Part 1

278 6 5
                                    

Isa siyang transferee...

"Children, meet your new classmate, Ms. Samantha Borja."

Maganda siya... Mabait... Para siyang anghel sa paningin ko.

Matalino din siya...

"I think that's not true, Miss. In my opinion, you are not making your own destiny, and yes, like what she just said, it is God. But Miss, your destiny is not based on your decisions, your decisions are based on your destiny."

Pinapaglaban niya kung ano ang sa tingin niyang tama. Kumbaga, may paninindigan.

Matatag ? Oo.

Kahit binubully na siya ng mga kaklase naming babae, ni minsan hindi mo siya makikitang umiiyak. Hindi ko naman siya matulungan kasi alam kong lalo lang gugulo yung sitwasyon.

"Tss. Bago-bago mo lang rito ganyan na agad ugali mo. Umayos ka ah ! Anlandi-landi mo, bwiset. Lumayas ka na nga ! Alis ! Leche, panira ng araw."

Malandi. Maarte. Oportunista. Sipsip. Mayabang. etc.

Walang pakialam yan diyan.

Wala siyang iniintindi kahit isa.

Kaya ko siya nagustuhan eh...

Nung nagkausap kami, tinanong ko siya kung bakit pa siya lumipat dito sa school namin. I mean, kilala ang school namin na puro bullies at maaarteng estudyante so why bother na lumipat pa dito ?

"Ayos lang. Sanay na naman ako. Biruin mo, apat na taon palang ako sa high school pero pang-anim na eskwelahan ko nang pinasukan to. Hahaha di pa ba ko masasanay ? Di bale, sabi ni Mama dito na daw ako sa school na to gagraduate."

Sinabi niya yan sakin ng may ngiti sa labi pero napansin kong may halong lungkot ang mga mata niya. Haaay nako, kakaiba ka talaga Samantha.

~*~*~*~*~*~

Hindi ko alam kung bakit hindi na nasundan yung pag-uusap naming yon.

Pero habang patagal nang patagal, patindi nang patindi ang pang bubully ng mga kaklase ko sa kanya. Pati mga lalaki ay pinagtitripan na din siya.

"Hahahaha Lampa pala to 'pre eh !"

"Hahahahaha ayan, tatanga-tanga kase."

"Antanga mo ! Duling ka ba ha ?! Hahahaha"

"Hoy ! Tama na nga yan !"

Sa pagkakataong 'yon, hindi ko na napigilan ang sarili ko na ipagtanggol siya.

"Sumosobra na kayo ah ! Wala na ba kayong magawang matino ?! Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ! Hindi ba kayo nagsasawa ?! HA ?!"

Tinalikuran ko yung tatlong lalaking nantrip sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

"Ayos ka lang ba ?"

Tiningnan ko ang kabuuan niya upang makita kung may natamo ba siyang kahit anong sugat mula sa pagkakadapa niya. May kaunting gasgas siya mga braso at binti pero sinabi niya namang ayos lang siya kaya naman medyo lumuwag ang loob ko.

"Answeet niyo naman 'pre."

Lumingon ako sa likod ko upang sana komprontahin ang gumawa noon sa kaniya ngunit bago pa man ako makaharap nang tuluyan ay may sumalubong na saking isang suntok. Ang pagkabigla ko sa di-inaasahang pag-atakeng iyon ay naging sanhi ng pagtumba ko sa lupa.

Agad naman akong naka-recover kaya tumayo ako at ginantihan ang lalaking sumuntok sa akin. Sumugod naman ang isa pa at sinipa ko siya sa may dibdib na siya namang dahilan rin ng pagkatumba ng isa pa niyang kasamahan dahil tumalsik siya rito.

Transferee [ON-HOLD]Where stories live. Discover now