Chapter 17: Comfort

52 4 0
                                    

Usagi P.O.V

Hmm..  Anong ?? Asan ako ?

"Ano bang gagawin dito sa babae? " si kamatayan yun ah

Ibig sabihin..  Napahinto nga ng devil na yon yung oras ? Pero nasan ako?

"Crush mo yan no.. Ayiiieee" sabi naman ng babae, si Sadako

"Mga bobo, may alam ang babaeng to.. " seryosong sabi ni Devil

"Alam? "

Asan ba sila? Baka maka takas Pa ko dito

Biglang bumukas ang Pinto ng kwarto..  Kinakabahan ako.. Natatakot ako..  Andito yung silang lahat..  Mga mukha silang estudyante pero ang totoong itsura nila ay nakakatakot..

Si Sawako, kamukhang kamukha nya si Sadako, kung normal ang tingin sa kanya ng ibang students dito ,ako hindi..  Oo, maganda si Sawako sa paningin ng ibang tao, pero para sakin isa syang nakakatakot na nilalang..

Si Dark naman, gwapo sya sa paningin ng ibang tao..  Kagaya ni Sawako mukha lang din syang estudyante pero sa paningin ko, sya si Kamatayan..

At ang huli ay si Daemon.. Ang may ari ng school nato.. Mukha talaga syang demonyo.. May mga mahahaba syang sungay na kulay pula, may pakpak na parang pang manananggal or what, basta yung nakikita nyo sa tv na demonyo ganun ang itsura ng pakpak nya..

Sa kanilang tatlo, si Daemon ang pinaka nakakatakot lalo na ung presence nya.. Tumataas na nga ang mga balahibo ko dahil sa kanya

Lumapit si Daemon sakin na nakapoker face

"Sino yung mga bwiset na anghel na tinutukoy mo" tanong nya sakin .. Maski boses nya nakakatakot

"Alam nya? Seryoso ?" Sabay na Parang gulat na tanong nila Dark at Sawako

"Sumagot ka!!! " utos sakin ni Daemon

Napapikit nalang ako.. Natatakot ako .. Lord, tulungan nyo po ako

"Sawako? " parang nag karoon ako ng pag asa ng marinig ko ang boses nya

Salamat po Lord, dininig nyo ang dasal ko

"Hmm? Hi Haruhi! Anong ginagawa mo dito? " bati ni Sawako kay Haruhi

Yeah, si Haruhi nga.. Ang babaeng anghel..  Pinadala sya ni god para matakasan ko ang problema ko kay Daemon

"Tutugtog ako ng piano.. Hmm .. Hi " sabi ni Haruhi sabay kaway sakin ng makita nya ako.. Napangiti ako ng mapait

"Tsk.. Busit naman to.. Hoy babae lumayas ka nga muna dito " iritang sabi ni Daemon

Bumalik nanaman ang takot ko..  Iba talaga ang presensya ng lalaking to

"Bakit? Kakapasok ko palang papalayasin mo kagad ako? " sabi ni Haruhi sabay pout

Nakita Kong sinamaan sya ng tingin ni Daemon habang si Dark naman ay nakangiti lang kay Haruhi

Nag tataka ako..  Bakit ganito sila? Hindi ko alam Kong bakit pero may kung anong tanong na nasa isip ko, hindi ko lang mabuo kung ano yun

"Tara kanta tayo " aya ni Sawako kay Haruhi

"Sige! " pag sang ayon naman ni Haruhi

Tiningnan ako ni Daemon ng masama na parang sinasabi na 'hindi-pa-tayo-tapos' look

"Tara, sali ka samin" hindi na ako nakapag salita ng bigla akong hilain ni Haruhi papunta sa lugar Kong asan ang piano

The Demon Prince and The Importunate AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon