ako nahulog wag kang masasaktan pag ikay iniwan sofia!

Basta rpw lang naman walang masama walang seryosohan diba?
Kung sino unang mahuhulog samin in real feelings siya ang talo.

First time kong mag paligaw kaya good luck nalang sakin.

"Ouchhh seen lang :("

"Nako sorry pinag iisipan ko pa Kasi" reply ko.

"So ano na pwede ba kitang ligawan?"

Kyaaaaaah! Bat ba ako kinikilig sa line na yan! Bwesit siya pag ikaw nang ghost nakooooo!

Pero seryoso lahat ng tao sa rpw ghoster tsss!

"Seen na Naman?"

"Sorry ulit, sige oo na mag paligaw na ako sayo" reply ko.

Kinabahan ako sa reply ko Kaya agad kong pinatay ang cellphone ko saka humawak sa dibdib ko na ang lakas ng tibok.

*Ting*

Agad kong binuksan yung cp ko para basahin yung reply niya.
Napa takip nalang ako sa mukha ko nang mabasa ko yung reply niya.

"Talaga shitttt akala ko busted ako, thank you for giving me a chance. Mamahalin kita kahit na sa rpw lang tayo :)" reply niya na may smile emoji.

"Kyaaaaaah!" Napa sigaw ako dahil dikona pagilan yung kilig.

"Sofia! Anong nangyari sayo?" Sigaw ni mama sa tapat ng pinto ko.

"Wala po ma,may ipis Kasi" palusot ko naman.

"Kakain na"

"Opo ma susunod nalang po ako" saad ko

Narinig kong nag lakad na si mama paalis kaya tinakpan ko yung mukha ko ng unan at tumili.

Kyaaaaaaah!!!

Enough na nga sofia para kang timang kinilig sa rp.
Alam mong iiwan Karin niyan sa huli kaya tumigil Ka sa kalandian mo.reklamo ng utak ko Kaya napahinto nalang ako.

Napag tanto ko Kasi na oa na ako masyado e nanliligaw palang tas nasa rpw ako kaya fake lang lahat pinapakita niya.

"Wala yun" reply ko.

"Kumain Ka naba?"

"Hindi pa kakain palang ikaw?" Reply ko.

"Sabay na tayo"

Grabe ang bilis mag reply kakasend ko palang seen na agad.
Parang i-naabangan niya yung reply ko.

"Sige kakain na ako" reply ko

"Sige eat well Kain narin ako " reply niya

Nag out na ako.

Bumubtong hininga ako bago ako tumayo.

Wag Kang mag papadala sa mga sweet chat niya lahat ng nasa rpw ay fake kaya wag Kang maniwala Sofia!

______________________
Itutuloy........

Campus Heartthrob Is My Boyfriend in RPW (ONGOING)Where stories live. Discover now