Chapter 33: Sister's Love

25 1 0
                                    

Usagi POV

Nakatingin lang ako sa tubig kung saan lumusom si Elsea palayo samin .. Naaawa ako para sa kanya ..

"Busit talaga yung batang yon!" galit na sabi ng mama ni Elsea

"Kawal .. hanapin nyo si Elsea" utos naman ng papa nila Elsea sa mga sereno .. tumungo lang sila at lumusom pailalim sa tubig

"Ma ,Pa .. Wag na po kayo magalit kay Elsea .. Tama naman po sya eh" sabi ng ate ni Elsea

"Anong tama ?! Tama ba yong pahiyain nya tayo dito sa mga taga lupa ?!! Hindi porke sa lupa sya lumaki at nag aaral ay papahiyain na nya tayo!" galit namang sabi ng papa nila

"Ayon na nga po eh .. Hindi dito lumaki si Elsea .. Kaya pakiramdam nya wala syang pamilya dito .. hindi nyo ba na realize na nag tatampo sya ? Gusto nya ng atensyon natin " sabi naman ng ate ni Elsea  .. Pinag tatanggol ba nya si Elsea ?

"Atensyon ?! Sobra sobra na nga yong atensyon natin sa kanya .. Sakit sya sa ulo !" sabi ng papa ni Elsea at lumangoy na .. Hindi na nag salita ung mama ni Elsea at sumunod naman sa asawa nya

Tiningnan ko naman yung ate ni Elsea na naka hawak sa ulo nya tapos napatingin sya sakin .. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya .. Naramdaman kong lumalapit sya sakin

"Kaibigan ka ng kapatid ko diba ?" tanong nya .. Tumango lang ako bilang sagot "Anong ugali ng kapatid ko don sa lupa ? Iba ba yung ugaling pinapakita nya dito tsaka don sa lupa ?" tanong nya pa

"Ibang iba.." mahinang sagot ko naman "Masiyahin si Elsea lalo na pag kasama nya kami  ... Pag may ng away sakin ,nakikipag away din sya para protektahan ko ... Masayang kasama si Elsea dahil kahit medyo maldita sya ,hindi naman maipag kakaikalang maalalahanin sya " sabi ko at tumingin sa ate ni Elsea "Yung ugaling pinakita ni Elsea ngayon .. Parang puno ng hinanakit .. May tampo ata sya sa inyo" sabi ko habang naka tingin ng deretso sa mata ng ate ni Elsea

"Tama ka .. Kanina ko lang narealize na sobra sobra na pala yung napaparamdam namin para sa kanya .. Akala ko ... Ok lang sya ,hindi pala .." naka tungong sabi nya "Ako nga pala si Chelsea ,ate nya ako .. Ikaw si ?" pakilala nya habang naka lahad ang kamay sakin

The Demon Prince and The Importunate AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon