KABANATA 5

268 13 0
                                    

" Love? " Nanginginig ang labi niya ng sambitin niya iyon, lalong kumunot ang noo nito, wala ng sinayang na pagkakataon si Esmeralda, agad niyang niyakap ang asawang kaytagal nawalay sa kanya

" You're back! You are home! I miss you, imissyou so much! " Mangiyak-ngiyak niyang turan, ramdam niyang nanigas ito sa pagkakaupo bagay na ipinagtaka ni Esmeralda, hinawakan ng magkabila niyang kamay ang pisngi nito at tinitigan sa mata, siya nga ito hindi siya maaaring magkamali!

" We're have you been! Oh god thankyou! " Pagkuway sabi niya, ni hindi malaman kung tanong ba iyon o salita lang, bahagya siya nitong tinulak

" Wait Miss teka, baka nagkakamali ho kayo " Mahinang sabi nito sa kanya, umawang ang labi ni Esmeralda, hindi siya nito kilala? Anung nangyare?

" Hindi mo ako kilala? Ako ito si Esmeralda, ako ang asawa mo, Rain, love please ako ito " Nanghihinang sabi niya, lalo lamang kumunot ang noo ng kausap niya

" Sam po ang pangalan ko, hindi po Rain pasensiya na po pero hindi kopo kayo kilala " Iyon lang ang sinabi nito saka nagmamadaling umalis, naiwang tulala si Esmeralda sa kusina, ng mahimasmasan ay agad niya itong sinundan ngunit hindi na niya ito nakita, napasapo siya sa mukha at napaiyak nalang, hindi siya kilala ng asawa niya pero sigurado siyang si Rain iyon! Asawa niya iyon! Nanlulumo siyang umupo sa sofa, hindi na niya namalayang doon na siya iginupo ng antok.

Ingay sa kusina ang gumising kay Esmeralda ,nang bumangon siya mula sa sofa ay may kumot na siya bagay na ipinagtaka niya, naaalala niyang wala siyang kumot ng maupo siya doon kagabi, pumunta siya ng kusina at doon ay nadatnan niya si Matet na nagluluto ng almusal, nang makita siya nito ay nginitian siya,

" Good morning ma'am " bati ni Matet, tumango lang siya, saka dumaretcho sa marmol na lamesang kinalalagyan ng coffee maker, ng makapagtimpla ay umupo siya sa lamesa,

" Mmmhhhj may tao dito kagabi, s---sino iyon? Ngayon ko lang siya nakita? " Tanong niya, lumingon si Matet sa kanya

" Baka po si Anna iyon o kaya iyong asawa niya, iyon po yung pinsan ko at asawa nito " Anna? Parang pamilyar sa kanya ang pangalang iyon, at asawa? May iba ng asawa ang asawa niya? Natitiyak niyang iyon nga ang tinutukoy ni Matet dahil iyon lang naman ang bagong mukha, hindi dahil asawa niya iyon!

" Asawa? Paano naging asawa ng pinsan mo? " Tanong niya ulit

" Aammm hindi kopo alam ma'am sabi lang ni Anna asawa daw niya iyong kasama " Sagot nito, tumango si Esmeralda, agad niyang binitbit ang kape niya at umakyat papuntang mini office nila ng asawa, ginamit na niya ang elevator.

Pagdating doon ay agad niyang dinaial ang numero ni Sky, ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag niya, ni hindi na niya ito hinayaang magsalita

" I found her! Buhay si Rain, buhay ang asawa ko please come over, I----i need you " Mahinang sabi niya dito

" You what? " Nabibiglang tanong ulit ni Sky sa kanya, pagkaraan nun ay pinatay na nito ang tawag, ilang saglit lang siyang nag-antay wala pang trenta minuto ay dumating na agad ang apat, agad tumakbo si Sky palapit sa kanya

