Part 6

31 5 0
                                    

Sam's POV

Red ? Green ? Blue ? Yellow ?

Longsleeves ? Sleeveless ? Dress ?

Above the knee ? Below the knee ? Crop top ?

LORD !! Please help me !!

Napasapo ako sa noo nang mapansin ko kung gaano karaming damit ang nagkalat sa kwarto ko.

Ang closet ko, sabog-sabog na ang laman. Yung higaan ko hindi ko na makilala dahil sa dami ng damit na nakapatong. Yung study table ko gulo-gulo na dahil sa tinambak kong mga damit doon. May mangilan-ngilan pang nasa lapag. Nalaglag na siguro nang dahil sa paghahalungkat ko.

Shocks. Paano ko 'to aayusin ?

Nabalik lang ako sa ulirat nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nasundan iyon ng tinig ni Nadi. Tinatawag na ako para kumain ng tanghalian. Ibinaba ko muna sa upuan ang hawak kong bestida at saka bumaba na para kumain.

Naabutan ko si Nanay Eli na naghahain sa hapag. Napatigil siya nang makita niya akong papalapit.

" O, iha. Ano bang pinaggagagawa mo sa taas at pawis na pawis ka ?"

"Ay wala ho, Nay. Nag-aayos lang ho ako ng mga damit ko sa itaas."

"Ganon ba ? O sya, maupo ka na ryan. Asan na ba iyong si Nadi at nang makakain na tayo."

And as if on cue, pumasok si Nadi sa dining area saka dere-deretsong umupo sa upuan niya at humalukipkip. Badtrip yata. Sabagay, what's new 'di ba ? Palagi naman ganyan 'yan eh. Sanayan lang 'yan.

Umupo na rin si Nay Eli at nag-lead muna ako ng prayer bago kami kumain.

Habang nasa harap kami ng hapag ay hindi ko naiwasang itanong kay Nadi kung bakit naisipan niyang umuwi dito sa Pilipinas nang biglaan. September pa lang kasi. At sa pagkakaalam ko, may pasok pa siya sa school niya sa Australia.

"Dito na 'ko mag-aaral. Wala akong magagawa, reyna na ang nagsalita eh."

Tinutukoy nya 'ron si Tita Amanda, yung mommy niya. Ganoon sa pamilya nila. Kung ano ang sinabi ng reyna, iyon ang masusunod kahit ayaw nila. Wala naman silang magagawa eh.

Pagkatapos kumain, kami ni Nadi ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan dahil may inaayos raw si Nanay Eli sa guest room. May dadating pa yatang bisita.

Si Nadi, kaya siya umalis papuntang Aussie, kasi nalaman ng Papa niya na may anak siyang babae. Dati kasi, umalis yung mama ni Nadi sa Australia at bumalik dito dahil naghiwalay sila nung asawa niya na si Tito Eric. Ah basta, magulo eh.

"Hoy. Tulala ka nanaman diyan. Ayusin mo na yung hinugasan ko."

Napanguso na lang ako sa kasungitan nya. Inayos ko na ang mga hinugasan niya at saka kami umakyat sa kwarto ko. Nabanggit ko kasi sa kaniya iyong music box na regalo sakin ni anonymous. Ang sabi ko kasi ay ipapakita ko ito sa kaniya.

Nakarating kami sa harap ng kwarto ko. Binuksan ko ang pinto niyon habang kinakausap siya tungkol sa buhay niya sa Aussie.

Napansin kong bahagya syang napatigil at nangunot ang noo sabay humalukipkip.

"Do you even call that a room ?"

Oo nga pala. Nakakalat pa yung mga damit ko. -_-

Dumeretso sya sa loob at pinulot ang isang longsleeeves na nasa lapag saka humarap sakin.

"May balak ka bang magtayo ng ukay-ukay sa loob ng kwarto mo ?" At saka hinagis iyon sa higaan ko.

"A girl's room shouldn't be like this , Sammy. Look at it, oh." Sabay iminuwestra nya ang kamay sa buong silid. "Mukha nang bodega ang kwarto mo ! You're already a lady. Everything should be organized !"

