Busy ako sa mga pinapagawang bahay nitong nakaraang linggo. Kasabay ng pagdaan ng araw ay ang pag-imbita rin ng parents ko sa magaganap kong party. Gusto ko sanang magbeach kasama ang mga kaibigan ko at si Damian pero mukhang hindi matutuloy iyon dahil may planong iba ang pamilya ko.
Habang busy sila ay busy rin ako sa sarili kong trabaho. Nabalitaan ko na maayos na si Sir Dia kaso nga lang kailangan niya munang magpahinga para dere-deretso na isiyang makapagtrabaho.
Hindi ko nga lang alam kung magpapatuloy pa ba ako bilang head ng engineering department kung sakaling makabalik na siya. Ok lang din naman sakin dahil kahit saglit ay naexperince ko ang trabaho niya.
Nandito ako ngayon sa Tagaytay, kakarating ko lang pero sakit sa ulo na ang dala ng may-ari ng bahay. Hindi siya makapag esisyon kung anong floor plan ang ipapagawa niya kaya naman napabuntong hininga ako ng malalim bago siya sinagot.
"Ma'am kailangan niyo na pong makapag decide, tignan niyo po ang workers natin, wala pong ginagawa. Hinihintay po naming lahat ang desisyon niyo at hindi po pwedeng maaksaya ang araw ngayon"
"Teka lang ok? Tinatawagan ko pa ang asawa ko! Bakit naman kase nagpagawa pa siya ng sariling floor plan kung pwede namang ito na lang pinagawa ko!" asik niya habang may tinatawagan sa cellphone.
Pabuntong hininga kong nilingon ang mga workers, nagsignal ako na magpahinga muna at after 5 minutes tatawagin ko sila. Nag-ikot-ikot na muna ako sa buong site para mawala ang inis ko.
Kanina pa niya tintlatawagan yung asawa niya pero hindi naman siya sinasagot. Nakakakainis lang, sayang ang oras at araw kung maghihintay kame ng maghihintay. Kailangan ko pang pumunta sa bahay ni LA pero hindi ko pwedeng iwan ito ng ganito lang.
Napakamot ako sa ulo. Kung titignan niyo kase may pundasyon na ang bahay. May semento na rin ang magiging sahig pero wala pang pader dahil nga hinihintay pa namin ang blueprint ng floor plan. Kung sana hindi na siya nagdadalawang isip edi sana nagsisimula na ang workers namin sa pagtatrabaho, and maybe after 1 or 2 weeks ay may pader na ang bahay niya tsk sayang sa oras.
Hanggang sa dumating ang lunch break ay talagang hindi pa nakakapag desisyon ang client namin. Napabuntong hininga ako, pagpapasensiya sa kanya dahil konti-konti na lang papauwiin ko na ang workers namin.
"Mawalang galang na po Ma'am. Its already lunch break pero hindi pa rin kayo nakakapag decide. Sana naman po pag balik namin ay may napili na po kayong floor plan. Magla lunch break na po muna kame, excuse me." hindi ko na siya pinagsalita pa dahil konti na lang ay baka mabungangaan ko na siya. Dumaretso ako sa workers namin at sinabihan sila na before 1 na sila bumalik sa site. Mabilis naman silang pumayag pero hindi mawawala ang mga hingain at sariling opinyon nila sa client namin.
Sabay-sabay na kameng lumabas pero ayun at naririnig ko pa rin silang magchismisan. Naroon yung mga iritable nilang salitaan na ganun rin naman ang nararamdaman ko, meron namang kumakampe don sa client namin kesyo naiintindihan daw niya ang sitwasyon ni Ma'am tsk. Sana nga ganun akong tao pero hindi! Kilala ko ang sarili ko at ayoko talagang naaaksaya ang mahahalagang oras.
Nagdrive na muna ako pauwi sa Sta. Lucia, 11:30 naman kame lumabas sa site kaya sakto lang ang oras para makapunta ako sa LAW building. Doon na ako kumain ng tanghalian habang kasabay sila Stella, heto nga at nagbubunganga rin sila sa client ko na iyon. Kahit naman sino ay kukulo ang dugo doon.
"Nako baks! Kung ako sayo, bitawan mo na yang project na yan. Sayang ang oras, buti sana kung malaki ang pinapasahod sa inyo, eh hindi naman." nangunguna na sa lahat ay si Billy, akala mong nanay ko para makapag desisyon ng ganun kabilis.
"Kung pwede nga lang sana, hayyyyy. Ienjoy na lang natin ang lunch break natin dahil first time na lang itong nangyari. Mabuti pala dito ako kumain"