" Where? " Tumingin siya dito habang may nagbabadyang luha sa mata niya,

" Hindi niya ako kilala! Hindi ako kilala ng asawa ko " Mahina niyang sabi, seryoso lang na nakikinig ang tatlo,

" Where is she? " Mahinahing tanong ulit ni Sky sa kanya

" Nandito lang, asawa siya ngayon ng pinsan ng isa sa mga bagong katulong namin, may asawa na siyang iba! May mahal na siyang iba " Hindi na napigilan pa ni Esmeralda ang mapaiyak

" Sshhhhh we'll tell her " Sabi Sky sa kanya, umiling siya, hindi pwede hindi ganun kadali iyon

" No, May asawa na siya ngayon at baka makasama lang iyon, and I have this feeling na kilala ko ang asawa niya ngayon " Sabi niya dito,

" So what are we going to do then? " Tanong ni Renz

" Let's pretend we didn't know her yet " Sagot niya sa mga ito, kailangan niya, nilang mag-ingat,

" But first we need to eat, I'm starving " Singit ni Mike, wala sa loob na napatawa sila, tinapik ni Sky ang likod niya

" You can do it, be strong " Mahinang sabi nito, tumango siya,

Nag-aalmusal sila sa dining ng may pumasok na dalawang tao, nanlaki ang mata ng isa roon ng makita siya, kunwari'y kumunot ang noo ni Esmeralda at kunwaring kinikilala ang bagong dating

" You look Familiar " Pagkuway sabi niya dito, umayos ito ng tayo at ngumiti sa kanya

" Yeah! Gold? Anna iyong sa Quezon " Sagot nito kunwaring masaya niyang naalala ang araw na iyon

" Ohh small world! Ikaw ang pinsan ni Matet? " Kunwaring tanong niya, tumango ito, tumingin si Esmeralda sa katabi nito, pinigilan niyang magpakita ng kahit konting emosyon ng tignan niya si Rain

" Ohh si Sam pala, Sam si Gold nagkita kami noon sa talyer, '' plastik na pagpapakilala niya sa dalawa.

" Magandang araw po " Bati ni Rain sa kanya ngumiti lang siya

" Ohhh naalala ko sorry pala kagabi, medyo nakainom kasi kaya napagkamalan kita, napagkamalan ko kasing kakilala ko ang Asawa mo Anna sorry talaga " Sabi niya dito, kumunot ang noo ni Rain sa kanya

" Aahhh w--wala iyon, may ipapagawa ba kayo Aling Martha? " Sagot ni Anna sa kanya saka bumaling sa matandang cook niya, pansin ni Esmeralda ang pagbabago ng mood nito and she just confirmed what she's been thinking all along! Alam nga nito kung sino si Rain! Bumalik sa pagkain si Esmeralda

" May kabaro pala kami dito! Deym, I'm Renz bro " Masiglang pagpapakilala ni Renz kay Rain, nahihiyang inabot naman ng hindi makakilalang si Rain ang kamay ni Renz

" Sam pre " Sagot nito kay Renz sumunod na nagpakilala "kuno" Ang tatlo, si Sky ay busy sa pakikipag-usap sa kanya, siniko ni Renz ang balikat ni Sky, napatingin ang huli dito

" Manners dude! " Mahinang bulong nito, tumingin si Sky kay Rain

" Sky " Maikling sabi nito

" Pasensya na Sam kulang kasi sa buwan iyan kaya masungit " Natatawang sabi ni Renz kay Rain,napakamot nalang si Rain sa batok.

" Aammmmmm Ma'am Gold este Mrs. Esmeralda, mauuna napo kami at madami papo kaming gagawin " Paalam ni Anna sa kanya, saglit siyang tumingin dito saka nakangiting tumango, hinawakan ni Sky ang kamay niyang nasa lamesa saka marahan iyong pinisil, napabuntong hininga si Esmeralda.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

10/11/22

EDITED

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Where stories live. Discover now