"I know, I know ! But... Arggh ! Nakakainis naman kasi ehhh !"

Tinaasan nya lang ako ng kilay. Ilang minuto kaming hindi nagsalita saka sya bumuntong hininga.

"Okay. I get it na."

Sinarado nya ang pinto, nilaksan ang aircon at hinalukay ang mga damit ko.

"Formal, Semi-formal, or Casual ?"

Ano nga ba ? Party 'yon diba ?

"H-hindi ko d-din alam eh." Napakamot nalang ako sa ulo ko. Si Nadi naman ay napa-amang sakin.

"Seriously ? Pupunta ka sa isang event nang hindi mo alam kung anong theme ?" She said in a very bored tone then sighed in exasperation.

She then, picked up a black and red dress from my study table. Sleeveless iyon tapos above the knee. Ah, basta. Hindi ko madescribe eh. Ikaw na bahala mag-imagine.

Ibinigay niya iyon sa akin nang walang sabi-sabi tapos lumabas na sya ng kwarto.

Nagsimula na akong mag-ayos. Iniligpit ko muna ang mga damit na nakakalat saka ako naligo at nagbihis.

Inayos ko ang buhok ko. Binlower ko nang kaunti and just let it flow freely over my shoulders. Naglagay ako ng kaunting pulbos at nang sa tingin ko ay ayos na naman ang itsura ko, napagpasyahan ko na ring bumaba.

"At last, Sammy ! It took you two long hours just for that look ? How slow can you be ?"

Nasa puno palang ako ng hagdanan nang marinig ko ang sermon ni Nadi sa akin. Taray niya ah. Dinaig niya pa nanay ko sa pag sesermon sa akin.

"Hurry up slowpoke. That guy must be really bored now." napataas ang kilay ko. That guy ? Sinong guy ?

Saka ko lang na-gets nang may narinig akong tawanan sa kitchen. Mabilis akong bumaba ng hagdanan at dumeretso sa dining. And there I saw a corn-headed man laughing his heart out.

Who. Is. This ?

Napadako ang tingin sa akin ng lalaking may kulay dilaw na buhok at ni Nanay Eli na kausap niya.

"O, ayan na pala siya eh." ani Nanay Eli at bumalik ang tingin sa kaharap niyang taong mais habang ngumingiti nang may pakahulugan.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at nakatitig parin sa lalaking ngayon ay nasa harap ko na pala at hinihingi ang aking kamay. Inabot ko ito at kasabay niyon ay ang pagdagundong ng aking dibdib.

Inangat niya ang aking kamay at dumako ito papalapit sa kaniyang mga labi. Ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang lumapat ang mga ito sa aking kamay.

Nakakapanibago ngunit masarap sa pakiramdam kaya't alangan kong binawi ito mula sa kaniya.

"You ready ?" ang boses niyang mapaglaro sa pandinig.

Wala sa loob akong napatango at nagpatianod sa kaniya palabas. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kina Nanay Eli.

Tumigil kami sa harap ng isang magarang sasakyan. Akala ko ay sasakay na kami at dederetso sa pupuntahan namin ngunit nanatili lamang siyang nakatayo doon.

"Are we going or tatayo lang tayo dito ?" Puna ko matapos ang ilang minuto naming walang imikan.

"Um, no. We're just waiting for Lance." And just when I was about to ask him where Lance is, a figure stepped out from the dark.

"Sorry. Did I take too long ?" He looked fresh in his blue polo and khaki pants paired with those top-sider shoes.

"No ! No, not really." I smiled and he also did the same. Oh, how I like that smile ! Sends me shivers down my spine. Uy, rhyme yon.

"Mag ngingitian nalang ba kayo dyan, o baka may balak pa kayong umalis ??" Dun ko lang napansin sina Nadi at Nanay Eli na nanonood sa amin mula sa pinto.

"Eto na po ! Pinapaalis mo na talaga ako dito no, Nadi ?" Paloko ko syang inirapan at saka tumawa na rin sa huli.

We waved goodbye to them and got in the car, then we headed straight to Jenni's.

--------------
(c)
07.18.15

Transferee [ON-HOLD]Where stories live. Discover now