Part 5

30 3 0
                                    

Jen's POV

"Oh sorry, I forgot to introduce myself. I'm Jen, Lance's girlfriend."

Why did I say that ? I wanted to tease my cousin. I can see that he likes her AND he's jealous na may nakauna nang pumorma sa kanya. I want to provoke him. The last time kasi na may nagustuhan siya ay pinairal niya ang katorpehan niya kaya naunahan siya ng iba. Edi ayun, goodbye first lovelife siya.

Napansin ko na unti-unting nawala yung ngiti ni-- what's her name again ? Uhh-- nevermind.

I looked at Lance who's beside me and he looked so tensed.

I offered a handshake to the girl and tinanggap niya naman 'yon. She introduced herself with a sincere smile. Hmm, she seems nice naman, so...

"Are you free tomorrow night ? Tomorrow's my birthday kasi and I'm throwing a party at my house. Can you come ?"

Mukhang nagulat siya sa sudden invitation ko. At pati na rin si Lance. Hindi kasi ako mahilig mag-invite ng not-so-close friends sa parties ko. I'm just inviting people that I'm comfortable with at mga close ko. AND plastics are not allowed in my house. I love Mother Nature kaya !

"Hey. Cat got your tongue, girl ?" I chuckled. "So, are you in ?"

"Anong oras ba ?" Yes !

"Six-thirty onwards. Wait, do you have a curfew ?" Umiling naman siya as a sign of 'no'. Tumango ako.

"That's great ! And oh, don't worry, konti lang ang invited kaya you won't feel out of place. Saka, invited si Lance kaya may kausap ka 'don."

"Sabay nalang kayo ni Lance. Or better yet, sunduin ka nalang niya. Right, Lance ?" Baling ko sa tulala kong pinsan.

"H-ha ? Oo, oo." Pfft. Di siguro mag sink in sa utak niya na sinabi kong girlfriend niya ko sa babaeng gusto niya. I wanna laugh hard but I gotta control myself. I've got plans to make pa.

Yaaay ! I'm a cupid on duty ! \m/

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

Lance's POV

Shit. Shit. Shit.

Bakit niya sinabi 'yon ?! Arggh ! Umiral nanaman ang kaabnormalan ng pinsan ko.

Nagpaalam na si Jen at iniwan kaming dalawa ni Sam sa corridor. Nakasandal ako sa bars at hinintay ko siyang ayusin yung locker niya bago kami umalis.

"Ahm, Lance. Yung... yung girlfriend mo--" Pinutol ko agad yung sasbihin niya.

"Hindi ko siya girlfriend."

"Sus. Hindi daw. Eh ang sweet-sweet niyo nga kanina." Sumimangot ako. Anong sweet 'don ?

"Hindi ko nga sabi siya girlfriend. Single ako, okay ?"

"Alam mo, hindi mo dapat ikinakahiya yung girlfriend mo. Dapat nga ipinapagmalaki mo pa siya sakin eh, hindi yung dine-deny mo. Nagmamahalan kayo. Walang dapat ikahiya dun." Napangiwi ako dun sa word na 'nagmamahalan'. Yuck lang. At saka, di ba talaga siya maniniwala na hindi ko girlfriend si Jen ?

Tumigil ako sa paglalakad at bumuntong hininga. Napatigil din siya syempre dahil magkasabay kami. Alangan namang iwanan niya ko diba ? Di naman siya ganun.

"Sam." Sabi ko sabay tingin sa kaniya. Tumingin din naman siya sakin.

"Makinig ka, okay ?" Ngumiti siya ng pagkalaki-laki at tumango na parang bata. Napakamot nalang ako sa kilay ko na kulang nalang ay magdikit dahil sa sobrang kunot ng noo ko.

"Hindi. Ko girlfriend. Si Jen." Nakangiti parin siya sakin na parang tuwang-tuwa pa sa sinasabi ko.

"Hindi kami sweet. Ni hindi ko nga alam kung anong nakita mong sweet 'don eh." Naiintindihan niya ba yung sinasabi ko ? Kung oo, bakit parang hindi ?!

"At mas lalong hindi kami nagmamahalan. Well, somehow, oo. Pero hindi romantically. Pinsan ko siya, okay ? Pinsan. Yun lang. Gets ?" Tumango ulit siya as a sign na naiintindihan niya talaga yung sinasabi ko. Pero bakit hindi ako convinced na gets niya 'yon ?! Arggh !

