CHAPTER 17

115 5 0
                                    


Tinapos niya agad yung pagkain niya at iniwan akong mag isa sa kusina.

Di ko talaga naiintindihan yung lalaki na yon, bigla bigla nalang mag susungit talo pa ang may regla.

Tsssk! Kahit kailan kumag talaga!

Hinugasan ko nalang yung pinag kainan namin pag katapos bumalik na ako sa sala.
Hinanap ko si lance pero parang nasa kwarto ata siya.

Umupo nalang ako sa sofa at kinuha ang CP ko at nag online sa rpw.

Pagka online ko agad kong binasa yong message ni Clark.

"Mag ingat Ka lagi, kumain Ka sa tamang oras"

"May bagyo mag ingat Ka Baka matangay Ka papunta sakin ayieee"

Owwsshiii bumanat pa talaga ayun kinilig tuloy ako.

"Anong ngingiti ngiti mo Jan!" Naka taas kilay na sita sakin ni lance.

"Paki mo ba!" Inis kong sabi sabay tinalikoran siya at nag type para mag reply.

Hindi online si clark kaya nag iwan nalang ako ng message sa kaniya.

Nag logout na ako at tinago ko ang cp ko.

Nanood lang kami ng TV at walang ginawang matino si lance kundi utos utosan ako sa walang kwentang bagay.

"Ipag luto mo ako ng popcorn" utos niya ulit.

Nakailang utos naba siya? Sumusubra na talaga Siya!
Kung wala lang talagang bagyo kanina pa ako umuwi,
Diko na masikmura ugali niya!

"Ipag luto mo sarili mo! Binigyan Ka nga ng kamay at paa para may magamit!" Inis kong sagot.

Inaantok na Kaya ako!

"Sinong boss dito ikaw o ako?"

"Oo na ikaw na inaantok na ako gusto ko ng matulog!" Bulyaw ko sa kaniya sabay higa sa sofa.

"Bilis na nagugutom ako"

"Ikaw na matutulog na ako!" Sagot ko sabay nag kukunwareng natulog.

"Bilis na!" Aniya sabay hampas sakin ng uban.

"Ano ba!" Sigaw ko

"Ipag luto mo ko bilis" mautoridad na utos niya.

"Bwesit Ka talaga kahit kailan kumag Ka!" Sinigawan ko siya sabay tumayo.

Kinuha ko yung unan sabay hinampas ko siya sabay takbo pa puntang kusina.

"Bleeeh!" Bilat ko sa kaniya.
Binato niya ako ng unan pero na ilagan ko naman.
Binilatan ko ulit siya sabay pasok sa kusina.

Akala niya makakaisa siya!

Nang matapos na akong magluto.
Padabog Kong inilagay sa lamesa yung popcorn.
Binagsak ko yung katawan ko sa sofa sabay natulog.

Kinaumagahan nag unat ako at minulat ang mga mata ko.
Pag mulat ko iba na yung higaan ko wala na ako sa sofa kundi nasa sahig na ako.

Napabalikwas ako kaagad ng namalayan ko na nasa labas pala ako ng condo ni lance.

Kumaaaaaaaagg! Sigaw ko sa utak ko.

Pinihit ko yong sigadula buti Hindi naka lock Kaya pumasok ako kaagad at hinanap si lance.
Pumunta ako sa kwarto niya at agad hinampas ng unan yung mukha niya na mahimbing na matutulog.

"Arayyy!" Daing niya

Hinampas hampas ko siya habang siya panay sanggang ng unan.
Nainis na siya kaya hinila niya yong unan na hawak ko Kaya napa sunod ako.
Nakadagan ako ngayon sa ibabaw niya Kaya subrang lakas ng tibok ng puso ko.

Subrang lapit ng mukha namin, ilang inch nalang mag didikit na labi namin.

Seryoso ang mukha niya Kaya kinakabahan na ako.

"Masarap ba matulog sa labas?" Nginitian niya ako, ngiting pang aasar.

Subrang nakakatunaw yong ngiti niya parang nahihipnotismo ako. pero Hindi ako mag papadala sa ngiti niya.

