Chapter 44

20 3 2
                                        

One week had past and I'm still fixing my problem with LA. I did so much avoidance just  to not talk to him. Kung pwede nga lang ay huwag akong pumasok para iwasan siya ay ginawa ko na kaso nga lang hindi pwede at hinding-hindi talaga pwede lalo na ngayon na ako na ang head ng engineering department ni Ninong. 

Yes, I accept his offer. Matapos makalabas ni papa sa hospital, I told  them that Ninong is giving that kind of offer and they are so happy about it. They tell me I should grab that offer for the new experience and also for the higher salary. 

I accept it but for one condition, hindi pwedeng gusto lang nila ang masusunod. Hindi ko rin naman gustong ganun kataas agad ang trabaho ko pero dahil pinilit nila ako ay kailangan nilang sundin ang kondsiyon ko. Iyon ay ang mag-stay sa bahay as much as I want. I need to watch my dad if he's being a kind patient after her surgery. I'll be the one who will check if he already drink his medicine or not. In short, I will be his nurse sa ayaw at sa gusto niya........and that's the good deal I have ever made tsk.

Ngayon nga ay nasa bahay ako, dito na ako tumira simula ng ilabas si papa sa hospital. Ayaw man nila na nandito ako dahil medyo malayo sa company ni Ninong ay wala silang nagawa. Trabaho ko kase ang nakasalalay kung sakaling ipagtabuyan nila ako. Hindi naman na sila nangialam pa.

"Papa uminom na po kayo ng gamot." tawag ko.

Nasa sala kase siya ngayon, nanonood habang ako ay nasa kusina tinitignan ang schedule niya ng pag-inom.

"Hayyy hindi man lang makapalya ng isa sayo anak, umuwi kana nga" anito, naglalakad palapit sakin.

"Ganun talaga pa. Kung gusto niyong gumaling, sumunod po kayo"

"Ayy nakakatakot ka namang nurse eh. Parang anumang oras ay kakainin mo ako kung sakaling hindi ako sumunod"

"That's how you raised me, kaya ganun din ang gagawin ko sa inyo" matapos niyang uminom ay pinalinis ko na sa kinuha kong kasambahay ang lahat ng pinaggamitan ko.

Dahil busy si mama sa business namin at ganun rin ako ay wala akong choice kundi ang kumuha ng isang kasambahay para lang may kasama si papa. Ayaw muna kase namin pagtrabahuhin si papa kaya naman nakatambay lang siya ngayon sa bahay. Isa lang naman ang kinuha kong maid, tagalinis at tagaligpit na rin ng mga gamit basta kung ano yung magpapaganda sa bahay at tagabantay na rin kay papa. Ako ang nagpapasweldo doon kaya naman todo kayod ako sa trabaho ngayon.

Sa sobra ngang daming iniwan ni Sir Dia, former head ng Eng. team ay hindi ko na masyadong napapansin ang bahay ni LA. Sobrang limit na lang ang pagpunta ko sa site, mabuti na lang madalas dumalaw si architect San Juan doon. Nasasabi niya sakin yung mga nadagdag at nagbago sa bahay.

Hanggang ngayon ay kalansay pa ring tignan ang bahay ni LA nung huli kong punta pero dahil sa pundasyon ng mga pader ay mukhang nagkalaman-laman na. May ilang bahay din akong ginagawa sa Manila but most of them are located in Tagaytay, masyado kaseng perfect ang weather doon kaya naman talagang maganda ang magpagawa ng bahay doon.

Meron ding kumukuha sakin sa Baguio pero hindi ko pa masiguro kung tatanggapin ko iyon dahil sa dami ng hawak ko, hindi pa nga ako tapos sa isa ay madadagdagan pa hayyyyy. Kailangan ko muna ng kotse!!! Yung sariling kotse sana! Ang hirap kaseng magpabalik-balik from Sta. Lucia to Tagaytay then Manila ng naka service van, hindi ko maenjoy paano ba naman hindi naman ako yung driver hys.

"Aalis na po ako papa, ingat po ah. Magpakabait po kayo" paalam ko. 

"Teka anak" lalabas na sana ako ng bahay ng marinig kong magsalita si papa. Napatigil ako sa paglalakad at nagtatanong na lumingon sa kanya.

"Malapit na ang birthday mo. Imbitahan mo lahat ng kaibigan mo hah, lalong-lalo na si Damian ang iyong manliligaw" matagal ko siyang tinignan bago nguiti at tumango. Wala na din naman akong choice kundi umoo na lang, sila naman palagi ang nasusunod sa birthday ko na dapat ay ako hayyy.

Since The BeginningWhere stories live. Discover now