Part 7

7 2 0
                                    

Heat.

Bass beats.

Wild beasts.

That was the party I was expecting. I thought I would be in a crowded place filled with loud noise and thundering beats from the music. People on corners kissing and hugging, all unashamed. Blinking lights that may blind you from innocence. But then, I was wrong.

Dim lights and friendly faces.

We were greeted by comfortable music and embraced by the coziness of the place.

The venue was beautifully organized. The aura is just light, warm and welcoming. And I loved to hear those feel-good music crawling through my ears.

"Heeeey. Glad you came." Jen in a body-hugging dress was just too gorgeous. To think na fifteen palang sya, must be a shame on me. Mas mukha pa syang dalaga sa akin.

She escorted us to the hall where many of the guests are there. Too many people. I think I'm being suffocated. Parang biglang gusto ko nalang umuwi.

"Okay ka lang ?" napatingin ako kay Lance. He's looking at me as if I'm a specimen in a microscope.

"Yeah. Why'd you ask ?" sagot ko sa kanya. Masyado ba kong halata ? Syempre medyo awkward 'yon para sa akin dahil hindi ako sanay nang may nakakaramdam ng iniisip ko.

Ilang sandali nya pa akong tinitigan bago umiling at umiwas ng tingin. Ako lang ba 'yon o nakita ko talaga syang ngumiti ng kaunti pagkatapos ? Ay ewan. Guni-guni ko lang siguro 'yon.

Kaka-start lang pala ng party pagkadating namin. We were escorted to our table. Lima kami don. Ako, si Lance, yung pinsan nya na hindi ko padin alam ang pangalan, a girl in a lavander dress, at yung nakaakbay sa kanya na... seriously ?

"Spade?" Sabi ko habang nakakunot ang noo. Sya ba to ? Dim nga kasi tapos sinabayan pa ng playful pastel lights.

"Sam? Anong ginagawa mo dito?" Pacool nyang sabi na may kasama pang ngisi. Pero hindi nakatakas sakin yung saglit na gulat na dumaan sa mukha nya saka yung pasimpleng pagtanggal ng kamay nya don sa balikat nung babae. Kunyari pa nag-iinat. Hay nako.

"Invited kaya ako. Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Saka..." Tumingin ako sa babaeng katabi nya. Familiar yung mukha nya.

"Oy anong akala mo sakin? Invited ako no." Mabilis nyang sagot.

Umismid ako sa kanya saka lumapit don sa girl na naka-lavander dress. She has bangs and medium-length hair.

"Hi! I'm Samantha. And you are?" Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya para makipag-shakehands. Tinanggap nya naman ito.

"Fhaye." Tipid nyang sagot habang tipid rin ang ngiting ibinibigay nya sakin.

Ngumiti ako sa kanya at pagkatapos ay bumaling naman ako kay Spade at pinanlakihan sya ng mata. Alam kong na-gets nya yon at siguro naman sasabihin nya sakin mamaya ang story behind.

I let the issue go muna kasi kakain na kami. Nakakagutom kaya. Anong oras na, o.

Sinerve na samin yung food and we ate while having small talks. Nalaman ko na ka-year lang namin si Fhaye pero sa second floor sya. Nalaman ko din na Christopher yung pangalan nung pinsan ni Lance, and they're only second cousins.

Pagkatapos kumain, nagpatuloy na yung pagdaldal nung MC sa may stage. Despedida din pala to bukod sa birthday celebration. By the next day kasi magma-migrate na yung family ni Jen sa Tokyo.

The party went well. And the guests were friendly. Tama nga ang sinabi ni Jen, hindi siya nagpapapasok ng plastic sa bahay nya.

May mga nakausap akong schoolmates namin na noon ko lang din nalaman na nag-eexist pala, isa na don Fhaye. Sorry ah. Talk about ambivert kasi.

At sa wakas, pagkatapos ng ilang oras ay napagpasyahan na ng mga kasama kong umuwi. Buti naman dahil namimiss ko na talaga ang kama ko.