"Bwesit Ka talagang kumag Ka!" Sigaw ko sabay hinampas ang dibdib niya.

"HAHAHA!" Tawang tawa siya.

"Chansing Ka hhahahaa!" Humagalpak Siya ng tawa.

"Kapal mo!" Sigaw ko sa mukha niya, tatayo na sana ako kaso bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

Subrang lapit na ng mukha namin sa isat isa.
Dikit na dikit na yong dibdib ko sa dibdib niya, pati hininga niya damang dama ko na.

Nakatitig lang ako sa mukha niya, subrang gwapo niya sa malapitan makalalag panty.
Napatingin ako sa labi niya at bumilis ang tibok ng puso ko.
Inaakit ako ng mapula niyang labi.
Diko maalis ang mga tingin ko sa labi niya.

*Kruuuu kruuuu kruuu*
Tumunog ang tiyan ko.

Opsssss panira!

"HAHAHHA!" Humagalpak siya ng tawa

Tumayo ako at sinamaan ko siya ng tingin at agad nag walkout.

Pag labas ko sa kwarto niya agad akong sumigaw ng mahina nang gigigil ako sa kumag na yon!

Grrr!

Pumunta ako sa kusina para mag luto ng umagahan.

Nag hanap ako ng itlog corn beef pero wala akong mahanap, ubos na ata.

"Sofie halika dito buhati mo to lahat!" Sigaw ni lance.

Ano na naman Kaya ipapabuhat niya sakin?
Wala ba siyang mga kamay para tawagin pa ako?

Padabog akong lumabas ng kusina.
Nakita ko siyang nakangiti sa tapat ng pintuan.

Napatingin ako sa labas nakita ko yung mga pinamili namin kahapon.
Tatlong nag lalakihang carton.

Yan ba ang ipapabuhat niya sakin?

Napatulala nalang ako dahil diko Naman kayang buhatin yan mag isa.

"Hoooy ano na buhatin mo na para makapag luto kana" naka ngisi niyang sabi sabay nag lakad pa punta sakin at nginisihan niya ako. Ngising pang iinis.

"Bilis na nagugutom na ako" saad niya at tinulak niya ako.

Bwesit talaga kahit kailan!

Hindi na ako nag salita, kahit mag salita pa ako ganun parin naman ako parin ang mag bubuhat ng mga karton na ito.

Tinulak ko lang yung karton papasok ng condo niya Kaya mabilis kong na ipasok lahat sa kusina.

Akala niya bubu ako!

Niligpit ko lahat at inilagay sa dapat paglalagyan.
Nang matapos ko ng maligpit nag luto na ako ng umagahan namin.

Egg, hotdog at fried rice lang yong niluto ko, pinag timpla ko narin siya ng coffee niya.

"Tapos kana ba Jan nagugutom na boss mo!"

"Kakatapos Lang Kain kana" naka smile/ fake smile Kong sagot.

Umupo siya at kumuha ng niluto ko.

"Baka may gayuma to?" Lukong saad niya.

"Asa ka! Kung lason pwede pa siguro" taray Kong sabi.

Napa dura siya sa sinabi ko.

"Pag Ito may lason lagoy Ka sakin!" Inis niyang sagot.

"Ano ako katulad mo walang puso!" Inis kong saad at tumayo.

"San Ka pupunta?"

"Uuwi na!" Saad ko at tinalikoran siya.

"Wala akong sinabing uuwi Ka"

"Wala akong paki di mo hawak disesyon ko, Kaya sa ayaw at sa gusto mo uuwi nako!"

"Ok fine but before you leave hugasan mo to" turo niya sa mga pinggan.

"No way tapos na Kitang pinag luto! Hindi ako katulong para utos utosan mo bye!" Saad ko at tumakbo na pa alis.

"Bumalik Ka ditooooo!" Sigaw niya.

Kinuha ko yong bag ko at agad lumabas sa condo niya.

___________________
Itutuloy.... .

Campus Heartthrob Is My Boyfriend in RPW (ONGOING)Where stories live. Discover now