Chapter 2

85 13 21
                                        

Ang aga kong nagising, past 8 AM. Tinignan ko muna mukha ko sa salamin, na mukhang kinagat ng ipis ang mata ko ngayon, magang maga siya na huhuhuhu. Pano ako neto mamaya, may meeting pa naman ako!!

Humiga na lang muna uli ako dahil mamayang lunch pa naman ang meet up namin. Naalala ko tuloy yung kahapon.

~Flashback~

"AA?" tanong sakin nung nabangga ko.

Anu daw AA? Close ba kame para tawagin niya akong AA? Sa curiousity ko ay napatingala ako para makita yung tumawag sakin pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"M-MJ?"

N-nakabalik na p-pala siya? Shettttttttt bat ganto tibok ng puso ko, di pwede to!!

"Oy h-hi kamusta kana?" tanong niya napatungo uli ako, ramdam kong namumuuo na ang luha ko sa mga mata pero pinigilan ko iyong tumulo, ayoko sa lahat yung nakikita akong umiiyak.

"O-ok lang ako, s-sige alis nako" maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang braso ko at hinila ako payakap. At yun na nga ang rason kung bakit tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Hindi talaga pwede to!

"Sorry" yan lang narinig ko habang nakayakap pa rin siya sakin, at mas lalong humigpit ng marinig niya akong humikbi.

*sniff*

"Sorry talaga AA, hindi ko sinasadyang iwan ka" natigil ako sa pag singhot sa sinabi niya.

"W-wag dito please"

Alam naman na niya ang gagawin kapag ganun ang sinabi ko, ayoko kase sa public places pag ganitong bagay maraming makiki usyoso, lalo na ngayon na idol na siya.

Siya.....siya ang tinutukoy kong boyfriend ko na ex na ngayon. Why did we broke up? Because he chose his career over me, yeah you red it right. Hindi kame totaling break pero para sakin break na kame, ni wala nga kameng closure.

Myles Joon Suk ang pagkakakilala ko sa kanya kaya naging MJ, pero simula ng pumasok siya bilang idol naging Joon Suk na lang. Pero aaminin kong supportive ako pagdating sa pangarap niya, pero yung ipagpalit ako sa career ang hindi ko kaya.

He left me and go straight to Korea but before that he promised me na babalikan niya ako and maghintay daw ako. Half Korean and half Filipino siya, daddy niya ang Korean and mommy niya ang Filipina.

Naging trainee siya ng isang company para makabilang sa boy group na binubuo nila. Maraming bawal lalo na ang relationship thing, naiintindihan ko naman na bawal lahat.

Pero nung pumunta akong Korea, nagkita kame sa isang fansign nila....syempre kumuha akong ticket, supportive gf nga eh. Ang masakit dun, tinrato niya ako bilang fan and wala siyang pakialam kung itulak tulak man ako ng guards nila.

It kills me lalo na nung narumored siya sa isang actress at naglabas ng public speak ang company nila na totoo daw yun. Fuckshit doon na nagunaw ang mundo ko ng sobra at napag isipang kaylangan ko na mag move on.

Ang sakit lang hanggang ngayon, hindi lang yun ang unang beses kong nag effort para sa kanya. Kada may concert sila pumupunta ako, pero halata sa kanya na nakalimutan na niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang mag move on.

Tumigil siya sa paglalakad, napansin ko ang mga punong naka paligid samin...kame lang ang tao. Tinignan ko siya, malayo ang agwat namin sa isat-isa habang nakatayo kame sa gitna nitong lugar nato.

"Spill it up" ani ko. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"AA sorry, sorry for what I've done to you, I really don't mean it. Sinabi lang sakin ng manager ko yun, na kapag di kita iniwasan aalisin nila ako sa group, sorry talaga I still love you I swear can you forgive me?" pagmamakaawa niya, napangisi ako.....Tignan niyo yung idol niyo umiiyak at nagmamakaawa sakin. HA! SORRY? Ganun na lang ba yun?

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon