Chapter 20

254 12 1
                                    

Narrator's POV..

Matagal na hindi nakaimik si Esmeralda, nakatingin lang ito sa mga mata ni sky, alam niya at nararamdaman niya ang kakaibang pakikitungo ng kaibigan ngunit ayaw niya iyong ikonsidera nung una dahil nakatuon lang sa iisang tao ang paningin at puso niya ngunit ngayon ay sinabi na ito sa kanya mismo, hindi niya alam kung anu ang gagawin bagamat alam niya ang tamang gawin, nasasaktan man siya ayaw na niyang magawa ulit ng isa pang kasalanan,

" You don't have to say anything, just let me love you, jusy let me be with you and I'll be okey " Nakangiti ngunit bakas ang sakit sa mga mata ni Sky,

" W--we have to leave " Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya, ayaw na muna niyang mag-isip, masyado siyang nasasaktan ngayon, marahil hinaplos na ng lamig ang kanyang puso, ang katotohanang ang asawa na mismo niya ang nagpapaalis sa bahay na naging pundasyon ng pagmamahal nito sa kanya noon ay magiging tahanan na nito kasama ang ibang babae, masakit, sobrang sakit ngunit wala siyang magawa kung hindi masaktan lang at tanggapin

" Y-yeah let's go " Sagot nito, saka binitbit ang maleta niya, nadaanan nila ang dalawa sa sala, nakatingin sa kanya si Anna, may ngisi sa mga labi nito at nkataas ang kaliwang kilay na nagsasabing panalo siya, gustuhin man niyang saktan ito sa paraang alam niyang hihigit sa nararamdaman niya ngayon ngunit wala na siyang lakas, ubos na ubos na siya,

" I hope this would be the last time we'll see each other, so long Esmeralda, is that all your stuff? Oh please get them all, I don't want a messy place " Nangiinsultong pahabol ni Anna sa kanya, gusto niyang sumagot, gusto niyang mag-amok ngunit naisip niyang siya padin ang talo, yumuko nalang siya habang naglalakad sila ni Sky palabas, bitbit nito ang kanyang maleta habang nakaalalay sa kanya palabas.

" Where will you stay? If you want I have a lot of space in my house " Tanong ni Sky, inaalok nito na sa bahay nito siya tumira ngunit may sarili siyang bahay, iyong bahay na binili ni Kyle sa kanya noon, umiling siya kay Sky

" S-sa eastwing nalang, may b-bahay ako doon " Sagot niya, tumango ito at hindi na muling sumagot, anung nangyare bakit ganun? Bakit biglang naging ganun? Masaya pa sila sa nagdaang gabi pero bakit biglang naging ganun? Ang sakit isiping mawawala ulit sa kanya ang asawa, mahal na mahal niya ito, sobra.

***

Magisa na siya sa loob ng bahay, nakatulala habang nakaupo sa sala, kanina pa nakaalis si Sky, tinulungan pa siya nitong ayusin ang ilang gamit, kipkip niya sa kanyang kanang palad ang  tatlong susi sa masters bedroom ng kanilang bahay ni Rain, hindi niya maaatim na sila ang matutulog doon, ayaw niya, hindi niya kayang isipin, wala paring tigil sa pagluha ang mga mata niya, pagod na ang mga matang iyon ngunit hindi niya talaga kayang pigilan, napatingin siya sa telepono, kanina pa iyon tumutunog

" H-hello? " Bati niya sa hindi kilalang caller, narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya

" You're crying again, what's happening? " Boses ni kyle ang narinig niya, muling tumulo ang mga luha niya at napahagulgol na siya

" Your maid told me, you left, I saw Rain with another woman here in your house! " Galit na sabi nito, lalo siyang naiyak

" D*mm If I knew this would happen I shouldn't let go of you, I'm sorry Ems, I'm really sorry " May sakit sa himig nito, patuloy lang siya sa pagiyak

" Where are you? Are you okey? " Tanong nito

" E--eastwing " Iyon lang ang isinagot niya, sapat na iyon alam na nito iyon, naibaba niya ang telepono at tulala ulit sa kawalan, paano nga ba niya sisimulan ang panibagong umaga na wala sa piling niya ang asawa.

Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG  )Where stories live. Discover now