Chapter 26

442 18 4
                                    

***∆®∆***

Nagising si Esmeralda sa malakas na kalabog ng pintuan, nabungaran niya ang isa sa mga tauhan ng taong dumukot sa kanya, may dala itong tray na may lamang isang plato at isang baso ng tubig, nilapag nito iyon sa harap niya.


" Miss kumain kana, 5 mins babalik ako, bilisan mo " Bilin nito habang kinakalagan ang tali sa kamay niya, pagkatapos mabilis din itong lumabas sa pinto, kailangan niya ng lakas kaya't hindi na siya nag paligoy-ligoy pa, agad niyang kinain ang pagkaing hinatid sa kanya, ni hindi na niya naisip kung may lason ba iyon o anu basta ang gusto niya madagdagan ang lakas niya, isang piraso ng inihaw na manok ang ulam na may kasamang mansanas at isang tasa ng kanin, ayos na yun upang maibsan ang gutom at madagdagan ang kanyang lakas, hindi pa man niya nauubos ang pagkain ay muli ng bumukas ang pinto, iniluwa noon ang lalakeng nagdala ng pagkain sa kanya, agad nitong inagaw ang tray kay Esmeralda, agad namang hinablot ni Esmeralda ang baso na may lamang tubig at mabilis na ininom lahat iyon, nakatitig lang ang lalake sa kanya habang inuubos niya ang tubig, ng maibaba niya ang baso ay siya namang paglapag ng tray sa sahig, nilapitan agad siya ng lalake at pilit na tinatalian muli ang kamay niya, ngunit umigkas ang binti ni Esmeralda dahilan ng pamimilipit ng lalake, deretso kasi sa kayamanan nito ang paa niya, wala na siyang sinayang pa na sandali, agad siyang tumayo at akmang tatakbo ng akapin ng lalake ang binti niya upang hindi makatakbo, napahinto si Esmeralda sa akmang pagtakbo, iwinasiwas niya ang binti at muling sinipa ang lalake saka mabilis na tinungo ang pinto, walang tao sa labas ng naturang silid madilim ang buong gusaling pinagdalhan sa kanya, nakakasulasok ang amoy ng lumang kahoy at semento sa paligid, sobrang lamig ng temperatura, nagkalat ang punit punit na papel at tumbang upuan, sa lawak ng palapag na kinarorooan niya sa abandonadong gusali ay hindi niya malaman kung saan ba pupunta, tumigil siya sa pagtakbo, nagiingat na makagawa ng anumang ingay na makakapag bigay ng senyales sa ibang naroon na nakatakas siya, tinahak niya ang dulo ng pasilyo sa bandang kaliwa, may dalawang magkatapat na hagdan, hindi niya alam kung anu ang tatahakin niya, sinilip niya ang ibaba ng hagdan sa kaliwa, semento ang hangganan noon, hindi niya lang tiyak kung saang parte na iyon ng gusali, ang gusto niya sa mismong pintuan palabas siya mapatapat, nagsimula siyang humakbang pababa ng hagdan na una niyang sinilip, dahan-dahan lang ang mga hakbang niya, tinatantya ang paligid, palihim siyang nag palinga-linga sa paligid at tanaw sa pinaka ibabang palapag ng gusali, may naaninaw siyang anino sa susunod na bababaan, kaya mas lalo siyang nagingat, huminto siya saglit at maingat na nagmasid



" Anu bang gagawin ni boss dun sa babae? Sana ibigay nalang niya satin pre! Mukha pa namang masarap " Dinig niyang sabi ng isang lalake

" Kabilin-bilinan ni boss na huwag daw gagalawin ang babaeng iyon pre, baka iyan pa ang ikapahamak mo ang pagiging manyak mo " Muli niyang narinig ang pamilyar na boses ng driver ng van na tumangay sa kanya


" Sana lang naman pre! Tara nga't magbantay na tayo sa baba, baka biglang dumating si boss alam mo naman yun,.. " Huling sabi ng naunang boses bago yapak nalang paalis ang narinig ni Esmeralda, tinuloy niya ang pagbaba sa hagdan, ingat na ingat yung tipong buhat niya ang sariling timbang, sa wakas narating niya ang unang palapag,
Agad siyang nagtago sa isang madilim na parte, mukha iyong maliit na opisina, siniksik niya sa pinaka madilim na parte ng silid ang katawan niya, narinig niya ang nagmamadali at sunod-sunod na yapak, sigurado siyang alam na ng lahat na nawawala siya



" Marson! Leo! Victor! Manuel! Yung babae nawawala! " Dinig niyang sigaw mula sa ikalawang palapag, mas lalo pa niyang siniksik ang sarili sa silid na iyon, mas lumakas ang mga yabag, nasa malapit na ang mga hoodlum, tinakpan ni Esmeralda ang kanyang bibig nagaalala na baka marinig ng mga kalalakihan maski ang paghinga niya.