Nagpaalam muna kami kay Jen and wished her a safe trip with her family then headed home. Hindi ko na nga nahagilap si Spade para sana ikwento sakin ang tungkol sa kanila ni Fhaye eh. Nakaligtaan ko na sila sa dami ng taong nakausap ko.

Isinabay ako ni Lance pag-uwi. Aba, dapat lang. Sya sumundo eh, edi sya din maghatid sakin *flips hair*. Ne, syempre joke lang. Sya nagsabing ihahatid nya ko eh. Edi go!

Habang nasa kotse niya kami, hindi ko nakayanan ang katahimikan kaya naman pinairal ko ang walanghiya kong side at binuksan ang stereo-- radyo o kung ano man yon.

♪And I, I really like it when the moon looks like a toe nail,

And I love you when you say my name,

If you wanna know here it goes,
Gonna tell you this part of me that shows
wanna let you see everything

But remember that you asked for it~🎵

Nick Jonas. Camp Rock. Haysss. Memories, o. Elementary days. Favorite to nung seatmate ko eh. Sumabay ako sa kanta, pero syempre mahina lang. Nakakahiya kaya.

🎵I'll try to do my best to impress,
But i'm busy so I'll let you take a guess on the rest,

But you wanna hear what lies in my brain,
In my heart, will you ask for it,
For your perusing, sometimes confusing, hopefully amusing, introducing me. 🎵

Nakikita ko sa peripheral vision ko na tumitingin-tingin sya sakin. I don't know. Maybe he finds me weird. May minimal actions pa kasing kasama yung pagkanta ko. Pero syempre tinigil ko na nung napansin nya. Nakaka-concious kaya, tingin sya ng tingin. Eto ba ang nangyayari pag pagod? Di ko na nga uulitin to. Nakakabaliw pala.

Nag-red na yung stoplight. Tumingin sya sakin. Tapos bumalik yung tingin nya sa kalsada. Tapos tumingin ulit sya sakin, tapos ganun ulit. May sasabihin ba sya o ano?

Tumingin nalang ako sa labas at nagmuni-muni. Maganda ang buwan ngayon. Maliwanag at bilog na bilog. Ang mga tao sa labas, kahit gabi na busy paden. Mapapansin mo ding malamig sa labas. May mga naka-jacket pa. May mga magka-holding hands den at may nag-uusap. May couples, may barkadahan, meron din naman mga mag-isa lang.
In ten years, kumusta na kaya ako non?

Natigil ang pagiisip ko nang tumikhim ang katabi ko. Sa kalsada nalang sya nakatingin kaya naman napatingin din ako doon.

20 seconds nalang bago mag-go.

Di naman siguro importante yung sasabihin nya kanina kaya di nya nalang tinuloy. O kaya itatanong nya lang kung saan yung address ko though alam nya naman na kung saan ako nakatira. Alam mo na, conversation starter lang. O kaya pwedeng sasabihin nya lang na napaka-weird ko dahil dun sa pinaggagagawa ko kanina. Oo, tama! Napag-isip-isip nya na sa wakas na bakit ba sya sumasama sa katulad kong wirdo at loner. Tapos sasabihin nya na friendship over na kami kaso di nya magawa kase naaawa sya sakin. O di kaya--

"Sam..."

He's looking at me intently. Like his eyes wanted to say something his mouth can't decipher.

"You know, I've--"

Green. Go.

Pareho kaming napatingin sa harap. Nagsisimula nang gumalaw ang mga sasakyan sa harap namin kaya umandar na rin ang samin, pero ang mga mata ko ay hindi pa rin gumagalaw, naghihintay sa mga susunod nyang sasabihin.

Alangan syang tumingin sakin, and I can see that he is a bit dumbfounded dahil sa bahagya nyang nakakunot na noo. Bumuntong hininga sya at ibinalik ang tingin sa kalsada saka nagsalita.

"Nevermind."

----------------
(c)
02.09.16

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Transferee [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon