Part 3

87 9 0
                                    

Sam's POV

"Got me looking, got me looking so crazy inlove~~... Woah-oh woah-oh woah-oh oh no no ~~"

Naabutan namin ni Spade na kumakanta ng exclusive version ng Crazy in love si Lay. Isa kasi yon sa mga official soundtracks ng Fifty Shades of Grey. Super fan sila ni Deina non. Eh ako, hindi ko naman alam yun. Sa kanila ko nga lang nalaman yun eh.

"Yuck. Akala mo maganda ?" Sabi ni Spade kay Lay habang nagmme-make face at saka umaktong parang nasusuka.

"OO ! Maganda talaga ako." Inismiran sya Lay at nagpatugtog ng Love Me Like You Do. "Hi Sam ! Tara, dito ka. Tabi tayo. :) Wag ka dyan, pangit yan eh. Baka mahawa ka pa." At saka inirapan si Spade.

Lay Astrid B. Andrada. Bautista is her middle name. I like her attitude and her way of thinking. Matalino din sya. She's good in speaking english and pronouncing words. A certified orator. She loves to dance too. She almost always act like a child but she's smart, di mo lang agad mahahalata. Makulit kasi yan. Mischievous, rather. Kapag sumigaw siya, mabibingi ka. Ang lakas ng boses eh. Daig pa sirena ng bumbero. At magulo sya. Yung isip nya, i mean, and pati sya :D. If you'll talk about LOVE, ang sasabihin nyang opinion ay realistic. But there's a bit of hopeless romanticness. Ewan ko ba dyan. Gulo nya eh. :P

"Uy Sam, halika dito. Pili ka ng movie." Tinabihan ko si Aliane at tiningnan ang mga movie files nya sa computer.

"Ayan, ayan ! Cabin in the Woods ! Maganda yan Sam, pramis !" -Nigel

"Ay nako Nigel. Tigilan mo ! Ang a-- AYYYY, ALIANE ! Ice Age 4 nalang ! Sige na. Di ko pa napapanuod yan eh! PLEEEEEAAAASE ?!" -CK

"Ang ingay nyo !!! PLEASE. Magsitigil, guys. Kalma lang." -Xandria

Tiningnan ko yung mga movies sa screen. Hindi ako familiar sa title nung iba, yung iba naman, napanood ko na. Tapos may nakita ko. Ang title nya, If I Stay. Naririnig kong pinag-uusapan to nila Deina at Lay dati eh.

"Maganda ba yung If I Stay ?" Tanong ko sa kanila. Parang maganda kasi.

"Oo ! Yan nalang Iane. Di ko pa din napapanood yan eh." -Deina

( Iane --> Aliane )

Nag-agree naman yung iba, pwera kay Nigel.

"Ehhh ! Ayoko nyan ! Corny naman yan eh ! Horror nalang !" Sabi ni Nigel habang parang batang nagtatantrums.

Nigel Leon Park. Half Korean and half Filipino. He is tall. Dark ? Nah. Handsome ? Yah. Sometimes childish and sometimes playful. Mapagbigay siya ( minsan ) at always LATE. Malikot siya at super matakaw. Volleyball player ng previous school ko. Matalino din naman, medyo tamad nga lang. He's good at singing. Maganda boses nyan eh. He still tries to pursue his 'drawing skills' so he sketches sometimes. LOVE ? He has one ex-girlfriend. And his favorite love quote ( that came from me --i mean, yung thought lang-- nung nag tampo sya sakin ), "Mahal ang pagmamahal mo, bawal sayangin." Yeah. Ang drama nya. Di nga lang marunong mag MOVE-ON.:3

"Nigel ! Ang arte-arte mo ! Aliane, yan nalang. Hayaan mo sya dyang mag-inarte mag-isa." -Italy

Ni-play na nila yung movie at hinayaan naming mag tantrums si Nigel.

Nagsimula na yung movie. Lahat nakikinig. Lahat nanonood. Pati si Nigel. Nag-inarte lang talaga sya. :3

Si Lay naman, palagi nilang sinasaway. Spoiler kasi. Kinukwento nya yung susunod na mangyayari. Napanood nya na kasi yung movie pero gusto nya paring ulitin. Favorite nya daw eh.

Then, dumating dun sa part ng first kiss nila Adam at Mia. Syampre nag react sila. Sigaw dito, hiyaw dyan. You know, teenagers~~.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Transferee [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon