CHAPTER 14

86 2 0
                                    


Nakauwi na ako sa bahay may meeting kasi yung mga teacher kaya umuwi na ako kaagad.
Ayaw kong tumambay sa paaralan na yon nawawala mood ko sa kumag na yon pati sa Alexandra na yon!

Nakadapa lang ako sa kama ko habang Ka chat si clark manliligaw ko sa rpw.
Buti pa si clark kahit nasa rpw napaka bait concern, caring nasa kaniya na ata lahat ng gusto ko.

Kilig na kilig ako sa bawat banat niya, Ewan ko tinamaan na siguro ang ate gurl niyo.

"Kumusta school?" Tanong niya sakin.

"Ayun Di ok naiinis lang ako sa isang Ka klase ko!" Reply ko naman.

"Bakit anong ginawa niya sayo?"

"Nakakairita lang Kasi, basta wag mo ng alamin wala naman akong balak ikwento siya, nawawala lang ako sa mood."

"Sige Kung yan ang gusto mo, kumain kana?"

Ayieee lintik pa fall pag ako na fall! HAHAHA diko alam kung bakit sa simpleng tanong na kumain kana lahat ng babae sinasabing pa fall na HAHAHA anong meron sa tanong na yan?

Pero seryoso pag tinanong ka ng ganyan ng crush mo o manliligaw mo wag mong sabihin hindi ka kikiligin?

"Mamaya na nag luluto pa si mama, ikaw ba?"

Kakasend ko palang na seen niya na agad Sana all i-naabangan.

"Sabay na tayo, uhm Kailan mo balak akong sagutin? Hindi sa nag mamadali Baka Kasi maagaw Ka pa sakin :(" reply niya

Kyaaaaaaah! Kinilig ako bwesit na lalaking 'to!

Hindi ko alam irereply ko Kaya di ko muna sinagot yung tanong niya na yon.

"Sige ano ba ulam niyo?" Pang iba ko sa topic.

"Madami diko alam niluto nila" reply niya Naman.

Wow ha madami mayaman ata to!

"Ahhh paka busog Ka"

"Ikaw rin, uhm may balak ka'bang
Sagutin ako?" Tanong niya ulit.

Luhh nag mamadali ba siya? Wala pa kayang 3 weeks panliligaw niya sakin.

Mag papachossy muna ako ngayon Lang to! Kahit rpw chossy ng ate gurl niyo HAHHAA!

"Uhmm..." Reply ko.

"Busted ba ako? :(" Malungkot na reply niya.

HAHAHA! Ang kyot lang nag-alala siya baka ma busted ko siya.
Bat ko naman siya ibabusted eh comfortable na ako sa kaniya.

"Hindi sa ganun grabe Ka naman sakin"reply ko

"Akin Ka lang, ayaw Kong mapunta Ka sa iba" reply niya, kinilig na naman si ako lagi naman eh basta bumanat siya kikiligin talaga ako!

"Ayieeeee akin Ka lang din" kinilig Kong sabi.

"Ayieeee oo naman sayong sayo ako"

"Oy kakain na ako tinatawag na ako ni mama" paalam ko sa kaniya.

"Sige eat well mag ingat Ka" paalam niya.

"Ikaw din kumain kana mag ingat Karin"

Nag logout nako tinatawag na Kasi ako ni mama para kumain.

Kinabukasan maaga akong nagising panibagong araw na naman panibagong utos na naman ni lance the kupal!

Ewan ko ba kumukulo dugo ko pag nakikita ko siya.
Nag expect Kasi ako na mabait siya yun pala mabait naman talaga subrang bait grabe. Sa subrang bait niya nandidilin paningin ko sa kaniya!

Pagkarating ko sa paaralan agad ako pumuntang room.

Pumasok ako sa room nakita ko si Hendrix naka upo na sa upuan niya,
Tahimik lang siya na nakatingin sa board.

"Hi" nakangiting bati ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako.

"Sorry pala kahapon di ako nakapag paalam" saad ko.

"Okay Lang" sagot niya sabay binalik ang tingin niya sa board.

Luhhh napaka cold naman mag salita kahapon okay pa kami ngayon parang Di kami mag kakilala.

O Baka naman assuming lang ako Kasi tinulongan niya ako?

Tama tinulongan kalang Sofia wag Kang assuming Jan.

Umayos ako ng upo nang pumasok si lance.
Nakatingin siya sakin, Hindi ko siya pinansin nakatingin Lang din ako sa board bahala siya sa buhay niya.

Nang matapos na yung morning class nag si alisan na yung iba.
Niligpit ko na yung gamit ko.
Nahulog yung notebook ko pinulot naman ni Hendrix at nilagay sa armchair ko.

"Salamat" naka ngiting saad ko.

Tumayo siya para lumabas na.

"Hendrix sabay na tayong mag lunch" anyaya ko sa kaniya, Sana pumayag.

Hindi siya sumagot Kaya sumunod nalang ako sa kaniya.

Pag labas ko sa room may biglang humawak sa braso ko at hinila niya ako.

Hindi na bago to kung sino nanghila sakin.
Sino pa 'bang mahilig manghila si lance the kumag/kupal lang naman.

"Ano ba bitawan mo nga ako" hinila ko ng pwersahan yung kamay ko kaya nabitawan niya.

Napahinto siya at tinignan niya ako ng masama.
Nakataas na din yung kilay niya.

Nasa likod lang si Hendrix naka tingin samin.

"May kasama akong kakain kumain Kang mag isa mo! Tara Hendrix" singhal ko Kay lance at tinawag si Hendrix.

"Sinong may sabi na gusto kitang kasama kumain? Wag ka ngang assuming jan!" Taas kilay niyang sabi.

Kahit kailan panira Ka talaga lance bwesit!
Shiiit nakakahiya!

Napa maang ako sa sinabi niya.

"Ah basta, Tara na Hendrix" hinila ko si Hendrix at nag lakad na kami.

Rinig ko yung mga yapak ni lance sumunod samin.

"Sasama ka sakin o...."

"Shshhhh!!!!" Awat ko bwesit na kuntrata naman yan!

"Pwede pakainin mo muna ako, gusto mo talagang mamatay ako?" Inis kong sabi at nauna mag lakad.

Sumunod naman yung dalawa sakin.

Pagkarating namin sa cafeteria lahat sila nakatingin samin.
Lumaki mata nila ng kasama ko yung dalawang sikat dito.
Nag bubulongan na naman sila, Yung iba nang gigigil na sakin.
Nag aalab na mga mata nila sa inis parang gusto nila akong patayin sa tingin palang.

Naka kuha na Kami ng pagkain umupo lang kami sa bakanting lamesa.
Naiilang ako habang kumakain nakatingin lang Kasi silang dalawa sakin.

Alam ko naman na kyut ako kumain chaaaarr HAHAHA!

Pero naiilang talaga ako, wala ba silang balak kumain?
Sabihin niyo lang susubuan ko kayo HAHAHA!

Yung mga istudyante dito galit na galig na yung hitsura nila.

Naka duko lang ako habang kumakain ikaw kaya tignan ng dalawang pogi kung Di kaba nahihiya.

Binilisan Kong kumain Kaya na bulonan ako.
Napakamalas ko pa talaga wala akong tubig na kinuha.

Napahawak ako sa dibdib ko sabay pokpok.

"Here" napatingin ako sa kanila sabay silang nag lahad sakin ng tubig.

______________________
Itutuloy.......

Campus Heartthrob Is My Boyfriend in RPW (ONGOING)Where stories live. Discover now