Part 2

86 5 0
                                    

Pagkadating ko sa bahay dumeretso na ko sa kwarto ko at saka doon nagkulong.

Atang... Hindi ko nalimutang hanapin ka, hindi pa rin ako sumusuko hanggang sa mahanap kita. Nakarating sa ko sa kung saan-saan pero hindi pa rin kita makita... Nasan ka na ba ? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ka umalis. Kung bakit mo kailangang lumayo. Alam mo bang miss na miss na kita ?

Pero... Posible kayang... Ikaw, at si Samantha... ay iisa ?

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Lance, anak, bumaba ka na, kakain na tayo."

Si Mama. Kami lang dalawa ni Mama ang nandito. Nagtatrabaho kasi sa ibang bansa si Papa para may makain kami. Kada taon naman umuuwi siya kaya ayos lang samin yon.

"Sige po. Susunod na po ako."

Bumaba na 'ko pagkatapos kong magpalit ng damit pambahay. Pagkababa ko ay kumain na agad kami.

"Bakit ang tahimik mo yata ngayon, anak ? May problema ba ?"

"W-wala po Mama. M-masakit lang po yung ulo ko."

Ayoko pa sabihin kay Mama yung hinala ko. Baka kasi puntahan niya agad si Sam. Paano kung hindi totoo ? Edi patay naman ako kay Mama.

"Ah ganun ba ? Oh sige, pagkatapos mo kumain, umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na ha ?"

Kagaya nga ng sinabi ni Mama, umakyat na ko sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Pilit kong inalis sa isip ko ang imahinasyong nabuo ko kanina. Hindi porket magkapareho sila ng palayaw ibig-sabihin ay iisa lang sila, diba ? Hindi ko na uli inisip yon. Pagkahiga ko sa higaan ko, nakatulog na agad ako. Dahil na rin siguro sa pagod. Parang ang haba kasi ng araw na to para sakin.

~'~'~'~'~'~'~

Pagkagising ko, nag-ayos ako sarili at saka bumaba para kumain. Dumeretso ako sa dining room pero walang tao. Kukuha nalang sana ako ng tubig nang may nakita akong note sa may ref.

"Anak, ikaw muna dito bahala dito sa bahay ah ? May kailangan lang akong asikasuhin. Mamayang gabi pa ko babalik. Nag-iwan ako ng pera dyan sa may counter, nagluto na rin ako ng ulam mo para mamaya. Mag-ingat ka ha ? I love you."

Oo. Sanay na ko dyan. Bigla-bigla nalang aalis si Mama. Naiintindihan ko naman sya kasi para sa amin din naman yun.

Pumasok na ko sa school, at hanggang ngayon wala parin si Sam.

Haaay. Ang boring ng araw na to.

Mabilis namang dumaan ang oras, na syang pinagpapasalamat ko kasi inaantok na talaga ako. Kulang nalang tulugan ko yung physics teacher ko eh.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Natapos ang isang linggo nang hindi ko nakikita si Sam. Araw-araw ko syang pinupuntahan sa bahay nila pero wala eh. Hindi rin nila alam kung kailan sya babalik.

I wasted my weekends checking if she's home or not. I searched her on email, on facebook, on twitter, and even in wattpad. Pero no signs of her. Well, I've seen her fb account pero ang huli nyang activity non ay last year pa, so meaning, hindi na active yon. Wala rin naman akong number nya kaya hindi ko sya matext o matawagan. Halos mamatay ako sa boredom sa bahay.

Monday came, and God knows how happy I am when I saw her sitting in her chair reading a book. Oo alam ko, ang OA ko lang. Ewan, iba yung epekto nya eh. Parang just by looking at her makes me happy, makes me smile. I went to her and approached her.

"Welcome back."

She greeted me good morning with a smile on her face. I greeted back.

"Thank you nga pala sa notes last week. And, pumupunta ka raw sa bahay namin everyday ?"

Transferee [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon