Chapter 24

188 12 0
                                    

^√^√^√^}}{{^√^√^√^

Sa sobrang pagaalala ni Esmeralda ay hindi na siya nakatiis pa, agad niyang hinablot ang bag niyang nakalapag sa office table niya saka mabilis na lumabas sa opisina, ni hindi na niya nagawang magpaalam sa sekretarya, agad siyang pumasok sa elevator ng bumukas ito,. Pagdating sa lobby ay hindi na niya tinawagan ang driver niya, dumiretso na siya sa parking area, buti nalang at nandoon ang kotse niya, patawid na sana siya sa lane ng parking space niya ngunit napahinto siya ng may humarurot na itim na van kaya napaatras agad siya ngunit ganoon nalang ang pagigtad niya ng sa mismong harapan niya ito huminto, lumabas mula sa itim na van ang tatlong kalalakihan, huli na para makatakbo pa si Esmeralda dahil sa pag kagimbal ay hindi na siya nakagalaw pa, agad siyang hinawakan ng mga ito at sapilitang ipinasok sa loob ng van, magkatulong ang tatlo upang talian ang nga kamay niya saka siya piniringan

" Sino kayo? Anung kailangan niyo sakin? " Lakas loob na tanong ni Esmeralda ngunit tawa lamang ng mga kalalakihan ang naririnig niya.

Samantalang ganadong humarap sa mga papeles si Rain, buong maghapon siyang nakangiti habang pumipirma, kahit walang natatanggap na mensahe mula sa asawa, baka busy lamang kasi ito kaya hindi na nagawang humawak pa ng telepono, nakagawian na kasi nilang mag-asawa na kahit abala kahit papaano ay nagkakausap padin sila, ngunit ng bandang alas tres ng hapon ng makabalik siya galing sa palikuran ay nakita niya sa cellphone niya ang mahigit apat napung missed calls galing sa asawa, ganoon ba siya katagal na nagbanyo? Tanong niya sa sarili, sinubukan niya itong tawagan ngunit wala namang sumasagot, nagpadala na lamang siya ng mensahe sa asawa. Alas singko ay pababa na siya sa lobby ng firm, muli niyang sinubukang tawagan ang asawa ngunit sa ngayon ay sinagot na din nito ang tawag niya, otomatikong napangiti si Rain

" Hello love, I'm on my way " Masayang bungad niya

" Hello? Ma'am Rain? Kayo poba ito? " Napakunot noo si Rain dahil hindi boses ng asawa niya ang nabungaran

" Who's this? " Tanong ni Rain sa kausap

" Naku ma'am ako po ito si Teddy, iyong janitor ho dito sa ground floor, nakita ko ho kasi itong cellphone na ito sa parking nalaglag ho siguro ng may-ari sakto naman hong tumawag kayo ay litrato niyo ho ang lumabas kaya sinagot ko na ho " Paliwanag ni Mang Teddy, nagtaka si Rain, dahil never as in never hahayaan ng asawa na mawalan ito ng gamit, masyado itong masinop

" Where's my wife? " Agad na tanong ni Rain,

" Kanina papo bumaba si Ma'am Ems, mukhang nagmamadali ho eh hindi na po bumalik, eto nga po ngayon nakita ko ho itong cellphone sa parking tapat po ng kotse ni Ma'am  " Paliwanag ni Mang Teddy, hindi naman mapakali si Rain, masama kasi ang kutob niya, wala naman sanang masamang nangyari sa asawa niya, piping dasal nito, mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pina harurot ito paalis, pagdating niya sa MGC hindi na siya bumati pa sa mga naroon, agad siyang umakyat sa top floor kung nasan ang opisina ng asawa,

" Where's my wife? " Agad na tanong ni Rain sa sekretarya ni Esmeralda, napatingin naman sa kanya ang huli agad itong tumayo ng tuwid pagkakita sa kanya

" Sir kanina papo umalis si ma'am. " Agad na sagot ng sekretarya,

" Didn't she mention anything? " Tanong muli ni Rain, umiling ang sekretarya

" May nangyari po kasi kanina, may nag send po kasi kay ma'am ng threat kanina. " Saad ng sekretarya, kumunot ang noo ni Rain, hindi na siya nakapag paalam pa pumasok nalang siya sa opisina ng asawa at nilibot doon ang paningin, kita niya ang nakabukas pang desktop nito, nilapitan niya iyon at naiwan pang naka bukas ang isang mensaheng galing sa may address na kakaiba, binundol ng kaba ang dibdib ni Rain, agad siyang lumabas sa opisina at bumaba kung nasan ang security department, hindi na siya kumatok sa pinto ng cctv room.


Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Where stories live. Discover now