Pagkatapos ng konting kwentuhan at pagbabalik tanaw noon ay umalis na rin kame ni LA. Isinantabi ko muna yung nirequest sakin nila mama na pagiging endorser at itinuon ko na lang atensyon ko sa pagpunta namin ni LA sa plaza. Kaso hindi ko inaasahan ang paghatid samin ni MJ. Like? Dadaan pa kameng plaza eh!!!
"Ihatid ko na kayo LA, its already midnight para magcommute pa kayo" suhestyon ni MJ na talaga namang hawak na ang car key niya. Hindi naman siguro siya excited.
Nilingon ko si LA na may nagsasabing 'WAG KANG PAPAYAG LOOK' pero ayun at inalis niya lang ang tingin sakin.
"Sige pero dadaan muna kame ni AA sa plaza eh, ayos lang ba sayo?" wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga. Akala ko pa naman hindi niya sasabihin ang pagpunta namin doon psh.
"Oh bakit? Wala pa namang booths doon dahil hindi pa ber months, anong gagawin niyo doon?" nagtatakang tanong ni papa. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Namiss lang po naming pumunta doon tito, atsaka sasaglit lang po kame dun ni AA" pinabayaan ko nga siyang mag-explain. Kung hindi na lang kase niya sinabi edi sana hindi na siya nagpapaliwanag ngayon.
"Ganun ba? Oh siya sige, panatag naman ang loob ko dahil kasama kayong dalawa ni MJ. Lakad na't umalis na kayo para makauwi na rin kayo agad" sa huli ay kasama si MJ, wala akong nagawa. Hayyyyy nako na talaga.
Nandito na kame ngayon sa Genesis G80 na kotse ni MJ kung saan nasa passenger seat si LA habang ako ay nasa back seat. Hindi ko maiwasang humanga sa sinasakyan namin ngayon, halatang naaabot na talaga niya ang mga pangarap niya kahit wala na ako. Napangiti ako ng mapait kahit na masaya ang nararamdaman ko ngayon.
Deserve niya lahat ng ito, yung fame, wealth and love, nasa tabi niya man ako o wala. Siya ang naghirap maabot ang pangarap niya kaya wag niyang idadahilan sakin na ako ang dahilan ng tagumpay niya.
Hindi na ako nagulat ng pagbuksan ako kanina ng pinto ni MJ dahil ganun naman na talaga siya noon pa, kaya nga humantong sa ibang meaning at nalagyan ko pa ng malisya tsk. Well gentleman din naman sakin si LA kaso ewan ko, hindi ako kinikilig sa mga kilos niya. Kay MJ kase nakaramdam ako ng kilih at spark hahahaha talandot!
Maya-maya lang din ay nakarating na kame sa plaza. Nagpark lang saglit si MJ and bwala, nakapila na kame ngayon sa pinakamalapit na bilihan ng barbeque heheheh. Nagcrave kase ako sa isaw, kaya nga konti lang ang kinain kong dinner eh. Para makakain ako ng maraming street foods dito hehehe.
"What do you want??" tanong ni MJ habang may suot ng mask, si LA ay suot pa rin ang sumbrelo niya. Mga feelings famous tsk.
Well nakapila kase si MJ habang medyo malayo kame sa kanya.
"Limang isaw!" sigaw ko.
"Dugo at tenga ng baboy, tig dalawa!" sagot ni LA.
Matapos niyang marinig ang sagot namin ay mabilis na siyang umorder. Sa totoo lang ayokong mapalapit kay MJ ng sobra, hindi ko kase alam ang mangyayari kung sakaling magsama kameng dalawa. Baka kulitin niya uli ako tungkol sa past namin o sadyang ng nag-aassume lang ako ngayon hehehe.
Pagkatapos naming kainin yung inihaw ay dumaretso kame sa kwek-kwekan! Wiiiiieeeee my favorite of all, parang ngayon na lang uli ako makakakain nito hihihih.
"Ano sayo A?" tanong ni LA habang may hawak na plastic cups, naalala ko dati kailangan mo lang siyang ituhog sa stick pero ngayon may pabaso na sila.
"Kumuha na lang pala kayo, ako na magbabayad" dahil sa sinabi ni LA ay nagmamadali akong kumuha ng baso, ganun rin naman ang ginawa ni MJ. Kaya sa huli ay nag-agawan kameng tatlo sa kwek-kwek.