" Anu! Paano nangyari iyon?! " Galit na tinig iyon ng lalakeng driver ng van!


" Pinapakain ni Carlo kanina hindi ko alam kung ano ang nangyari, nagsisisigaw nalang iyong isa, nang datnan ko ay namimilipit sa sakit, binasag pa ata ng babaeng iyong ang kinabukas ni loko  hala sige, palibutan ang buong lugar, nandyan lang ang babaeng iyon hindi iyon makakalabas basta basta! " Sigaw ng isa pang boses


" Ano ang nangyayari dito? " Boses iyon ng traydor, tumahimik ang paligid

" Boss yung babae ho, nakatakas " Sumbong ng isa sa mga kalalakihan


" Anak ng putsa naman Leo! Paano nangyare iyon? " Tanong ng traydor

" Boss pinapakain lang kanina ni Carlo tapos maya-maya ng pasukin ko ang kwarto wala na doon yung babae at namimilipit naman si Carlo, pero huwag kang mag-alala boss, siguradong nandito lang iyon " Biglang tumahimik ang paligid, mga mahihinang yabag nalang ang naririnig ni Esmeralda, nagpagpasyahan niyang lumabas na muli at simulang hanapin ang pinto ng mas may ingat, sisilip palang siya sa labas ng magulantang siya sa traydor na nakaharap pa mismo sa kanya, ngumisi pa ito bago siya sinabunutan upang ilabas sa silid na pinagtaguan niya,



" Anung akala mo matatakasan mo ako? Hindi! Magbabayad ka! Kayo ng asawa mo! Huwag kang mag-alala magkakasama na din kayo! " Gigil sa sambit ng traydor saka siya kinaladkad paakyat muli, pagdating sa pangalawang palapag padabog siyang hinagis ng traydor sa isa sa mga tauhan nito,


" Siguraduhin ninyong hindi makakaalis yan! " Huling sigaw nito bago  naunang umakyat..




***

Samantalang nanlulumo naman ang pakiramdam ni Rain, hindi niya sukat akalaing magagawa sa kanya iyon ng kaibigan, ng tinuring niyang kapatid, tulala pa din siyang nakatitig sa mga larawan na nakadikit sa dingding ng sala ni Anna, hindi siya makapaniwala, nilapitan siya ni Sky at inakbayan,


" I knew this would be the hardest thing you ever experience, but on behalf of my brother, I am sorry, Im truly sorry, he was a good man, has a kind heart, he will always choose the right path, he is just my half brother but he love me more than his life, I can't believe he did this, I really don't know the exact reason for him to do this but I hope you'll find some peace to forgive him someday, Jaime is a better man, If I can talk to him right now I would probably ask him the reasons behind, You are my friend, my bestfriend but he is my brother my older brother, and he needs me now, I have no more to promise but one thing is for sure, My sunshine will be home safe " Tapik nito ang balikat ni Rain bago umalis, napahilamos ng mukha si Rain, tama naman kasi ito, hindi niya alam kung bakit nagkaganoon, pinagtangkaan pa nito ang buhay niya, muntik na siyang mawala dahil dito, pero tapos na iyon ang kasalukuyan ang hindi niya matanggap bakit ang asawa niya pa? Ito ang nakasama niya ng matagal, paano nito nagawa iyon? Paano nito naatim na traydorin ang ama niya? Sila? Ang pamilyang kumupkop at tumanggap sa kanya? Matagal ng kanang kamay ng Ama niya si Jaime, ito ang pinagkakatiwalaan ng ama niya sa lahat, hindi niya talaga matanggap, hindi nalang  empleyado ang turing ng pamilya nila para dito, lalo at kapatid pa ito sa Ina ng kanyang matalik na kaibigan, talagang nakakapanglumo lang ang pakiramdam, tahimik na nakaupo lang din ang tatlo ganun din si Anna, napatitig muli si Rain sa dingding na puno ng mga litrato ni Jaime, hindi niya alam kung anu din ang trip ni Anna at may ganito ito doon ngunit wala na siyang pakealam dahil ang inaalala niya ay ang asawa niyang hawak ng isang taong may demonyong pagiisip, kung siya ngang mas matagal na nakasama ay kaya nitong patayin pano nalang ang asawa niya?





∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Jan,19,2021 - 8:32 AM

-LND

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon