KABANATA 3

344 13 0
                                    


Tinatangay ng hangin ang buhok ni Esmeralda habang nakaupo siya sa isang upuan malapit sa dalampasigan, nagpasya siyang magbakasyon muna sa batanggas, gusto niya munang mapag-isa sa ngayon, nalulungkot siya sa nangyare sa asawa, inaalala niya ang bawat masaya nilang ala-ala ng asawang namayapa, nakatingin siya sa alon ng dagat at nagdadasal na sana ay nasa mabuti ang lagay ng asawa sang dako man ito naroroon, bumuntong hininga si Esmeralda bago tumayo sa pagkakasalampak sa upuang semento saka dumaretcho sa cottage na nirentahan, malapit lang mismo iyon sa dalampasigan kung saan siya kanina namahinga, mga ilang dipa lang ang pagitan noon at ng dalampasigan, nagpalit siya ng isang kulay dilaw na summer dress at nagsuot ng sumbrero, nagpalakad-lakad siya sa buong resort hanggang sa hindi niya namalayang nakalabas na pala siya doon, sa tapat ng resort ay may maliit na pamilihang bayan, medyo madami ang tao roon, madami ding mga souvenir items ang naka display sa mga stall na naroon, agad nanubig ang kanyang mata ng maalalang magkasama sila ng asawa noong minsan siyang nagawi sa mga tindahan ng souvenir sa palawan, miss na miss na niya ang asawa, mabigat ang loob na nilampasan niya ang mga shop na nakita at tumuloy sa paglalakad, hindi na niya alintana ang taong pasalubong sa kanya kaya't nagkabanggaan sila ngunit dahil sa nanlalabong mata ni Esmeralda dulot ng nagbabadyang luha ay hindi niya na maayos na maaninag ang itsura ng nakabanggaan niya, basta malaki itong tao, agad siya ditong humingi ng paumanhin at walang lingon na siyang dumaretcho sa paglalakad

" Sam!!!?? Halika na babalik na tayo ng Quezon! Naghihintay na si lolo sa truck " Narinig pa iyon ni Esmeralda, hindi na niya iyon pinansin ngunit napatigil siya ng may marinig na sumigaw pabalik ngunit alam niya! Kilalang kilala niya ang boses na iyon

" Ou nariyan na! " Sigaw noon, lumingon siya sa pinanggalingan ng boses na narinig, luminga pa siya sa paligid ngunit wala siyang nakita, hindi niya ito nakita! Nagkamali lang ba siya ng dinig? Pero bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses na iyon! Ang boses ng minamahal niyang asawa! Baka nga! Baka nahihibang na siya napatawa siya ng mapakla at tumingin sa maliwanag na kalangitan

" How am I supposed to live without you " Bulong niya, bago ulit nagsimulang maglakad,

Tambak ang email na natanggap niya ng buksan ni Esmeralda ang laptop na dala niya, sa dami nun ay alam niyang kailangan na kailangan na siya sa opisina, bumuntong hininga siya, bakit paba niya kailangang asikasuhin iyon! Mas nanaisin pa niyang mamulubi muli kung sa paraang iyon lamang sakaling bumalik ang asawa niya! Hindi niya kailangan ang kayaman! Hindi niya iyon kailangan kung wala naman sa piling niya ang asawa! Napasapo siya sa ulo dahil biglang kumirot iyon, maya maya pa ay nakareceive siya ng isang text message galing kay Minerva ang kanyang sekretarya

(Minerva's Message)
" I know you've needing this break but I hate to tell you, the company needs you right now Gold, I know you're still mourning to your husband's death but we need you, hundreds of your employees needs you, please comeback to us,be strong Gold, be strong. "

Basa niya sa message ng sekretarya, bumuntong hininga siya, inayos niya ang mga gamit niya at deretchong nag checkout sa resort, bumyahe siya pabalik ng manila ng oras ding iyon, dumaretcho siya sa kumpanya at hindi na muna umuwe, ayon nga pagpasok palang niya sa opisina ay tambak na papeles ang bumungad sa kanya, nagulat pa si Minerva ng abutan siyang nasa loob na ng opisina niya, tipid niya lang itong nginitian, tama ito! Hindi dapat siya magmukmok, kailangan siya ng kumpanya at ng daang daang empleyado ng MSGC, sinubsob niya ang ulo sa mga paperworks na nasa lamesa niya, Unti-unti nakalimutan niya panandalian ang kalungkutan sa buhay niya.

Alas dyes na nakauwe si Esmeralda sa bahay, pagpasok sa kwarto ay muli nanamang bumalik ang lungkot sa buhay niya, nawala ang pagod ngunit ang pangungulila sa asawang namayapa ang siyang naghari sa puso niya, malungkot siyang napatingin sa paligid, sa bawat sulok niyon ay nakikita niya ang asawa habang nakangiti, hibang na siya! Marahil ay nahihibang siya kaya't kung anu anu ang nakikita at naririnig niya, nagpasya siyang doon nalang sa mini office nila siya maglagi, papagurin nalang muna niya ulit ang isip sa mga papeles na nagaantay na mareview at mapirmahan niya, doon na lamang siya hanggang dalawin siya ng antok,

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Where stories live. Discover now