Part 4

55 6 2
                                    

Sam's POV

"Okay class, find the final velocity."

Initial velocity is zero. The given time is--. Hala ka. Bakit natutulog 'to ?

"Lance. Huy Lance. Wake up na po." Pabulong kong sabi sa kanya dahil baka makita siya ng teacher namin. "Laaaanceee~~ Giiiisssiiiiinngggg naaaaa--"

"Mr. Ferrer ! Why are you sleeping in my class ?!" Napa-ayos ako ng upo at nagkunwaring nagso-solve nalang sa aking notebook.

"Don't you know that's insulting ?! My goodness ! Stand up!" Sigaw ni Ms. Legaspi sa katabi kong pupungas-pungas pa. Humikab pa muna siya at saka bored na tumingin sa Physics teacher namin.

"I said stand up !!" Woah. Ang eardrums ko TT_TT. Nasa harap na namin si Ma'am Legaspi at hindi na napigilang lapitan siya dahil sa inis. Ang magaling ko namang seatmate, nasa topak yata at binigyan lang ng nakakalokong tingin si Ma'am Legaspi.

Aba matinde. Ang balita ko, terror daw tong teacher na 'to eh. 'Di ba sya natatakot ? Baka mapapunta pa sya sa D.O ng di oras dahil sa pinag-gagagawa niya.

Ilang segundo pa silang nagtitigan bago siya tumayo.

"Now, Mr. Lance Ferrer. Give me a valid reason kung bakit ka natutulog sa klase ko and I might consider na hindi ka papuntahin sa D.O" Ow em gee.

"As much as I want to state the reason why I slept in your class, Ms. Legaspi, I can't." Aba, matapang.

Tumaas lalo ang kilay ni Miss dahil sa naging sagot ni Lance.

"And why ?" Nanlalaking matang tanong ni miss sa kanya.

"It is highly confidential, Ma'am." Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya. "I am very sorry, Ms. Legaspi. BUT. You will actually know my reason soon. Very, very soon."

Kumunot ang noo ni Ma'am Legaspi at ng mga kaklase ko. Ano naman kaya yun ? Nakaka-curious ah.

"Are you fooling me Mr. Ferrer ?" Sabi ni Miss na halos sumisigaw na. Haha. Napikon. :3

* tok tok tok*

May kumatok sa pinto at napilitang lumapit si Miss Legaspi kahit kating-kati na syang sabunutan itong katabi ko. Ang galing niyang mag-control ah. Control freak. XD

"What is it ?" -Miss

"Good Morning Ma'am. May I excuse Mr. Ferrer ? Pinapatawag po kasi siya sa Admin Office." Sabi nung student helper kay Miss.

Bakit ko alam na student helper siya ? Maganda kasi ako. At kapag maganda dapat lahat alam. Di mo alam yon no ? Edi ngayon alam mo na ?

Mataman munang tiningnan ni Miss si Lance bago siya tawagin nito para pasamahin dun sa student helper.

Natapos na yung period na yon at break na namin. Hindi parin nabalik si Lance.

Pumunta muna ako sa cr kasi kanina pa talaga yun hinahanap ng pantog ko. Nasa cubicle na ko nang may narinig akong pumasok sa comfort room.

"Kilala mo ba yung transferee sa Section IV-A ? Ano nga ulit pangalan non ? Samantha ba ?" Sabi nung babae sa kasama niya. Nagpanting yung tainga ko nung narinig ko yung pangalan ko. Ano nanaman ? Palagi nalang ako ang hot issue ?

"Oo. Ano ka ba ? Diba siya nga yung kinukwento ko sa'yo kahapon ?" Sabi naman ni Girl 2 kay Girl 1. Aba't-- Buset tong mga 'to ah. Araw-araw pinagt-tsimisan ako. Ano ? Daily routine lang ?

"Ahhh. Siya ba yon ? Answerte niya no ?" Oo. Mga bwi-- Ano raw ? Swerte ? Ano namang ikinaswerte ko sa school na to ?

"Oo nga eh. Sana kasing ganda nya rin ako." Sabi ni Girl 2. Oo nga girl, sana kasing ganda din kita para di ka naman kawawa XD.

Transferee [ON-HOLD]Место, где живут истории. Откройте их для себя