Ilang araw ang lumipas at naging awkward kame ni LA, kung dati ay puro tawanan at kwentuhan kame, ngayon ay hindi na ganon. Mas naging tututok siya sa laptop habang sinisilip-silip ang bahay. Dalawang linggo ang dumaan na ganoon ang nangyayari, susunduin niya ako sa condo ko in exact time tapos deretso na kame sa bahay niya. After that he's busy again with his laptop, nagtatampo na ako pero wala eh. Siguro nga mas importante na sa kanya ang trabaho ngayon kesa sa friendship namin na dati ay hindi kame kayang paghiwalayin nino man. Magkasama kame tuwing aalis, gagala, papasok at uuwi galing school. Hindi sasama ang isa sa fieldtrip kapag hindi kasama ang isa, at hindi papasok ang isa kung hindi rin pumasok ang isa. Ang sarap balikan nung panahong inosente pa kame, walang awkward na nagaganap kahit magkiss kame sa cheeks or sa lips. Kahit nagkargahan kame publicly walang issue nagaganap, at kahit magkasama kame palagi ay hindi kame napagkakamalang couple kase nga ang babata pa. Kaya siguro naging dependent ako sa kanya noon, yung tipong hindi ako aalis o lalabas ng bahay kapag hindi siya kasama, kulang na lang pati sa pagbanyo ko kasama ko siya hys. Siya na kase yung tumayong tatay at kuya ko nung panahong busy pa sila mama at papa sa business namin. Pinagtatanggol niya ako sa mga bully, inaalagaan ako kapag may sakit, patatawanin ako kapag malungkot. Kung sana nga ay lumabas siya sa sinapupunan ng mama ko, siguro mas masaya ako dahil may ate na ako, may kuya pa, san ka pa? Hayyy kaso hindi eh, kay Ninong siyang anak kumpare ng papa ko psshh.
Iba na ngayon, ibang-iba na sa gusto kong mangyari. Kahit gustuhin kong sakin lang ang atensyon niya, hindi yun mangyari kase inaasikaso niya yung naiwan niyang trabaho sa Amerika gamit ang laptop, tutok siya doon buong araw at maghapon kaya ako lang ang nagbabantay sa loob ng site.
Heto't nangangako na naman ako sa sarili na huwag na uling magiging dependent sa kanya, kase napakahirap, sobrang hirap. Ilang buwan ako bago napilit nila mama at papa para pumasok at mag-aral uli, hindi kase ako sanay na mag-isang pumasok lalo pa't sabay kame ni LA sa kotse nila, hatid-sundo ng driver niya. Kaya sa huli napagdesisyunan ni papa na magstay na lang sa bahay, siya na ang nagpuna sa dating ginagawa ni LA. Kaya nga masyado kameng close ni papa, at nung lumaon ay naging dadd's girl pa tsk.
"Hey A, lets go eat lunch. The food is ready" ani sakin ni LA bago tinawag ang ibang trabahador. Napabuntong hininga ako bago lumabas ng site. Ganun lang, ganun lang ang conversation namin kung hindi sa pagkain ay uwian naman.
Like lets go A, tss.Dumaretso upo na ako sa kahoy na upuan doon, as usual nagpadeliver na naman siya. Hindi naman nakakasawa ang pagkain kase sa ibat-ibang resturant or food chain siya nagpapadeliver. Kaya't palaging ganado ang trabahador namin eh hahahaha, ang sarap palang naging boss si LA hahahahaha.
"Wag po kayong mahihiya ok?" boses ni LA na kalalabas lang sa site, binuksan ko na yung pack ng paper plate bago isa-isang binigay sa kanila. Pagkatapos mamigay ay kumain na rin ako nang biglang may tumawag sakin. Sinilip ko yung cellphone ko bago nilingon si LA, nakatingin na din siya sakin tsaka tumango. Sinasabing sagutin ko yung tawag.
"Excuse me" uminom na muna ako ng tubig bago tumayo at lumayo doon. Si Damian kase yung tumatawag baka namimiss ako HAHAHAHAHAHAHA.
"Hmm?" bungad ko, narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
"Are you busy?"
"Nah, actually I'm eating lunch, why did you call?" tanong ko uli.
"Oh sorry, I'll just ask you a question"
"Hmmm" tango ko kahit hindi namn niya nakikita.
"Do you....do you" nag aalangan niyang tanong dahil sa putol-putol niyang salita tss. Nahiya pa! Eh kung makahalik nga....aist!!!!
"Do I what?" kunwaring iritable kong sambit.
"Well next month Mr. Dave will having a party, I think its a masquerade one. So........" putol niya na naman, napataas ang isang kilay ko at pilit na iniiwasang hindi siya taasan ng boses. Oo nga pala nawala na sa isip ko yung party, naging makakalimutin na ba talaga ako? O sadyang ang dami ko lang na iniisip?Napabuntong hininga ako tsaka hinintay uli siyang magsalita
