Dahan-dahang akong napalingon sa buong sala na ngayon ay parang binagyo talaga! Nilingon ko rin ang sarili ko sa reflection ng tv at nanlaki na ng tuluyan ang mata ko sa nakita. MYGHAD!! P-Para akong ginahasa!!!!!
Ang gulo ng buhok ko, laglag ang isang strap ng sando ko habang tupi-tupi ang shorts ko at gusot-gusot pa ito. Mukhang alam ko na ang nasa utak ni LA ngayon, nalintikan na.
Agad kong tinignan si LA na ngayon ay nakakunot-noong nakatitig sakin with full of confusion in his face. Inayos ko na rin ang sarili ko sa mabilis na paraan dahil parang kakainin ako ng buhay ng lalaking kaharap ko ngayon. Hindi na ako magtataka kung tama ang hinala ko sa kanya.
"D-did you.....MOLESTED HER AGAIN IAN?!?!" napapikit na lang ako ng mariin sabay iling. Hayyyy sabi na tama ako eh.
"What?! Hell no!" pagtanggi ni Damian na ngayon ay sinarado na ang pinto ng condo ko.
"NO YOUR FACE IAN!!" at doon na nga nangyari ang inaasahan ko ng mangyayari. Tsk, kahit kelan napaka OA ng utak ni LA.
Itinulak lang naman ni LA ang kaibigan niya sa pader, handa na sana niyang suntukin sa mukha si Damian ng higitin ko siya palayo sa kanya. Tss
"Mali ang nasa isip mo ok?! I did not do anything to her!" balik ni Damian sa nangungumbinsing tono, nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni LA habang nilalayo ko siya sa kaibigan niya. Sa ka OAyan niya ay kinurot ko siya sa braso, narinig ko siyang dumaing pero hinayaan ko lang, kapag kase hindi ko agad ito nailayo ay panigurado gulo to tsk.
"Tumigil kana LA, walang nangyari kakaiba promise" mahinahon kong sambit. Nilingon niya lang ako pero mabilis ding nilipat kay Damian ang masama niyang tingin, nabigla ako sa marahas niyang pagtanggal ng kamay ko sa kanya pero hinayaan ko na lang uli. Iiling-iling kong nilingon si Damian na may nagtataka na ring tingin.
"Hindi ako naniniwala AA, sa gulo ng gamit dito, asang walang nangyari" kunot-noo kong nilingon si LA.
Kung kanina ay mahinahon pa ako, ngayon ay masama na rin ang tingin ko sa sinabi niya. Ganun ba ako ka-easy to get para may mangyari agad samin ni Damian? Hah!!
Nakaramdam tuloy ako ng inis, hindi ko alam na ganun agad ang iniisip niya. Nagkilitian lang naman kame tsk.
"Sa tingin mo magpapagalaw ako ng ganun na lang Lance Adriene? Pwes kung wala kang tiwala sakin, umuwi kana lang" sa inis ay napagtaasan ko siya ng boses, nagugulat niya akong nilingon pero tinarayan ko lang siya bago nilipat ang tingin kay Damian na malapit sa pinto, lumapit ako sa kanya para kausapin na umuwi na.
"You should go now Damian, thank you sa FOOD AT SA PANONOOD NG MOVIE kasama ko" pagdidiin ko sa mga ginawa namin kanina, narinig ko ang matunog na singkal nung isa sa likod. Tss
"Always welcome Aerah, next time uli" nginitian ko lang naman siya bago ko binuksan ang pinto. Nakita ko pa ang pagsilip ni Damian sa likod ko pero mabilis ding tumingin sakin at ngumiti, siguro dahil sa masamang tingin ni LA.
"Sige na, ingat ka hah. Sa SUSUNOD HUWAG MO NA AKONG KIKILITIIN DAHIL MAY ISANG TAO DYAN NA IBA ANG INIISIP" sarkastiko kong sambit habang nakangiti ng maganda kay Damian, ganun na lang ang ngisi niya matapos kong sabihin iyon.
Nilapit niya ang mukha sakin at nakipag beso sa huli. Bago pa man niya ilayo ang mukha niya ay narinig ko siyang magsalita uli.
"Ok take care too, I love you" ganun na lang tuloy ang lalong paglaki ng ngiti ko matapos niyang ilayo ang mukha sakin. Iginaya ko na siya palabas na mabilis naman niyang sinunod, pagkalabas sa pinto ay nabigla ako sa pagharap niya muli sakin.
"Bakit??" taka kong tanong ngunit nginitian niya lang ako sabay lapit uli ng mukha sakin, nanlalaki ang mata kong tinignan siya.
"Next time we'll date ok?" nakanhiti niyang sambit, nakhinga naman ako ng maluwag doon kala ko kase kung ano na eh hehehe. Nawala ang panlalaki ng mata ko at mabilis siyang tinanguan habang nakangiti na rin, pagbibigyan na dahil date lang naman.