Napapikit ako sa inis at bumuntong hininga sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Napakakulit ! Dumilat ako at saka naglakad ulit. Sumunod naman siya sakin at sumabay maglakad. Maya-maya'y nagsalita ulit siya.

"Ang haba naman nung sinabi mo. Pero sige. Gets ko na." Ha ? Anong sinasabi nito ?

"Secret lang natin 'yon." Ano daw ?

"Hindi ko ipagsasabi. Proooomiiise." Sabi niya nang nakataas ang kanang kamay na parang nanunumpa. Teka, teka, teka--Hindi ko ma-gets !

"Wait lang. Time out. Ano bang sinasabi mo dyan ?" Nawiwirdohan na talaga ako dito sa babaeng 'to eh.

"Ang sinasabi ko po, hindi ko po ipagsasabi yung secret niyo ni Jen." Mabagal ang pagkakasabi nya na para bang ipinaiintindi sakin ang bawat word na sinasabi niya.

"Anong secret ?"

"Na S.O. kayong dalawa ! 'To naman. 'Wag ka na magkunwari. Hindi naman ako madaldal eh." Napa-amang ako sa sinabi nya. Wow. 'Di pa siya madaldal nyan ah. Aish ! Hayaan mo na nga.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

Sam's POV

"I'm hooome !" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay.

"I don't care." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yon. Kakalabas lang niya ng kitchen at may hawak na canned drinks sa isang kamayat chips naman sa kabila.

"NAAAAAADIIIIII !!!" Patakbo akong lumapit sa kanya at saka yumakap sa kanya habang nagtatatalon. Namiss ko sya !!!

"Arggh. Get off me." Inalis nya ang pagkakayakap ko sakanya at saka dumeretso sa couch at nanood ng TV.

Ang ganda-ganda nya talagaaa~~. Napansin nya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya ibinaling nya ang tingin nya sakin at saka umirap. Hihi ang cute cute nya pag ginagawa nya yon.

Nung mga bata pa kami ni Nadi palagi nya rin akong sinusungitan. Oo, kababata ko sya kaya lang nag-migrate yung pamilya nya sa Australia kaya ngayon ko lang ulit sya nakita. After 10 years ! Masungit sya sa lahat pero mabait naman sya. Natatandaan ko dati, nagsulat sya ng letter para sakin noong 10 years old palang ako, sabi niya sa sulat namimiss nya na daw ako, at pasensya na kung nasusungitan nya daw ako. Ganon daw kasi talaga sya mag express ng sarili nya. Hindi kasi sya showy sa feelings.

Tumabi ako sa kanya at kinuha ko yung kamay nya. Namiss ko sya *o*. Napansin ko yung suot nyang bracelet.

"Wooow, Nadi. Diba ito yung bracelet na binigay ko sayo bago ka umalis ?" Ngiting-ngiti ako sa kanya.

Binaw nya yung kamay nya sakin at saka sinuklay yung buhok nya gamit ang kamay. Ganon ang ginagawa nya pag kinakabahan sya.

"H-hindi ah. B-binili ko kaya to sa Paris." Hahaha alam ko namang nahihiya yan kaya iba yung sinasabi nya.

"Talaga ? Sa Paris ?" tudyo ko sakanya.

"O-oo."

"Eh bat may pangalan ko ?" Hahahahaha ^o^

Natigilan sya.

"H-ha ? A-ah.. Ano.."

Biglang sumeryoso ang mukha nya at saka humarap sakin. Mataman nya muna akong tiningnan at saka bumuntong hininga bago tingnan ang bracelet na nasa kamay nya.

"Dati pa 'to... Alam mo, isa to sa mga pinakamahalagang bagay para sakin. Bigay kasi 'to nung taong kahit anong gawin kong taboy, hindi umaalis. Na kahit sinusungitan ko na sya nakangiti parin sakin." Ngumiti sya at saka tumingin sakin.

"Bigay 'to sakin ng bestfriend ko." Waaaaaaah TT^TT Naiiyak ako !!! Huhuhu. Tutulo na luha ko.

Niyakap ko sya para hindi nya makita yung luha ko. Ginantihan niya rin naman iyon ng yakap.

Buong akala ko wala siyang pakialam sakin. Akala ko ako lang sa aming dalawa ang nag-aaddress na bestfriends kami. Akala ko sinusungitan nya ko dahil ayaw nya sakin. Buti nalang akala ko lang 'yon.

Haaaay. It's so good to have your bestfriend back.

-----------
(c)
04.08.15

Transferee [ON-HOLD]Where stories live. Discover now